4

3 0 0
                                    

Chapter 4: Shadow Phoenix

Isang linggo na pala ako dito sa school, ang bilis ng panahon. Pagpasok 'ko sa room namataan 'ko agad ang Presidente naming si Pantaleon na nasa unahan seryoso ang kanyang mukha.

"I won't tolerate gang fights here" pagsasalita nya sa sampung tao na nasa unahan kaharap nya.

"But nauna sila, wala kaming ginagawang masama" pagsasalita nung babae.

"Yeah, they started the fight we just ended it" singit nung lalake.

"ENOUGH! Enough for your shitty reasons. Look at yourselves, your full of bruise and cuts" galit na sabi ni Jeans pero mababakas mo sa mukha nya na nagaalala lang sya sa mga fellow students nya. "Kitty bring them to the clinic" utos nya.

"Nakipagaway nanaman sila" pagsasalita ng pamilyar na boses kaya napalingon ako at si Ace nga.

"Anong nangyare Fortify?"

"Napakapormal naman ng pagtawag mo 'saken" walang kwentang sagot.

"Ano nga nangyare?"

"Gang fight lang" pagsasalita nya.

"lang? Pero husto yun para sa salitang 'lang'"

"Malayo sa bituka" pormal nyang sagot.

May mga gang fights pala dito sa school na 'to akala 'ko kase puro ka weirduhan nasa school na 'to. Meron din palang hindi out of the world. Nagpalinga linga ako sa paligid kase hinahanap 'ko si Pantaleon, di nya ba ako ililibot ngayon? Wala pa rin akong alam sa school na 'to. Nawala sa paligid si Fortify.

"Hey, are you looking for Mr. Corpuz?" napatingin ako sa harap, ngayon 'ko lang napansin ang isang 'to. Medyo chinito sya and I find it cute.

"Oo eh"

"He told me na ilibot kita sa school bcoz he's busy"

San kaya 'yun busy? #president kase.

"Aish, pasalamat sya presidente sya. Di tuloy ako makakapunta sa RR" pagmamaktol nya.

RR? Red room? Pansin 'ko lang, lahat ng mga kilala 'ko dito lalake.

"Btw I'm Trent Stanford, and your are?"

"Akira" napansin 'kong nawala ang sigla sa mga mata nya.

"Akira what?"

"Akira Sebastien" pagsabi 'ko ng apelyido ko lumiwanag yung mukha nya.

"Let's go?" sumunod lang ako sa kanya.

Andami dami palang estudyante sa school no? Pero ayoko magkaroon ng maraming kaibigan. Wala lang trust issues na rin siguro? Kaya nga si Pantaleon kino consider 'ko lang na classmate or President.

"So Akira since you're new here can you introduce yourself?"

"Close ba tayo?" tumawa sya.

"Baket ganyan ka umasta? Natatablan ka ba ng charms 'ko?" pagyayabang nya. Aish ang hangin ang sarap hiludin ng scotch brite.

"Hindi, teka teka diba ililibot mo 'ko dito?"

"Oo nga. Gusto mo ba may gawin muna tayo bago kita ilibot?" sabi nya with seductive smile. Kinilabutan ako sa sinabe nya, iba rin tama neto e no? Dapat kasi si Jeans na lang e. Kahit ang seryoso ng taong 'yun mas maayos pa sya kesa dito sa lalakeng 'to.

"Matagal tagal na rin akong hindi nakakasapak ng matigas na mukha ah.." tinignan 'ko ng masama si Trent.

"Hehehe sabi 'ko nga tara sa Blue Room" I tsked, duwag. Puro kahanginan lang at walang kwenta ang pinagsasabe ni Trent kaya di na 'ko nakinig pa. Kaya nung natanaw 'ko na yung blue room kuminang na yung mga mata 'ko buti naman at titigil na rin sa pagsasalita 'tong adik na 'to.

Roleplay UniversityWhere stories live. Discover now