PRINCE AND THE PAUPER- 21.

3.4K 59 12
                                    

Kathryn's POV

Tinext ko si DJ na bukas niya na lang akong sunduin kasi sasabay muna ako ngayon kay Quenbave, kaso  alam niyo ang reply niya? "K" ---yun lang? wala man lang 'ingat wifey love you' =______=  What do I expect? tsk.

"Napakasweet talaga ng boyfriend ko" sarcastic kong bulong sa sarili ko.

Kaya ngayon sumabay na ako kay Quenbave, himala nga eh di niya dinala yung kotse niya, tinatamad pa naman akong maglakad kahit na ang lapit lapit ng university sa bahay namin.

"Ah Quenbave, di na ako sasabay sa'yo bukas ah" pagpaalam ko sakanya.

Nagpout siya bigla "Huh? Bakit naman Kathbave? Ayaw mo ba akong kasabay?"

"Hala! di naman sa ganun kaso nga lang "

"Kaso nga lang?" tanong niya na may halong pagpapacute at pagmamakaawa na sabayan ko siya bukas. Ehh di ko na rin kasi nakakasabay si DJ miss na miss ko na rin yung Mr. Sungit na yun.

" Nagtatampo na kasi ang boyfriend ko kasi di ko na siya nasasabayan."  paliwanag ko sakanya. bigla naman nagiba ang expression ng mukha niya.

 Nagpout ulit siya "Ha?! Kathbave may boyfriend ka na?! Pero bakit?! Kelan pa?!" halos pasigaw niyang tanong, halatang halata sa itsura niya na gulat na gulat siya at di niya nagugustuhan ang naring niya. Kilala ko na to si Quenbave eh, napaka over protective bestfriend yan. Akala niya siguro sasaktan ako ni DJ, well hindi noh. Hinding-hindi! ata?

" Eh? Oo naman! Gusto mo pakilala kita sakanya eh. Mabait yun bave at gwapo pa!'' masigla kong sabi.

For the third time nagpout ulit siya. "Ah wag na bave, salamat na lang" 

Tahimik na lang kami habang naglalakad, Sinusubukan kong maging masigla ang paguusap namin kaso puro naman isang salita ang sagot niya. Kilala ko na to eh, may problema to si Quenbave kaya ganyan. Tinatanong ko naman siya kung may problema pero umiling lang siya. Well, I'm not convinced.

Humiwalay na kami dahil hindi naman kami magkaklase, nakakapanibago lang eh kasi ang sinabi niya lang saakin bago kami maghiwalay ay "bye", dati rati naman ang laging sinasabi niyan "Bye Kathbave ingat ah! Tanga ka pa naman!" o kaya naman " Bye Kathbave, I love you joke lang!"  =________= 

"Hi Bessy! / Hi Kathryn!"  bati saakin ni Albie and Zharm.

"Hi" bati ko rin sakanila.

"Kathryn, may problema ba kayo ni DJ?" tanong ni Albie.

"Ha? Syempre wala!"  depensa ko. Eh wala naman talaga kaming problema eh. Di naman ako galit sakanya, tapos di rin ata siya galit saakin. I think?

" Eh bakit di kayo sabay pumasok?" tanong ni Zharm. "At ang mukhang badtrip ang hubby mo?" dagdag pa ni Albie. 

 Nagkibit-balikat lang ako sakanila" Ah sige puntahan ko muna si DJ ah, Bye."  nagwave na rin sila at umalis. Magbebreakfast pa daw sila sa Mcdonalds. Magcucutting nanaman ang dalawa sa morning classes namin. hay nako.

Tinabihan ko muna si DJ dahil wala pa naman yung katabi niya.

" Goodmorning Hubby!" masigla kong bati sakanya.

Bigla naman naghiyawan yung mga kaklase namin, nginitian ko lang sila pero si DJ di lang pinansin at nakatungo pa rin.

Tiningnan lang ako ni DJ, at parang expressionless lang yung itsura niya. Mukhang badtrip na badtrip siya ah. 

Prince and the Pauper (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon