Ulilang Puntod (ONESHOT)

7.1K 127 78
                                    

Maliwanag ang buwan, at mula sa aking kinaroroonan ay nakita ko iyon... isang figure nasaumpisa ay parang isang hayop na nakaluhod...

Last year, napadayo kami sa isang malayong bayan sa Marinduque. Inanyayahan kasi kami ng isang balikbayan friend.

Bale apat kaming sumama noon, dalawang babae at dalawang lalaki...

Pagdating doon, natuklasan naming pulos palaban pala ang mga tao sa kanilang village. As in... palaban talaga. Sa inuman.

At ang nakatutuwa pa, pinagsama-sama sa isang harapan ang mga babae't lalaki. Kanya-kanya ng basong tagayan.

Nang nagkaka-sayahan na, kanya-kanya ng bidahan sa kuwentuhan. Kami naman siyempre, tahimik lang. Mga bisita lang kasi kami.

Medyo natahimik ang harapan ng isang medyo may edad ng lalaki ang nagsimulang magbida.

Tinanong niya kami kung ano raw ba ang masasabi namin sa kanilang lugar. "Maganda, masaya," sagot naman namin.

"Ipinagmamalaki talaga namin iyan!" sagot naman ng lalaki.

"Pero hindi lahat dito pulos saya!" muli niyang sabi at hamumungay ang mga matang tumingin sa amin. Medyo tumatalab na ang kanyang nainom.

"Bakit ho naman n'yo nasabi 'yan?" tanong ko.

"Nakuu... dito sa baryo namin may mga nagaganap na malungkot. Malungkot talaga!" at umiling-iling pa ito.

"Hoy Enteng! Magbibida ka na naman.. .bukas na lang 'yan, tumagay ka na muna!" hagalpakan naman ng tawa ang ilang kaharap na kababaryo ng lalaki.

Sandaling tumigil ang lalaki. Kinuha ang bote ng long neck at sandaling nagsalin ng tagay sa kanyang baso. Isang babae naman ang bumulong sa isa naming kasama. Katabi lang ako at narinig ko ang kanyang sinabi.

"Mahilig kasing magbida iyang si Enteng... napakaraming kuwento niyan!" sabi ng babae.

"Aba... mas mabuti ho iyon. Mas enjoy!" sagot naman ni Edna na kasama namin.

"Kaso nga...ang mga kuwento niyan...may totoo, may hindi.. .meron pang kuwentong lasing!" at narinig kong nagtawanan uli ang mga kababaryo nila.

Pero kahit nagtatawanan, natigil muli ang lahat ng muling magsalita si Enteng. Kakaiba ang kanyang karisma kapag nagsasalita. Parang mahihikayat kang makinig.

"Excuse me... nakapasyal na ba kayo sa buong baryo?" tanong nito, na ang tinutukoy ay kaming mga bisita.

"Kalahati pa lang ng baryo ang naiikot nila, naubos na ang oras kahapon!" si Mariz ang sumagot, ang kaibigan naming taga-roon.

"Hindi mo pa sila naipapasyal sa Dulong Burol, ano?"

"Hindi pa. Next time. Bago sila bumalik," sagot ni Mariz. Muling bumaling sa amin si Enteng.

"Makinig kayo. May ikukuwento ako senyo. Ito iyong sinasabi kong malungkot." Napansin kong parang nagkatinginan ang mga kaharap namin. Para ba'ng gusto nilang pigilin si Enteng sa pagkukuwento. Pero lahat kaming mga bisita, nakatingin at nakikinig lahat kay Enteng. Kaya siguro tumahimik na lang sila.

Ayon kay Enteng, sa lugar na tinatawag na Dulong Burol ay may isang ulilang puntod. Puntod ng isang walong taong gulang na batang babae. Luisa ang kanyang pangalan.

Mga maliliit na bata pa lamang daw silang lahat ng mangyari ang trahedya sa buhay ni Luisa at sa pamilya nito. Trahedyang hanggang ngayon ay nakikita pa... at nararamdaman pa, ng kanyang mga kababaryo.

Doon sa lugar na iyon dati nakatayo ang kubo ng mag-anak nina Luisa. Miguel ang pangalan ng ama niya at Lolita naman ang ina. May isang kapatid si Luisa, si Manuel, na siyang bunso. Madalas maglaro sa loob ng kagubatan ang magkapatid.

Ulilang Puntod (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon