Chapter 22.8: Makinig ka please.

5.6K 129 23
                                    

A/n: Alam kong nabitin kayo kaya eto na talaga! Hahahahaha. I love you guys! Salamat sa lahat ng nagbabsa nito! :)))

~

Mika's POV

Pupuntahan ko na lang si mark sa kwarto niya.

Pero nakalock ang pinto.

Di ko na alam gagawin ko.

Napaupo at napasandal na lang ako sa pintuan niya.

Wala akong pakialam kung buksan niya pa ang pinto. Ang mahalaga marinig niya yung sasabihin ko.

"Mark." Panimula ko.

Bumuntong hininga muna ako.

"Yung nakita mo kanina.. Sana wag mong bigyan ng malisya. Kaibigan ko lang si jin at wala na. Ikaw lang naman.." Napahinto ako. Then i started to cry.

"Ikaw.. ikaw lang naman ang mahal ko.. Ang sakit pala talaga noh? Kase.. pakiramdam ko.. walang tiwala sakin ang .. asawa ko.." Huminto ulit ako at bumuntong hininga.

"Nakakatawa ako noh? Hindi ko naman alam kung tulog ka na ba jan o kung nakikinig ka manlang. Sana bukas okay na tayo.. Sana.." Pinunasan ko na ang luha ko at dumiretsyo sa kwarto.

Dun ko nalabas lahat ng luhang kanina pa talaga nag uunahan sa pagtulo.

Sana pinakinggan niya yun..

Sana talaga..

*kinabukasan

Bumangon na ako't nagpunta agad sa banyo.

Maaga pa naman. Magpapalate ako ng pasok.

Nagbabad muna ako sa bathtub.

Nag isip isip.

"*sigh* Sana okay na ulit. Sana kase wala na lang nangyaring ganito. Antanga mo kase mika." Sabi ko sa sarili ko.

Oo. Nababaliw na ako.

Ang laki kase ng problema ko eh.

Pagkatapos magpagbabad ng ilang oras sa bathtub ay nagayos na ako.

Pagkatapos kong mag ayos ay baba na ako.

Kinakabahan ako.

Unti unti akong bumaba ng hagdan.

Nanginginig ako.

May kutob kase akong wala parin..

Bumaba na ako ng tuluyan.

"Manang. Alis na--" Napahinto si mark sandali at iniwasan agad ako ng tingin.

Sabi na eh.

Galit pa rin siya..

"Alis na po ako." Pagtuloy niya ng sinasabi kanina.

Tinignan niya ulit ako sa mata.

Umiwas ulit siya at umalis na.

Feeling ko tuloy di na ako makahinga.

Kumikirot na naman yung puso ko.

Pumatak na ang luha ko.

Dito naman ako magaling eh.

Sa pag iyak.

Wala na ata akong nagawang tama.

Di na ako kakain.

Agad na akong umalis ng bahay.

Dumiretsyo sa school.

Pagpasok ko sa classroom.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni bes.

"Ahh.. Oo.." Liar. Hindi naman talaga ako okay.

"Liar. Namumugto ang mata mo tapos sasabihin mong ayos ka? Baliw ka ba?" Sabi niya.

Niyakap ko na lang siya bigla.

"Anong nangyare?" Seryosong sabi niya.

"Ayokong dito magkwento. Maraming makakarinig." Sabi ko.

"Guys, wala daw tayong prof. may emergency meeting daw si prof!" Sabi nung kaklase namin.

"Good thing. Tara punta tayong field!" Sabi ni Lea.

Agad kong kinuwento ang nangyari.

"Kasalanan to ni seokjin eh! Sinabihan ko na siya ah! Tss." Sabi niya.

"Mika. Makinig kang mabuti ha? Wag na wag mong susukuan si mark! Wag na wag! Suyuin mo lang hanggang sa magkabati kayo ha?" Tumango naman ako.

"Ahh.. Mika.. May kasalanan pala ako sayo.. Kahapon.." Nanginginig niyang sabi.

"Ano yun?" Nagtataka kong tanong.

"Ano.. kase.. ako nagsabi kay mark na may sinamahan ka.. Pero mika.. di ko sinabing si jin ang kasama mo kase nagmadali na siya umalis..Wala kase akong choice.. Ako lang kase ang kilala niya dito sa school eh.. Kaya.. Sinabi ko.. Sorry." Tapos yumuko siya.

"It's okay. Wala ka namang kasalanan eh." Sabi ko tapos niyakap ko ulit siya.

Pagkatapos ng dramahan namin ay nagpunta na ulit kame ng classroom.

Di parin mawala sa isip ko kung paano ko aayusin tong problema ko.

Medyo nahihilo na nga ako eh.

Natapos ang klase.

Nagpaalam sakin si lea na may bibilhin daw siya sa mall.

Sinasama nga niya ako eh.

Pero tumanggi ako kase ang sakit ng ulo ko.

May naisip ako bigla.

Cake!

Bibili ako ng cake.

Wala namang event. Gusto ko lang talaga ng cake.

Naglalakad ako papunta sa isang cake shop ng makasalubong ko si..

Jin?

"Mika." Ang lungkot ng mukha niya.

"Bakit?"

"Sorry sa kahapon mika.. Hindi ko naman alam na pati yung pagsama mo sakin.. Pag aawayan niyo pa.." Sabi niya sabay yuko.

"Ahh.. Wag kang mag alala jin.. Ano.. Maayos rin agad tong problema namin.." Sabi ko at ngumiti.

"Sana nga." Nginitian niya ulit ako kaya napangiti ulit ako.

Then everything became black.

"Mika!" Yan na ang huling narinig ko at di ko na alam ang nangyari.

xx--xx--xx--xx--xx--xx--xx--xx

A/n: Anong nangyari kay mika? Who wants dedication? *u* Mwahahahaha. Mga team mirk! Maghanda na kayo sa mga mangyayari! XD

VOTE!

COMMENT!

FOLLOW! ;))))

[GOT7] Married to GOT7's Mark {on hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon