#3

572 21 1
                                    

Ma?” biglang naputol. Ano kayang nangyari sa kanya? Nag-aalala ako.Hindi naman yun basta-basta tumatawag sakin eh. Pwera nalang kung importante.

Aya?” nagkasabay pa silang dalawa sa pagtawag sakin.

Ah si mama, tumawag sakin. Importante daw eh.” Cold kong sagot sa kanila.

Ano bang nangyari Aya?” nag-aalalang tanong ni Cedric sakin.

Ah sabi nya may-------------“ teka bakit ko naman sinasagot tanong nitong mokong na to aber? Close ba kami?

Wala” sabay hila kay Liya “ tara na nga magtrabaho na tayo para maka uwi na ako”

Ano bang sabi ng mama mo?” tanong nya sakin..

Ewan, sabi nya lang umuwi ako agad ng bahay eh. Tapos binabaan nya na ako” pagpapaliwanag ko na sa kanya..

Baka naman may daga sa bahay nyo kaya sya napatawag?” nagawa pa nyang magbiro. Minsan napapaisip ako kung bakit ko naging bestfriend itong baliw na nerdy girl na ito eh..

***

Pagdating ko sa gate ng bahay namin may mga sasakyan.Parang kinakabahan yata ako..Pumasok na rin naman ako sa loob..

Ma?Jomar? Imee?” tawag ko sa kanila. Walang sumasagot..

Ma?Jomar? Imee?” tawag ko ulit habang nililibot ang buong bahay. Feeling malaki naman ang bahay no? xD

Anak nandito kana pala, tara sa kwarto” mahinang sabi ni mama sakin.Ano ba talagang meron.

Naglakad lang si mama na parang zombie papa-akyat sa hagdan.Habang ako naman wala lang, hindi ko alam irereact ko eh..

***

Ma?Sino sila? May mga bisita pala bakit dito pa sa kwarto ko pinapasok? Pwede naman sa sala nalang eh” medyo pagalit kong tanong. Ayaw ko na may ibang pumapasok sa loob ng kwarto ko kahit parang tirahan lang ito ng daga.

Anak, wag kang bastos.Gumalang ka naman sa kanila”galang?Ano yun? Haha joke corny-___-

So, ano po ba talaga ang meron at napatawag pa kayo sakin?” ewan ko bakit ba ako nagsusungit. Feel ko lang eh..haha moodswing!!

Anak, ikakasal ka na” ah yan lang naman pala pinunta nila dito eh

Ha-ha ang gandang biro ma. Havey na havey” akala ko tatawa sila pero kumunot lang ang noo nung isang matandang lalaki at ang kasama nyang babae na kasing edad lang din nya..

Hindi ako nagbibiro anak.Sila ang magulang ng mapapangasawa mo” ano bat biglaan naman. Walang ligaw-ligaw kasal agad? Parang yung sa advertise lang ah ‘ Hon, im pregnant.. It’s a boy’ =___=

Pero paano, bakit? Ang bilis naman Ma!” reklamo ko. Kulang nalang mag mic ako para mas dinig boses ko eh..

Ate, nalubog na tayo sa utang kaya hindi na natin magawang bayara yun. Mahigit 2.5 million na din ang utang natin” paliwanag ni Imee kapatid ko..

ANO?PAANONG NAGING GANUN KALAKI YUN?SAAN YUN GINASTOS?NAGPAKAHIRAP AKO SA TRABAHO TAPOS MAGKAKAUTANG TAYO NG GANUN KALAKI? ANO BA NAMAN MA?” galit na galit ako. Ipambabayad nila ako ng utang? Aba nakakaloko na yun ah. Anong tingin nila sakin isang bagay na ipinangbibigay?

Napagdesisyunan na iyon iha, pesensya na” sabat naman nung babaeng kasama nung lalaki..

Magpakasal kayo kung gusto nyo” sabay labas sa kwarto ko. Buti pa sana hindi nalang ako umuwi. Nakakainis.Ako ipapakasal? The hell!!

Tumatakbo lang ako papalayo dun sa subdivision na yun. Nakakaasar naman oh..nakaka asar. Nakaka asar!!

Aray! “

Ano ba bulag ka ba? Bakit hindi ka nakatingin sa daan. Nakakasagabal ka naman eh. Kitang nagmamadali ako---------------“ badtrip ako alam mo ba yun?

*spank*

______________________________________________________

 To be continue.............

And This Love RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon