NDSB | Wakas

1K 53 51
                                    

NANG DAHIL SA BOLA
© Paintermoi 2017


SABADO ng hapon nang sunduin ako ni Gabby. Kamuntik ko pa ngang makalimutan na may party nga pala kaming pupuntahan. Siya na nga ang nagpaalam kina mama, imbes na balak ko pa man din magpalusot na lang sa kanila. Pero pumayag naman agad ang mga magulang ko kaya aarte pa ba ako.

"Sino ba ang may birthday?" tanong ko kay Gabby habang minamaneho nito ang sasakyan niya.

Bahagyang binalingan niya ako ng tingin. "Birthday nang isa kong ka team-mate na si Tretch," nakangiting sagot niya, saka binalik ang tingin sa daan.

"Baka magtaka siya na in-invite mo ko."

"Nasabihan ko na siya, El. Don't worry, and kilala ka naman niya."

Tumango na lang ako at itinuon ang atensyon ko.

....

"Shot! Shot! Shot!" sigawan ng mga ka team-mates ni Gabby.

Akala ko iyong pupuntahan namin na party ay may mga payaso at balloons, iba pala 'to. Imbes na payaso, puro mga sexy'ng babae ang sumasayaw sa mini stage, at puno ng mga alak ang paligid. Mapapatay ako nila mama neto. Niyaya pa nga nila akong uminom, tinanggihan ko lang sila.

"Wag niyo painumin si Helga. Bata pa 'yan," natatawang sabi ni Megan Lao Lao.

Aba, hinahamon yata ako neto.

"Good girl lang talaga si Helga, Megan. 'Di tulad sa'yo na alak na yata ang ginagawang tubig," sabat naman ni Lisa, ang team captain nila.

Nagtawanan naman ang buong grupo pwera kay Megan na parang mangangain na yata ng tao.

"So? Basta ako sexy, siya manang," maarte niyang tugon, sabay lagok ng alak na nasa lamesa.

Mas umingay pa ang paligid dahil sa sinabi ni Megan. Nakita ko naman na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Gabby.

Galit yata siya?

Hindi naman ako nagpatalo, bumwelo ako bago magsalita, "At least ako virgin, ikaw laspag na."

"BUUUURN!" sabay sabay nilang sigaw, bago magpakawala ng malakas ng tawa.

Marahas na napailing si Deni bago lapitan si Megan.

"Tama na nga ang pag-inom mo niyan, Meg. Lasing ka na." Inaagaw nito ang bote mula sa kamay ni Megan, at hinihila niya ito. Nagpupumiglas naman ang bruha.

"Bitiwan mo nga ako! Sasabunutan ko muna 'yang si Helga!"

Imbes na matakot ako ay kalmado pa rin akong nakaupo sa pwesto ko habang nakatingin sa nag a-alburutong si Megan.

Suntukan na lang, oh!

"Pasensya ka na, Helga. Lasing lang talaga 'tong si Megan."

Nginitian ko na lang si Deni. Lumapit naman sa akin si Gabby, saka ako tinabihan. Pulang pula na rin pala ito. Marami na ba siyang nainom?

"Ba't ka umiinom, Gabby? Baka malasing ka niyan," saway ko sa kanya.

"Hindi naman ako madaling malasing, El. H'wag kang mag-alala, ihahatid kita ng maayos sa bahay niyo. Nag promise pa naman ako kina tita."

"Sigurado 'yan ha?"

"Yep, promise!"



Sumasabay na sa ingay ng lugar si Gabby. Kanina pa siya sumisigaw ng party party sa gitna ng stage.

Nang Dahil Sa Bola [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon