Chapter 13: Ownership

10.6K 294 169
                                    

6 more days before our Grand Fans Day!

Don't forget to grab a copy of my books at our event!

When: Aug 27, 2017

Where: Laguna Central, Sta. Rosa Laguna

Registration starts at 11 AM. See you there!

-Crunchh

==

Napakagaling nina Sierra at Vien. Natapos agad nila nang mabilis ang aking mga ipinapagawa kaya naman nasa akin na ang kopya ng bawat schedules at profile ng bawat board members. Bukas ay titingnan ko na ang application na ginawa ni Vien para lang sa akin kung saan makikita ko ang bawat galaw ng mga board members.

Pero bago iyon, nag-aayos kami ni Nathan para sa birthday party ni Ira. Nakatanggap kami ng invitation nung isang araw kaya naman maaga ako umalis sa opisina at si Nathan naman ay agad na umuwi para masundo ako rito sa bahay.

Isinuot ko ang necklace na bigay sa akin ni Nathan at saka ngumiti sa salamin. Bumili pa ako nang magandang dress kasi ngayon lang kami magkikita kita ulit.

Bumuntong hininga ako. Magsasama sama ulit kaming lahat sa event na iyon. Parang ang tagal na talaga. Nagkaron kami ng kanya kanyang buhay matapos namin ikasal ni Nathan. Si Arden lang talaga yung malimit na sumasama sa amin kapag nalulungkot siya dahil wala rin si Nicole.

Lumabas si Nathan ng kwarto namin at natuwa ako sa suot niya. Masyado siyang gwapo! Ngayon ko lang uli nakita si Nathan magsuot ng pormal!

"Ang gwapo mo, Moo!" Sobrang lakas ng dating ng asawa ko. Sobrang proud talaga ako na siya yung naging asawa ko. OMG!

"T-talaga?" Ngumiti siya at umiwas ng tingin. Nahiya ang Nathan ko sa akin. Haha! Lumapit ako sa kanya at inayos ang damit niya.

"Syempre naman. Ang swerte ko ikaw asawa ko." Hindi na niya mapigilan ang ngiti at hinalikan ako sa noo.

"Akin ka lang, ah?" he said.

"No need to ask me that, Mr. Jonathan Smith. Sayong sayo lang ako."

"Arf!" Kahit si Mon ay sumang ayon sa akin. Haha!

Sa isang malaking resort gaganapin ang party ni Ira. Dumating kami ni Nathan ay nasa past 8 na ng gabi at madami na rin tao sa venue. Lahat ng bisita ay nakasuot ng magaganda at ang ilan ay anak ng mga mayayamang negosyante sa bansa.

Pinagtinginan kami ng mga tao nang makarating kami. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga babae kung gaano nila kagusto ang asawa ko kaya naman mas humawak pa ako braso ni Nathan at saka tumingin sa mga iyon nang hindi maganda. Alam na nila. Huwag ako ang kakalabanin nila.

May ilan na hindi matinag sa tingin ko at kusa silang lumapit sa amin ni Nathan.

"Jonathan Smith, pwede magpapicture?"

"Wala akong dalang papel at ballpen kaya hindi ako makapagpa autograph. Papicture din ako."

Kahit hindi na itinuloy ni Nathan ang singing career niya ay talagang sumikat siya lalo na sa mga babae. Nung last time na sinamahan niya akong mag grocery ay nakasuot siya ng sumbrero para hindi rin siya makilala ng ibang tao.

"Ayoko," walang emotion na sabi ni Nathan at saka hinawakan ang aking kamay. Hinila na niya ako paalis.

"Nakita ko rin kayong magasawa!" Hinawakan ni Arden ang parehong balikat namin. "Agaw pansin na naman kayong dalawa ha!"

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon