Napanuod mo na ba?

76 2 1
                                    

"Napanuod mo na ba yung Diary mo? Yung Diary ng Panget?"

Eto na naman po siya. Itatanong sakin kung napanuod ko na daw ba yung diary ko? Yung diary ng panget. Tapos biglang tatawa ng tawang halimaw. Piste. sa araw-araw na lang ba na ginawa ng Panginoon, eh aasarin ako nitong si Jc?

Pasalamat ka at crush kita. Kung hindi...

Teka, baka naman crush din ako ni Jc. Hahahahahaha! Tss. Bawal assumera.

"Sige, tumawa ka lang Jc. Pag talaga ako nagkapera, papanuorin ko yung Diary ko." Saby irap sakanya.

Matagal ko ng crush si Jc, ewan ko parang hanggang kaklase lang tingin niya sakin. Hindi naman sana ako panget at mabait naman sana ako. Baka hindi lang talaga niya ako gusto. :(

Simula nung nagshwing yung Diary ng Panget, puro kay James Reid na lang ang naririnig kong chismisan sa Girl's Locker Room tuwing PE Class. I admit it naman, ang gwapo ng atalaga ni James Reid. Kaso hindi ako makarelate kasi di ko pa napapanuod yung DIary ng Panget. Poor me. Huhu.

"Faye, tara dito." Tawag sakin ng mga kaklase kong babae na nagkekwentuhan about sa DNP.

"Ha? Sige. Wag na lang. Di rin ako makakarelate sa pinag-uusapan niyo." At nag-aayos rin kasi ako ng gamit sa bag ko.

"Di mo pa ba napapanuod?" Umiling ako.

"Omg! Panuoring mo na! Promise! Di ka magsisisi."

"Pag nagkapera na lang siguro ako. Or pag may sumama sakin." sabi ko. "Isa lang naman yung gusto kong makasamang panuorin yun eh. Yung laging nagtatanong kung napanuod ko na ba yung diary ko? yung diary ng panget?" Bulong ko.

Hindi ko naman akalaing nasa harapan ko pala si Jc at narinig niya yung sinabi ko.

"Ako!?" Tanong niya. Namula ako bigla.

"Ha!?" A-asa ka naman. Di lang naman ikaw nagtatanong sakin non nuh." sabi ko tapos lumabas ako ng classroom. 

Simula noon, umiwas na ako kay Jc. Pag lalapit siya sakin, umaalis agad ako. Pag nakatingin siya sakin, tumatalikod agad ako. Pag kakausapin niya ako, may kakausapin akong iba. Ewan ko, pero para kasing awkward. Para kasing, ay! ewan ko.

Dalawang araw na kaming di nagpapansinan ni Jc. Papasok sana ako ng classroom, nang mapansin kong may nagtatalo sa gilis.

"Si Faye?"

"Yung kaklase ko?" Boses ni Jc yun ah?

"Oo. Alam nating gusto ka niya. Gusto mo ba siya?"

"Pwede ba..." Sabi ni Jc at tumawa siya.

Boompaneth. Biglang tumulo yung luha ko.

"Crush ko lang naman siya eh, bakit ako umiiyak? Bwiset." sabi ko habang pinupunasan ko yung luha ko.

Simula noon, sabi ko sa sarili ko, buburahin ko na si Jc sa puso at isipan ko...

3rd week na ng DNP, di ko pa rin napapanuod. Outdated na talaga ako pagdating sa mga trends ngayon. Hays. Palabas na ako ng school kasi uwian na. Nakabanta na yung malakas na ulan, kaya magmamadali na lang ako para di ako abutan ng malakas na ulan. Pero may isang bagay na nagpanhinto sakin.

NAPANUOD MO NA BA YUNG DIARY MO?

Printed yung letters na nakadikit sa pinagdikit-dikit na cartolina para humaba.

Napanuod mo na ba? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon