EPILOGUE

5.9K 239 151
                                    

FINALLY! PORTRAYER NI XANDER JAMES MONTEJERMOSO, MAKIKITA NIYO NA XD NASA MULTIMEDIA SECTION PO.

ANYWAY, ENJOY READING THE EPILOGUE!

_________________________________________________________________

“Xander, ano ba?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?! Simula nang bumalik ang Rain na ‘yan naging ganyan ka na!”

“Pao, I’m sorry.”

“’Yan! Diyan ka magaling! Sa kaka-sorry mo! Ilang araw ka nang cold sa’kin, ilang araw ka nang nahuhuli sa tagpuan natin! Last time nga hindi mo na ko sinipot, e. Tapos ano? Magso-sorry ka then papatawarin kita pero uulitin mo na naman! Xander, ano ba’ng problema?”

Asa tapat ng bahay nila Paoline sina Xander at ang kasintahan nito nang bigla na lamang umusbong ang kanilang pagtatalo.

“Anong problema? Paoline, malaki. It’s just that I realized that you’re right.”

“I’m right about what?”

“That I am happier with her, that I am complete with her. That there’s something about her that is so unstoppable, so inevitable, and so beautiful. And I’m sorry for realizing it too late.”

Kahit pa gusto nang umiyak ni Paoline ay pinipigilan pa rin niya ang sariling emosyon. “Minsan, masakit rin palang maging tama. Ang sakit sakit pala.”

“I’m so sorry, Pao, I just can’t take it anymore.”

“You can’t take what?”

“Our relationship.”

Dito na tuluyang pumatak ang luha mula sa mata ni Paoline. “Are you, breaking up with me?”

“I’m sorry.” Tumungo si Xander at sunod-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mata niya. Sobra siyang nakokonsensya at parang siya mismo ay hindi na mapatawad ang sarili.

“Alam ko Pao, kahit kalian ay hindi naging sapat ang Sorry. Pero Pao, kahit kailan ay hindi rin naging sapat ang pagmamahal. Madaming sangkap ang relasyon, at sa tingin ko nasobrahan tayo sa pagmamahal, at kinulang naman sa kaligayahan, kaya eto, hindi naging maganda ang timpla, nawalan ng tamis, puro na lang pait.”

“So this is how it feels when I left you. And it is too painful, it is so unbearable.”

Masakit para kay Xander na makita ang dalaga na umiiyak sa harap niya. Pero sa naging desisyon niya noon, puso lang ang ginamit niya. Pero sa desisyon na ginawa niya ngayon, susundin pa rin niya ang puso niya, pero sasamahan na niya ito ng utak.

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon