Chapter Tres

8.7K 209 2
                                    

Chapter 3

 "JAAAaaayyyylllooo....!!" sigaw ni Alex

 Hanep ang alarm ko ah... Automatic!

 "KRISHNA JAY LOUISE GISING NA ANO BA? Maga-maga nalang ba kitang sisigawan? Kelan ka ba matututo?" atleast naeexercise ang voice niya diba?

 "Eto na .. gising na.."

 Narinig kong bumaba na siya at ginawa ko na ang lahat ng siremonyas ko bago pumasok. Ano naman kayang mangyayari ngayong araw na 'to?

 Pumasok na kami sa room namin at umupo kami sa pangalawang hanay sa likod. 

 Nakasunod ang tingin samin ng mga estudyante. Prang hindi nila kami nakita kahapon ah. Atsaka may mali ba sa pag-upo sa upuan. Kaya nga to ginawa di'ba? Tsaka maganda ang pwesto dito. Hindi halata pag nakatulog.

 Habang nagmumuni-muni ako ay may pumasok na grupo ng kalalakihan ay mali pala, there's a girl. Mukhang mabait naman kasi nakangiti ito.

 "Hey girl ako dyan.." sabi ng isang lalaki kay Alex. I think nakita ko na siya. Hahahaha nakalimutan ko.

 "Sorry", sabay lipat ng upuan ni Alex. Hindi pala bagay kay Alex. Eh kung yung dating Alex yan naku daig pang na-glue sa upuan. Teka, I remember him na, siya yung kasama nung natapunan ko kahapon.

 "Girl find your own chair." so sa kanya pala yung chair na yun. Magkano kaya bili niya? sabay alis tuloy ni Elle. Hindi pa naman yun nagsasalita, ay nagsasalita pala kaso limited.

 "That's my place" sabi pa nung isang lalaki kay Bash. Teka parang magkamukha yung nagpaalis kay Elle at Bash ah. Siguro twin. AIsssshhh

 "Girl dyan si Prince" sabi sakin nung babae. Luminga-linga ako sa paligid at wala na namang nakatayo ah.

 "Ah asan siya?" tanong ko.

 "Wala pa", sige saka nalang ako lilipat pagdating nun, sino nga yun? Ewan.

 BOOOOOOGGSSSHH...

 Nagulat naman ako sa biglang pagbukas ng pinto. Pumasok  ang isang lalaki. Blonde ang kulay ng buhok nito at may mga fiercing sa tenga at ilong.

 Siya yun, siya yun natapunan ko kahapon. Patay! Hindi naman siya yung prince, di'ba Franco name niya. Yun nga. He's a gangster. Umupo na siya sa kabilang side ng room. At dumating na ang professor namin.

 "Who are the new students here?" tanong ng professor. Ito na naman ang walang kamatayang introduce yourself. Sino ba ang nagpauso nito?

 Tumaas kaming apat ng kamay at natuon ang atensyon samin. Sunod-sunod kaming pumunta sa unahan. Hindi pa nga sana ako pupunta kung hindi lang ako pinanlakihan ng mata ni Bash at Alex

 "Kindly introduce yourself." malumanay na salita ng Professor. Kung sa dati namin itong paaralan. Nabully na itong guro na ito. Lucky her.

 Nauna na si Alex, ang pinakahyper sa grupo. "Ahm hello goodmorning classmates. Alexandrea Keith Chua, seventeen, live at *** apartment, Quezon City. I like purple and love to eat. I am also the..." At kinurot na siya ni Bash. Si Alex talaga ang daldal masyado.

 "Hi Im Berna Shane Gonzales, seventeen, live at *** apartment, Quezon City. I hope we can all be friends", sabay ngiti. Ayan na, mamaya may magtatanong na ng number ni Bash in 

 1...2...3... "Anong number mo?" see?

 "Please keep quiet Mr. Romualdez" Professor

 "Shyrille Faye Bornolla, seventeen, live at *** apartment, Quezon City. Thank You." Nagmamadali? May lakad pa ba tong si Elle. Ay ako na pala.

 "Hello po. Im Krishna Jay Loiuse... Montalvo, seventeen, kasama ko sila sa apartment. That's all thank you." sabay bow ko. Korean ang peg? Pinalitan ko apelyido ko? Yep pero middle name ko naman ang Montalvo so that's not a big deal I guess.

 Pagbalik namin sa upuan...

 "Siya yun. Siya yung nagtapon ng chocolate fundae sa damit ni Prince Franco." Nagtapon talaga di'ba pwedeng hindi muna sinasadya?

 "Grabe lang ha, ang kapal ng mukha." 

 "Dapat napaalis na yan dito."

 "Pero bago lang yan Hindi pa niya alam ang rules dito." May rules ba dito?

 "Huwag mo silang pansinin" bulong sakin nitong katabi kong babae.

 "Ako nga pala si Ysabelle" sabay handshake sakin.

 "Hehe.. Nice to meet you, Ysabelle"

 "Ysa nalang"

 "Sure. Ahm Jaylo nalang."

 "Sure sige maya ulit baka mapagalitan pa tayo. Hehe." ang ganda niya pag nakangiti. Siguro ang dami nitong manliligaw.. I think...

 At natapos na din ang walang kabuhay-buhay na klase sa buong kasaysayan ng Pilipinas.

 "Hoy Jaylo natulog ka na naman." sita ni Bash

 "Boring eh", habang naglalakad na kami papuntang parking lot.

 "Boring talaga, natulog kalang. Di mo tuloy narinig yun..." Bash

 "Bash alam mo matalino ka. Tsaka mo nalang ilecture sakin yan kapag exam na." sabi ko.

 "Aishhh siya nga pala pinalitan mo na naman ang apelyido mo."

 "Hello halos magluluwa na nga ang mga mata nila sa apelyido niyo tsaka middle name ko naman yun." paliwanag ko.

 "Nga pala Jaylo may labanan na magaganap sa Metropolis. 9pm saturday. Gusto mo manuod?" tanong ni Bash

 "Hindi ko alam."

 "Kelan pa nawalan ng agad na desisyon ang sikat na Bloody Ice na tinanghal na Queen of Death?" mapaghamong tanong ni Bash

 Napatawa nalang ako, kilalang-kilala talaga ako ng mga kaibigan ko. "Sige manunuod tayo."

 Haaayst ngayon nalang ulit ako makakapanuod ng laban.

 Yesss friday na. Anong nangyari kahapon? Sa sobrang daming nangyari nakalimutan ko na. Joke. Ang ginawa ko lang naman sa klase ay natulog, tinamad maglunch at natulog sa garden, then natulog ulit sa klase, umuwi, nagdinner then natulog na ulit. Di'ba ang daming nangyari?

 And now its friday na nga.

  Umub-ub nalang muna ako sa armchair ko total maaga pa naman, si Alex kasi gumamit ba naman ng microphone, sinong hindi magigising nun? Buti nalang wala kaming kapitbahay at kaming apat lang sa apartment. two weeks na din akong hindi nakakauwi ng bahay, kamusta na kaya si Sha-sha? Pinapakain kaya siya ng maayos ni Rowella? Oh em baka ginugutom siya dun.

 "Tsk" 

 Siguro namimiss na ako ni Sha-sha kasi ako miss na miss ko na siya. I want to hug her and swim with her again.

 "Hindi ba niya naririnig si Prince, patay siya nan." 

 "Grabe naman yang babaeng yan. Doon pa kasi umupo."  Sino ba yung tatanga-tangang yun at dun umupo?

 "She's dead."  dead? Sino kayang namatay? Sabay tingala ko and huwaw?????

Angel.

I am dead?

-----

LIKE. VOTE .COMMENT po :)

 What you say po???

written by: missfeelingperfect :'))

-----

My gangster QUEEN [(complete)]Where stories live. Discover now