Chapter 20 "Katangahan"

2.9K 38 4
                                    

Sinundan ko lang si papalabs hanggang sa makalabas kami ng building nila sir. Grabe naalala ko tuloy dati nung unang beses kaming nagdate. Ganito din kasi kami eeh..yung naglalakad siya sa harap ko habang ako naman nakasunod lang sa likuran niya. Hhhhhhaaaayyy..kung hindi kaya nasira ang relationship namin iaarrange oa kaya ako ng parents ko???

Haaay..ang hirap. Nahihirapaan akong mag-isip ng maayos..hhhmmm..nabangga ako sa likod  niya nang bigla siyang huminto kaya naman napahawak tuloy ako sa ilong ko.

“tangos kasi hehe...uhm..saan pala kita dadalhin??”

“eeeh...hindi ko din alam hehe..”

“ano bang plano mo??”

“eeeh...wala..”

“hahaha..hindi ka parin nagbabago.”

Ginulo niya ang buhok ko tsk. Umupo muna kami samay bench.

“alam mo Mariana kakaiba ka talaga!’

“huh? Bakit naman???”

“ewan basta..masaya ako at kasama kita ngayon.”

“Marcial na..”

“masaya ako at andito ka sa tabi ko. mahal parin kita Mariana kahit alam kong wala na akong pag-asa na maibalik ang lahat. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.”

“bakit mo ba sinasabi to ngayon?”

“gusto ko lang na malaman mo.”

Natahimik ako. ano naman kasi isasagot ko diba??

“mahal mo pa ba ako?”

Napatigil ako sa tanong niya. Tinignan niya ako sa mga mata ko.

Ano ba dapat kong isagot?????

“hehe..sige ganito na lang Mariana.”

“huh? Ano?”

“ipikit  mo ang mga mata mo at pakiramdaman mong mabuti ang puso mo. Sige na gawin mo.’

“huh??? Eeeh..”

“pikit na!!!”

Pumikit ako at sinunod ang lahat ng sinabi niya.

“magfocus kang mabuti sa sinasabi ng puso mo. Pakinggan mo kung sino..anong pangalan ba ang binubulong niya???”

Naramdaman ko nga ang pintig ng puso ko. sino nga ba? Sino nga ba ang sinasabi niya..habang nakapikit ako may pumasok bigla  na mukha sa isipan ko..narinig ko ang sinabi ng puso ko...

My Hunk Teachers!Where stories live. Discover now