chapter 16

2.8K 24 3
                                    

"Tita Enna, where's your husband po ? I want to play basketball with him . " napangiti ako kay cyrus. May hawak syang bola . Yun yong regalo namin dalawa ni Harold sa kanya . May kasama pa nga yung maliit din na basketball ring.  

At iba pang toys... 

" Naku Cyrus si tito Harold mo kasama ng daddy mo . "

" Ay ganoon po ba ? Gusto ko po kasi sana magplay kasama ng husband niyo po ."

" Hayaan mo mamaya makikipaglaro sya sa'yo " tapos ginulo-gulo ko yung buhok nya.

" talaga po tita ? yehey ! " tuwang - tuwang sabi niya .

" Enna , pagpasensyahan mo na yang batang yan ha. Masyado talagang makulit yan ." sabi ni Gel .

" Hindi okay lang. Natutuwa nga ako sa kanya eh. He's so cute. " sabi ko habang tinatanaw ko si cyrus . Naglalaro sya kasama yung ibang mga bata na nandoon

Nagkukwentuhan kami ng Gel . Ang saya ko ang gaan kasi sa pakiramdam ng ganito. Nararamdaman ko bumalik na yung dati kong kaibigan .

" masaya ako na naging okay na tayo .Hindi mo lang alam kung gaano ako na guilty sa mga nangyari . Pakiramdam ko ang sama-sama kong kaibigan . I caused you so much pain . Im really sorry Enna for what i have done years ago . "

" masaya ako na naging okay na tayo .Hindi mo lang alam kung gaano ako na guilty sa mga nangyari . Pakiramdam ko ang sama-sama kong kaibigan . I caused you so much pain . Im really sorry Enna for what i have done years ago . "

Nginitian ko sya . nakikita ko sa mga mata nya yung sincerity sa paghingi nya ng sorry. Hinawakan ko yung kamay nya and said.

" let's leave the past, Gel . Matagal na panahon na rin naman yun . Totoo , Masaya ako para sa inyong dalawa. Kayo talaga ang para sa isa't- isa. "

" thanks , I can see naman na Masaya ka na rin ngayon .Sana si Harold na nga ang lalaking para sa'yo Enna . He's lucky to have you. "

Well , sana nga .hindi ko rin naman kasi masasabi na kami na nga talaga ang magkakatuluyan. But I really prayed to God na sana sya na nga . Minsan naiisip ko parang it's too good to be true. Para bang panaginip lang lahat ng nararanasan ko ngayon . Too perfect. Hindi na ako makakahanap ng lalaking katulad nya.

Kanina habang sinasabi ni cyrus na husband ko si Harold ang saya - saya ko .parang totoo . gusto ko na tuloy bawiin yung sinabi kong hindi pa ako mag-asawa . na imagine ko kasi bigla. Katulad nila Eric at Gel magkakaroon ako ng sarili kong pamilya.ako, si Harold at ang mga babies namin.

And speaking of my future husband . nakita ko syang palapit sa amin . kasama nya si eric .

" Tito Harold , Tito Harold . tawag sa kanya ni Cyrus habang patakbong lumapit sa kanya. Napaka hyper talaga ng batang to.

" Hi Cyrus . " bati ni Harold sa kanya.

" Tito , pls. Sali ka sa amin . I want to play basketball with you . " nakalabing sabi nya. Hawak-hawak pa nya sa isang kamay si Harold .

Napapangiti ako sa expression ng mukha ni Cyrus para kasing iiyak sya kapag " no " ang sagot ng Tito Harold nya.

" Sure baby .." nakangiting sagot ni Harold sa kanya tapos ginulo-gulo nya yung buhok ni Cyrus. Timingin sya sa akin tapos tinanguhan ko lang sya.

" Yehey . Dad let's go . " hinatak na niya palayo ang dalawang lalake.

" Ganyan talaga yang batang yan . masyadong makulit , lalo na kapag gusto nya ang bagong friend nya. Kawawa naman si Harold siguradong mapapagod yun. " napapailing na sabi ni Gel .

" Hahaha .. Don't worry Gel. Sanay sa makulit yang si Harold. Kapag nasa bahay yan si Jack ang laging kakulitan nya. "

Pinanonood naming sila habang naglalaro .. tuwang - tuwa si cyrus kahit pa nga hindi sya nakakashoot ..

" ahmmm.. Enna wala pa ba kayong balak magpakasal ni Harold ? "

" He wanted to. Pero hihintayin nya raw ang desisyon ko. Sa ngayon kasi hindi pa ako handa Gel. Hindi ko pa kaya na iwan sila nanay. "

" For sure maiintindihan naman yun ni Harold . He seems to be a nice guy naman. "

xxxxx

Past 2pm na ng magpaalam kami sa mag-asawa . Si Cyrus nakatulog na sa sobrang pagod .Nasa labas na kami ng subdivision ng ihinto nya ang kotse.nagtaka ako.

" May problema ba , Hon ? "

Marahan niya akong hinatak palapit sa kanya tapos niyakap niya ako.

" Na miss kita ng sobra , Hon. " Natawa naman ako doon , para siyang bata . yumakap na rin ako sa kanya.

" Na miss ? eh magkasama naman tayo ngayon ."

" Anong magkasama .. buong maghapon kang wala sa tabi ko. Pinagod ako ni Cyrus .. hahaha "

" Oo nga .. ang cute ng batang yun.. nagrereklamo ka pa ? mukha naman nag enjoy ka ."

" Yeah . He's a great kid . napakabibong bata . pero promise mas cute at bibo ang magiging mga anak natin. " sabi niya tapos marahan niyang pinisil ang pisngi ko.

" Oo na po. Tara na kasi mukha na tayong ewan dito. Baka mamaya kung ano pa ang Isipin ni manong guard . " inginuso ko yung security guard na nasa guardhouse ng subdivision na tinitirhan nila Gel at Eric.

A  Night  To Remember ( twisted lies ) ( BOOK1-COMPLETE)Where stories live. Discover now