To Be Your Bias [One Shot]

82 1 1
                                    

To Be Your Bias

~One Shot~

(you can try listening to Lucky by Jason Mraz or Lucky by EXO while reading. Yun din kase ang pinakinggan ko.)

-pumasok lang ito sa isip ko pagkatapos ko sumali sa CESC clan! labyow all :)

Once may babaeng nabuhay sa Earth. Ang pangalan niya ay Ashia. Kagaya ng lahat ng bida, may best friend siya. Ang pangalan niya ay Robin. Simula pa noong pagkabata, sila na lagi ang magkasama. Kilalang-kilala na nila ang isa't-isa, at nagpangako sila sa isa't-isa na kung ano ang gagawin ng isa, yun din ang gagawin ng pangalawa. Gumagana naman iyon minsan. Kung magustuhan ni Robin ang basketball, magbabasketball din si Ashia. Kung magkaroon ng hilig si Ashia sa Chippy, bibitawan ni Robin ang Nova niya, kahit gaano pa ito kasakit. Ngunit di ko naman sinasabi na kung magugustuhan ni Ashia ang mga evening gown, susuotin yun ni Robin. Sobra na kasi yun O_o

Kaya alam ni Robin na hindi niya pwede pilitin si Ashia na mahalin siya. Mahal na kasi ni Robin si Ashia, ever since 12 pa lang sila. At kahit sabihin ng iba na hindi pag-ibig ang nararamdaman ni Robin, alam naman niya na mali sila eh. "Din naman nila kontrolado ang puso ko eh," Sabi niya sa sarili minsan. Nagpatuloy ito hanggang maging 14 sila.

Ito na iyong panahon na napansin ni Robin na palayo na ng palayo si Ashia sa kanya. Lagi nang kasama ni Ashia ang mga seatmate niya, sina Lorelei at Yanni. Parang di na siya pinapansin ni Ashia. Kaya naisipan niya itong puntahan sa bahay.

"Ashia, kaibigan pa rin ba tayo?" Ang unang tanong ni Robin noong pagbuksan ito ni Ashia.

"Ah... Eh... Oo!" Sabi niya. Sa totoo lang, namiss din ni Ashia si Robin na laging umaaligid sa tabi nito. "Di ko naman sinasadyang lumayo sa iyo eh. Pwede pa naman natin itong ayusin, diba?"

"Siyempre naman!" Sabi ni Robin, at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Ashia. Noong tumama ang balat ni Robin sa kamay niya, may naramdaman siya na parang kabog sa dibdib niya. Kaso di niya ito masyadong inisip,

Bumalik ang samahan nila sa dati: sunud-sunuran kung saan-saan, walang basagan ng trip, at gaya-gayahan ng gusto.

Naadik si Robin sa PBA at UAAP, kaya tumatabi si Ashia sa tabi niya noong mga finals nito.

"WHOO! NAKS! GALING MO ALYSSA! NATALO MO SI ABBY! SIGAW IPAKITA O SA KANILA! MAHAL KO NA ATA KAYO NI DENDEN!" sigaw ni Robin noong nanalo si Alyssa Valdez bilang MVP sa finals.

Nagustuhan naman ng bongga ni Ashia ang K-Pop, kaya sinasamahan siya ni Robin manuod ng Music Bank, M! Countdown, Show Champion, at kung anu-ano pa.

"KYAAAH! ANG GALING TALAGA NI SOYOU MYLOVES! PATI NI YONGHWA!!! KYAAH MAHAL KO NA ATA SILA! PATI DIN SI TIFFANY!!!" Sigaw ni Ashia noong napanuod niya ang Myx countdown nuong isang araw.

"Ganun? Mahal mo sila? Paano ako?" sabi ni Robin.

"Siyempre mas mahal kit Bespren!" sagot ni Ashia at niyakap niya si Robin.

Napangiti si Robin, kahit alam niya na hanggang Bespren na lang ang pwedeng ituring ni Ashia sa kanya.

Isang hapon ay umuwi si Robin na malumanay sa bahay niya. Nabigla siya noong naghihintay si Ashia sa kanya sa sala niya at nakabukas ang laptop sa harapan nito.

"Pinapasok ka ni Manang?" Tanong nito.

"Oo naman, ang bait ko nga, hinintay ko pa na matapos ang leshe mong basketball practice para manuod! Gabi na oh! Alas-siete na! Pasalamat ka kapitbahay tayo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Be Your Bias [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon