Chapter 2

15 0 0
                                    

Yssa’s POV

Pagkatapos kong patulugin ang aking kambal nahiga na din ako. Pero hindi ako dalawin ng antok dahil sa nangyari kanina. Naiisip pa rin niya ang nangyari sa mall. Naalala nanaman niya si Jacob. Hangga’t maaari ayaw na niya itong maalala dahil sa masakit na nakaraan nila. Pero unti-unti nanaman bumabalik ang nakaraan sa kanya.

FLASHBACK (5 years. Ago)

Kakapasok palang ni Yssa sa loob ng CoolSchool Café ng may bumangga sa kanya. Tinignan niya kung sino ang nakabangaan niya at nabigla siya ng malaman kung sino ito. Ito lang naman si Jacob Kurt De Guzman. Isang Honor Student kahit hindi halata sa mukha, Guitarista ng bandang kinabibilangan nito at Campus Figure ng kanilang unibersidad. Napatitig lang ako dito na parang tanga.

“Sorry, miss. Ok ka lang ba?” tanong nito sa kanya

Un ang nagpabalik sa aking katinuan.

“Hhmm. O-ok lang” napayukong sabi ko.

“Sorry ulit” sabi ulit nito sabay tapik sa kanyang balikat at umalis na ito.

Ang totoo crush niya si Jacob. Sino ba namang hindi! Matalino, gwapo, mayaman at ang pinakagusto niya ung magaling kumanta. Kahit kasi guitarist lang ito magaling din itong kumanta at maganda ang boses nito. Kaya naman naging crush niya ito unang kita palang niya dito.

Sayang sana pala sinamantala ko na para nakausap ko na sana siya.

“Hay! Sayang” –sigh*

Isang hapon habang naglalakad papunta sa aking sasakyan bigla nalang may sumabay sa akin sa paglalakad. Paglingon ko sa side ko nabigla ako dahil ang taong umagapay sa akin ay walang iba kundi si Jacob. My god!!

“Hello” nakangiting sabi nito sa kanya

“H-hi” nauutal kong bati ditto

“Pauwi kana” –Jacob

“Hhmm, oo”

Katahimikan ang sumunod na sandali.

“By the way, Jacob Kurt pala” sabi nito at inilahad ang kamay.

“Alam ko I mean Yssa” at tinanggap ang kanyang pakikipag kamay.

Nakaramdam akong parang may gumapang na kuryente sa aking kamay. Nahila ko tuloy agad ang aking kamay.

“Tara hatid kita hanggang sa kotse mo”

Ilang sandali lang nasa harap na sila ng kanyang kotse.

“Sige mauna na ko Jacob. Nice meeting you” nakangiting baling ko dito

“N-nice meeting you too. Sana hindi pa ito ang huli nating pag-uusap” anito at tumalikod na at umalis.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin. Hanggang sa makarating at matutulog na hindi pa din nawawala ang kilig na nararamdaman ko.

Jacob’s POV

Nagmamadali akong lumabas ng CoolSchool Café ng hindi ko mapansin na paparating ang isang babae. Nagkabangaan kami. Nang tignan ko kung sino ang nakabanggaan ko. Walang iba kundi si Yssa Belle Santiago. Miss Beauty and Brain yan ang bansag nila dito. Kung sa malayuan maganda na ito lalo na pala sa malapitan.

“Sorry, miss. Ok ka lang ba?”  nasabi ko nalang dito

“Hhmm. O-ok lang” nakayukong sabi nito.

“Sorry ulit” sabi ko at tinapik ito sa balikat.

Tumalikod na ako at umalis. Habang naglalakad hindi pa rin mawala sa isip niya si Yssa. Naaalala niya ang magandang mukha nito. Ito pa rin ang iniisip niya ng bigla siyang suntukin sa balikat ng kaklase at kabanda niyang si Michael o mas kilala sa tawag na “Mike”.

“O tulala ka jan pare” sabi nito “anong nangyari sayo”

“Wala naman. Nakabanggaan ko lang naman si Miss Beauty and Brain” – Jacob

“Wow! Ang swerte mo naman pare”

“Ano naman swerte dun. Para nakabanggaan ko lang naman e”

“E kasi naman pare bihira lang naman gumala yan sa campus si Yssa. Lagi siya nasa library at nag-iisa”

“Un lang. Siguro kung gugustuhin ko kaya kong lapitan yan at makipag kaibigan sa kanya eh. Gusto mo gawin ko pang syota e” –Jacob

“Imposible! Napakailap kaya niya.”  anito at umiiling-iling pa.

“Pustahan?” aniya sa kaibigan

“Sige ba. Ipupusta ko ang Chevrolet Corvette ko” sabi nito

“Call. Sige ang ipupusta ko ang aking BMW S1000RR” aniya at inilahad ang kamay para gawing pormal ang kanilang pustahan.

“Call” nakangiting tinanggap nito ang kanyang pakikipag-kamay “ihanda mo na ang Big Bike mo pare” at tumawa pa ito.

“Asa ka pare. 2 weeks lang akin na yang kotse mo” at humalakhak din ako.

Lunes ng hapon. Nakita niya si Yssa na mag-isang naglalakad sa parking lot ng kanilang unibersidad. Napangiti siya ng maalala niya ang pustahan nila ni Michael. Ngayon na niya sisimulan ang kanyang plano. Hinabol ko si Yssa at umagapay dito.

“Hello” nakangiti kong bati dito

“H-hi” nauutal na sagot nito sa kanya

“Pauwi kana” –Jacob

“Hhmm, oo” nakayukong sabi nito

Katahimikan ang sumunod na sandali

“By the way. Jacob Kurt pala” pakilala ko sa kanya at inilahad ang aking kamay dito

“Alam ko, I mean Yssa” anito sa namumulang pisngi

Tinanggap nito ang kanyang pakikipagkamay at parang may naramdaman siyang kuryenteng gumapang sa kanyang kamay.

Weird.

“Tara hatid na kita hanggang sa kotse mo” sabi na lamang niya

Ilang sandal lang nasa harap na sila ng kotse nito.

“Sige mauna na ko Jacob. Nice meeting you” nakangiting baling nito sa kanya

Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng ngitian siya nito.

“N-nice meeting you too. Sana hindi pa ito ang huli nating pag-uusap” sabi niya at tumalikod na’t umalis.

Bakit ganon ang pakiramdam niya ng ngitian siya ni Yssa. Damn! Ngiti lang ‘yon.

Ggrr. Makaalis na nga din at may gig pa kami mamaya.

Wishing for a Second Chance (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon