Meet Ms. Probinsyana -Chapter 2

5.9K 117 6
                                    

Hi insan! Eto na, nadedicate ko na sa'yo! Love u!! :*

-----------------------------------------------------------------------

 Chapter  2- HELLO MAYNILAAAA!

KATH’S POV

“Helloooooooooooooooooo Manilaaaaaaaaaa!!!” Pagkababa pa lang namin ni Julia sa bus, sumigaw na ako. Excited ako eh, hahahaha!

At oo. Pinayagan ako nila Nanay at Tatay na mag-apply bilang katulong dito sa Maynila. Pagkatapos kasing sabihin ni Julia ‘yung tungkol kay Enrique, my loves. Ayun, tumakbo na ako papunta sa  kwarto namin nila Nanay at nagsimula na ako mag-impake.

Naka-graduate na nga rin pala ako, sa wakas! Pero siguro, di na muna ako makakapag-college katulad ni Juls, kasi mas gugustuhin ko pang mag-trabaho na muna para matulungan ko na kaagad sila Nanay.

“’Di ka naman talaga halatang excited ‘no?” -Julia

“Di naman, Hehehehe” Wushu, Kath. Pero sa kaloob-looban mo, gusto mo ng tumalon-talon sa saya! Nakakahiya lang talaga. 

Grabe! Ibang-iba ang simoy ng hangin dito sa Maynila sa simoy ng hangin dun sa probinsya.

Sumakay kami ng taxi ni Julia papunta sa Valle (pronounced as “VALYE”) Padilla Subdivision. (VPS) Pagmamay-ari nga raw ito ng paga-applyahan ko eh. Sobraaaang yaman naman nila!

 Pinapasok na kami ng guard….

O___________O

WOW! As in…W-O-W! Ang LALAKI ng mga bahay dito! Napapanganga ako sa laki at ganda!

“Oy, Kath! Para kang may sayad diyan! Baba na, oy!” ‘Di ko pansin yun ah!

Umalis na yung taxi. Eto kami ngayon, sa harap ng bahay ng pinagtatrabahuan ni Julia bilang maid. Napagdesisyunan muna namin ni Julia na dito muna ako tutuloy bago ako mag-apply bilang maid. Di ko pa nga sure kung tanggap ako eh! Pero etong si Julia, mas may confidence pa sa’kin! Kasi raw, magaling naman daw ako sa mga gawaing bahay. Hayy, sana talaga, Lord, TANGGAP AKO.

“Uy, Kath! Tulaley ka naman! Pasok ka na. Ipapakilala kita sa amo ko.” ‘Yun na nga pumasok na kami. Grabe! Ang lawak! C.R lang yata nito bahay naming sa probinsya eh!

May lumabas na babae sa isang kwarto. Ay, eto na yata yung amo ni Julia. Mestisa, matangkad, maganda, mukhang sosyal, halata talagang mayaman!

“Ma’am, eto nga po pala yung kinwento ko sainyong bestfriend ko po, si Kathryn. Kathryn, siya yung sinasabi ko sa’yong amo ko rito, si Ma’am Carol.” Tama nga ako! Hehehe.

“Hello po, ma’am! Nice to meet you po J Akala niyo ‘di ako marunong mag-english no? Syempre, nag-aaral ako, no! Tsaka, may mga napapanood din kasi ako sa Tv na may mga ganitong eksena.

“Hello, iha. Nice to meet you, too! Ipinahanda ko na kay Manang Flora yung higaan mo sa maid’s room. Doon ka muna magpalipas ng gabi, tsaka ka na mag-apply dun kay Karla.”

Sabi sa akin ni Julia, close daw si Ma’am Carol at si Ms. Karla. Sana kasingbait ni Ma’am Carol si Ms. Karla.

“Sige na, Julia. Samahan mo na ‘yang kaibigan mo sa guest room. At nang makapagpahinga na kayong dalawa.” Sabay ngiti sa’min.

“Sige po, Ma’am Carol, maraming salamat po sainyo!”

“You’re welcome, iha”

Hayy, eto na nga. Andito na kami sa guest room. Grabe, yung hagdan. Paikot. Nakakahilo!

WOW! Ang ganda naman ng maid’s room. Ang linis! 3 ang kama. Yung isang katulong nila, pinagbakasyon daw muna kaya ako raw muna ang gagamit.

“Grabe, bes, no! Maid’s room pa lang ‘to ah. Okay na nga kami dito nila Nanay eh.” Tumawa naman si Julia.

“Nako, bes! Masanay ka na. Marami ka pang makikitang magagarang bahay dito sa Subdivision na ‘to.”

“Bes, salamat talaga ah! Salamat dahil binigyan mo ko ng oportunidad na makapunta sa Maynila at makapagtrabaho.” –Ako

“Nako, bes. Wala yon! Gusto ko lang din makatulong sainyo. O’sha, matulog na tayo. Anong oras na oh! Antok na ako, pagod na pagod na ako eh.”

Nako.  Alas-Diyes na pala ng gabi. Humiga na ako sa kama ko.  Pero, di pa rin ako makatulog kasi hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwalang nakapunta na ako sa Maynila, makakatulog sa isang napakaganda at napakalaking bahay.

Minsan na ring nakwento sa akin ni Nanay na sa Maynila raw siya nagtapos ng High School kasama dahil simula raw nung natamay yung mga magulang ni Mama nung grade 6 siya, tinulungan daw siya ni Tita Clarissa na makapag-aral sa Maynila kasama siya pero hanggang 2nd year college lang daw sila dahil bumalik na lang daw ulit sila sa Probinsiya namin at doon na maghanap ng trabaho dahil nagkaproblema raw sila sa Maynila.

 May naging bestfriend nga raw sila Nanay at Tita Clarissa dito eh. Nakalimutan ko ‘yung pangalan kasi nung bata pa lang naman ako nakwento ni nanay sakin ito eh. Di ko na pinaulit pa sakanyang ikwento dahil di naman ako gano’n kainteresado. Interesado lang akong malaman yung bestfriend ni mama, pero dahil sa maraming kaming ginagawa, nalilimutan ko na.  Hahaha. 

Hayyyy.. Makatulog na nga, kailangan maaga kami bukas eh. 6 a.m daw kasi ang arrival nila eh.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz......

VOTES/COMMENTS!!

Meet Ms. ProbinsyanaWhere stories live. Discover now