Tshirt

278 8 1
                                    

Hey! I'm Gino. Vocalist sa bandang BandNew. Gwapo? OO. Pero humble ako no! Okay. There's a girl na gustong gusto ko. Pero di ko masabi dahil sa TORPE nga ako. Well, she's Mikay. She's very simple. She doesn't like makeups or anything na connected sa pagpapaganda. She's thoughtful at matalino. Mabait siya sa MABAIT. Maganda? OO. Magugustuhan ko ba kung hindi?!

Sa ngayon, nag iikot ikot ako sa Mall. Bibili kasi ako ng Tshirt para sa kanya. Wala lang. Ibibigay ko lang sa kanya. Paki alam niyo ba? Diskarte ko 'to e. Hahaha

Nakarating ako sa Department Store.

Ikot.     Ikot.        Ikot.

Tingin. Hanap. Check. Tingin. Hanap. 

Paulit ulit lang.

Hanggang sa may nakita akong Tshirt. Simple lang pero maganda talaga. Parang SIYA lang. Kukuhanin ko na sana nang biglang may humawak sa Tshirt. Babae. Tiningnan ko yung babae na humawak sa Tshirt. Teka?! Teka?! Si Mikay to a.

"Excuse me, Mr. Valderosa. Sorry, pero ako kasi ang unang nakakita at humawak sa Tshirt na 'to."

"Sorry ha, gustong gusto kasi 'to ng pagbibilhan ko. Maghanap ka na lang ng ibang Tshirt."

OO. Close kami niyan. Sadyang ganyan lang kami mag usap.

"Ikaw na lang maghanap GINO! Kitang naunahan kitang humawak dito e."

Bigla niyang hinatak yung Tshirt. Pero napigilan ko.

"Sabing akin 'to e."

Sabay hatak niya sa Tshirt.

"Wag ng makulit at stubborn Miss. Amina."

Hinatak ko ulit. Hatakan lang kami ng Tshirt. Hanggang sa medyo napalakas yung paghatak ko kaya naman nadala siya at napalapit sa dibdib ko. Para na tuloy kaming magkayakap ngayon.

"Ehem. Masyado ka atang natuwa sa pagkakadikit mo sa'kin."

Bigla siyang lumayo. Hahaha.

"Ha? Hi-hindi no. O. Fine! Maghahanap na lang ako ng iba. Sa'yo na 'yan! Psh!"

"Thanks Miss Maghirang."

Sabi ko sabay kindat na siya namang ikinainis niya. Kung alam niya lang talaga. Nako!

Sinundan ko siya. Ayun, naghahanap pa din ng Tshirt. Nakapagbayad na ako sa Counter. Maya maya lumabas na siya, Sumunod naman ako. Binilisan niya ang lakad niya. Siguro nakaramdam na amay sumusunod sa kanya. Mapagtripan nga itong MAHAL KO. Hahaha. Bigla kong hinawakan yung braso niya.

"KYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!"

"Hahahahahahahaha. Aray. Hahaha. Aray!"

"Ano bang kailangan mo? Palagi ka na lang nang iinis e. Dun ka na nga, Gino!"

"Wait! Kain muna tayo. Treat ko."

"Sige! McDo tayo."

Sabi na papayag 'yan basta libre e. Pero MAHAL ko 'yan.

- -

McDo

"Anong gusto mo?"

"Spaghetti, Fries at ICE CREAM!!!!"

Sabay taas pa ng kamay niya. Hayst! See?! Medyo may pagka isip bata lang pagdating sa ICE CREAM. Pero MAHAL ko yan.

"Sige na. Punta ka na sa table natin."

- -

Nandito na kami sa labas ng McDo. Nag iikot ikot. Bumili nga ulit ako ng ICE CREAM naubos niya kasi yung kanya pati yung SA'KIN. Hahaha. Takaw talaga ng babaeng 'to.

"Kanino mo naman ibibigay 'yang Tshirt na inagaw mo sa'kin?"

"Sa mahal ko."

"Ahh."

Kinuha ko yung paperbag na may lamang Tshirt. Shhh! Quiet ha. Binili ko kasi yung panlalaki nung Tshirt na yun. Bale, dalawang shirt binili ko. Para sa kanya at para sa'kin. Para pag naging kami. Ready na. May COUPLE SHIRT na kami.

"O." 

Sabay abot nung paper bag na may lamang Tshirt.

"Ha? Kala ko ba sa mahal mo ibibigay 'yan? Bakit sa'kin?"

"Sa mahal ko nga. Inaabot ko na nga. Kaso tinitingnan niya lang mukhang ayaw tanggapin. Nakakangawit kaya. Sayang naman pera kokung di niya tatanggapin."

Kinuha naman niya.

"Thanks. So? Sino yung mahal mo?"

Hayst! Akala ko Gets nya! SLOWMEN!

"Ikaw."

"Trip mo ko?"

"Hindi. E, ikaw nga mahal ko anong magagawa ko? Kaya nga sa'yo ko inabot yung Tshirt e."

"Ah. Okay."

"Mahal kita. Matagal na."

"Mahal din kita. Matagal na din."

"Ano?"

"Bingi! Sabi ko Mahal din kita. Matagal na din."

"Talaga?! Mahal mo din a.... Aray! Bakit mo ko binatukan?"

"E, bakit paulit ulit ka?"

"Wala lang. So? Tayo na?"

"Hala? Ambilis naman! Ligawan mo una ako. Bilhan mo ko ng madaming madaming Tshirts."

"Psh! Yun lang pala e. OO naman. Kahit tayo na bibilhan pa din kita niyan."

"Yung hindi nahatak na ha. Hahaha."

"Hahaha. OO naman. So? Tayo na po ba, Ms. Mikay Maghirang?"

"OO na nga!"

"Yes! Iloveyou!"

"Hahaha. Ang cute mo. Iloveyoutoo."

- -

At dahil sa Tshirt na 'yun, naging KAMI. 2 months na kami. Siguro kung hindi dahil sa Tshirt na pinaghatak hatakan namin. Eto pa din ako. Pasulyap sulyap sa kanya. Siguro TORPE pa din ako. Inamin nga din niya na may gusto siya sa'kin, matagal na. Tandang tanda niya pa yung araw, buwan, taon at oras. guess what?! Parehas na parehas kami. Hay, DESTINY nga naman. So? Pa'no ba 'yan? Dito na nagtatapos ang storya namin. :)

- -

Hello! Di nakatiis. Nag update agad. Mahal ko kasi kayo e.

Salamat sa mga nagbabas, kung meron man. Hahaha.

Kakapalan ko na mukha ko. Pa fan naman ako o. Please. TY

Next update. Abangan niyo.

Next Story: LUCKY

Gusto niyo po bang KathNiel na lang yun? Leave comment kung gusto niyo. Wala pong pumipigil sa inyong magcomment at magvote. Go lang po! Hihihi.

~ brightsiderdg

One Shots^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon