Ang Mahigpit na Yakap

133 2 2
                                    

"This is our last night but it's late

And I'm trying not to sleep

'Cause I know when I wake, I will have to slip away

'Cause when the daylight comes to I'll have to go

But tonight I'm gonna hold so close

'Cause in the daylight we'll be on our own

But tonight I need to hold you so close

oh-woah oh-woah oh-woah oh-wooaaahh

oh-woah oh-woah oh-woah oh-wooaaahh"

     Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi sa kaiisip kung sino ba talaga si Mystery Boy, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kung paano ko ba siya makilala kaya siguro dinaan na lang ng isip at katawan ko sa tulog. Nagising ako sa kanta ng Maroon 5, ang paborito kong kanta na "Daylight", kahit ilang beses ko patugtugin yang kanta na yan hindi ko kailanman pinagsawaan, ewan ko lang kung bakit.

     "Gosh! I need prep up and go to school. Hell!" Wow! english ang nasabi ko sa sarili dahil na rin sa na-shock ako dahil 6:30 na at alas-7:00 pa ang pasok ko "Patay na naman ako sa prof. kong kalbo!!" Napabuntung hininga na lang ako. Hinablot ko yung towel na blue sa cabinet at agad agad na pumunta sa banyo. Ako yung tipo ng taong nagpapatugtog habang naliligo kasi gusto ko na nalilibang ako kaya kapag nasa banyo ako feeling ko isa akong artista na nagko-concert sa harap ng maraming tao kasama ang Maroon 5 at kumakanta kami ng Daylight, saya diba?

--------------------------------------

     Habang papalakad papunta sa school, mga 10 minutes din ito, iniisip ko pa rin kung sino yung lalaki na yun parang sa kanta ng Daylight, yung isang gabi na panandalia'y napuno ako ng saya eh paggising ko, wala na. Ganun ba talaga ang buhay? Panadalian lang lagi ang madadama mong kaligayahan, kumbaga kasing bilis ng kisap mata ang lahat ng gusto mong mangyari sayo. Ewan! Siguro nga dapat ine-enjoy ang buhay, bawat segundo ng buhay kasi panadalian lang yung mga yun, magiging memory na lang lahat after all.

     Nasa tapat na ko ng isang malaking gusali, ang school ko at pagtingin ko sa malaking orasan sa tapat ko, 7:05 na!!! Patay na ko sa prof. kong kalbo, maaga pa naman siyang pumasok dahil uukod-ukod na, nakakaiyak kaya agad akong tumakbo papasok sa loob ng biglang may humarang saking dalawang lalaki, may sombrero, naka-unipormeng puti, nakakatakot tignan at may hawak silang kahoy na mataba, hinarang nila ako ng sabay at nakatitig sa akin ng masama na tila ba gusto akong patayin tapos nagsalita yung isa "Miss, I.D. mo? Pakiusot muna bago ka pumasok." --Bwisit 'tong mga guard na 'to! Um-eksena pa sa entrance kong mala-pelikula, action star ba. Agad kong hinalungkat ang bag ko at hinanap yung ID ko, hindi ko makita kung nasaan, hala paano ako makakapasok nyan baka ma-violate na naman ako, pangalawang beses na 'to, pahamak naman 'tong dalawang guard na 'to. Nagsalita naman yung isang guard habang medyo natatawa "Miss, nasa bulsa mo yung ID mo." at biglang tumawa yung isa pang guard. "Ay. Sorry po! Hindi niyo naman po sinabi agad." Adag ko namang sinuot at pumasok na sa loob na parang walang nangyari, may pagka-baliw din yung mga guard na yun ah medyo trip ako. Ewan!

     Noong tinignan ko yung orasan, "Gosh! 7:10 na at malamang sa malamang natawag na yung apelyido ko. Ewan!" Pero kahit na sigurado na akong natawag na yung surname ko pumasok pa rin ako, malay mo this time ma-late yung prof. ko diba? Umakyat kaagad ako sa Jose Rizal Building Room 403 ang classroom ko, kapag umaakyat ako rito feeling ko inaakyat ko ang Mt. Apo sa sobrang taas tapos walang elevator ang masama pa ang susunod mong klase eh nasa ibang building naman at ganun din kataas, torture diba? Eh alam mo naman ako minsan kapag tinatamad nauunahan pa ko ng mataba kong kaklase umakyat. Pagdating ko sa JRB 403 ay nakita ko na ang prof. kong kalbo, matanda na siya, laging naka-polo at brushed up ang buhok niyang puti, may kagalingan siyang magturo at mapagbigay sa grades, nakita ko na nagsasalita na siya at hindi niya hawak ang attendance sheet. Patay tayo diyan! 7:15 na pala, kaya natawag na lahat at nakapag-attendance na siya, pero tinignan ko yung mga kaklase ko bakit puro naka-salamin at ang we-weird? Kaya nagtaka ako, chineck ko yung room number, yung mga katabing rooms at yung building kung tama ba yung napuntahan ko, chineck ko rin ang phone ko baka hinahanap na ako ng kaibigan kong si Sarah, oo, may text siya pero GM kaya nagreply ako sa kanya "Besh, na saan ka?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Daily RoutineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon