Memory of YOU (One Shot)

285 15 21
                                    

"Baby, pag wala ako alagaan mong mabuti ang sarili mo ha? Kasi di ko alam kung hanggang saan kita mababantayan at maaalagaan.."

"ha? Baby naman kung makapagsalita ka jan parang iiwan mo na ko.. Don't you ever say that again ok? I love you baby at di ko alam ang gagawin ko kapag wala ka" kanina pa syang ganyan.. He's acting so weird this day.. Nagdadrive sya ngayon, papunta kasi kami sa birthday ng Grandma nya.. Gabi na nga ee naghanap pa kasi kami ng ireregalo para kay lola..

"nah! I won't do that.. I'll never leave you.. I'll always here for you to LOVE to CHERISH you to PROTECT you.. I love so much Baby.. I love you more than you know.. ^____^" napangiti ako sa sinabi nya.. humarap sya sakin at dumukwang para halikan ako..

*BEEEEEEEPPPPPPP*

"oh God! JOOOOOOOOOHHHHHHNN" sigaw ko..

*BOOOOOOGGGGGSSSSSSHHHHH*

AFTER 3 YEARS

"Baby tingin ka naman dito.." panu kumukuha na naman sya ng Video.. Humarap ako sa kanya..

"bleeee ayaw ko nga.. Ahaha" tumakbo ako at hinabol nya ko.. Lagi kaming ganito lagi kaming masaya at hindi nag aaway siguro may tampuhan pero di naman tumatagal..

"huli ka ahaha kala mo aa" niyakap nya sa likod.. Hawak hawak nya padin yung camera nya..

"ahaha dun ka nga.. Bakit kasi ang hilig mong kumuha ng video? Ang adik mo jan" umupo kami dito sa damuhan ng garden namin..

"Gusto ko kasi na balikan lahat toh pag tanda ko.. Kasama ka :)" kinilig ako sa sinabi nya.. Kaya mahal na mahal ko to ee..

"hmm ikaw talaga ang mais mo.. Hehe" pinisil ko yung ilong nya..

"ouch Baby! *pout*" ang cute cute nya talaga "wait Baby jan ka lang wag kang aalis" tumayo sya at kunuha yung stand ng camera.. Pinapanuod ko lang yung ginagawa nya.. Kinuha nya yung gitara nya at umupo ulit sa tabi ko..

"Baby kakantahan kita.. ^___^" lagi nyang kong kinakantahan.. Bago matulog sa gabi at paggising ko sa umaga.. Tumatawag sya para kantahan lang ako.. Masyado syang sweet kaya palagi kaming nilalanggam :D

HOW DID YOU KNOW (theme song namin yan)

~~I remember so well

The day that you came into my life

You asked for my name

You had the most beautiful smile~~

naalala ko yung una kaming nagkita sobrang kulit nya di nya ko tinigilan hanggang di na nalalaman yung pangalan ko.. Sinundan pa nga nya ako hanggang sa bahay namin.. Nung tinanong ko kung bakit ang sabi nya lang.. "i like your smile"

~~My life started to change

I'd wake up each day feeling alright

With you right by my side

Makes me feel things will work out just fine~~

simula nun palagi na syang anjan.. Hinahatid ako kahit di ko sinasabi naiirita pa nga ako nun sa sobrang kakulitan nya.. Pero dahil din sa kakulitan nya kaya ko sya minahal..

~~How did you know

I needed someone

I needed someon-- I need--

like you in my lif--

pinatay ko yung player 28 times ko na syang pinapanuod.. Habang pinapanuod ko sya tuloy tuloy padin yung agos ng mga luha saking mga mata.. Bakit kailangan mangyari samin yun? Bakit kailangan nyang mawala? Sabi nya hindi nya ko iiwan sabi nya andito lang sya para mahalin ako..

3 years na ang nakalipas simula ng mangyari ang car accident na yun.. Ang dahilan kung bakit wala na sya ngayon.. Ang dahilan kung bakit di ko na masisilayan ang mga ngiti nya.. Simula ng mawala sya paulit ulit kong pinapanuod ang huling video na kasama ko sya.. Araw araw yan ang aking ginagawa.. At ngayon ang kaisa isang alaala nya ay unti unti na ring nasisira..

Napikit ako.. Inisip ko ulit ang huling sinabi nya sakin.. Ang huling beses na narinig ko ang boses nya.. Ang huling beses na nasilayan ko ang ngiti nya.. Ang huling beses na natikaman ko ang halik nya.. Ang huling beses na naramdaman ang yakap nya.. Ang huling beses na sinabi nya ang mga salitang nagpakilig, nagpasaya at ngayon ang dahilan ng mga luha sa mga mata ko..

"I LOVE.. YOU.. B-Bab-by"

---

honestly, naiyak ako habang tinatype ko toh..

CC

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memory of YOU (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon