I wish [One Shot]

292 14 7
                                    

“Best! Si Joshua, nag-confess na sa’kin!” excited na sabi sa’kin ni Sheila. Bestfriend ko.

“Oh? Ano pang hinihintay mo? Sagutin mo na!”

Matagal na niya kasing crush si Joshua. Alangan namang pigilan ko siya diba? Edi go! I’ll root for them, syempre, bestfriend niya ako eh.

“A-ano? E-eh di ba… Pano ka na?” Pag-aalalang tanong niya sa’kin.

Anong paano ako? Syempre, okay lang sa’kin. Ang cute nga nilang dalawa kung sila magkatuluyan eh.

“Anong pano ako? Okay lang noh! Sige na! Sagutin mo na siya.”

“Pe-pero…” nagstutter pa siya. Hahaha. Cute talaga ng bestfriend ko.

“Ano ka ba! Di ba mahal mo siya? Edi sagutin mo na! Baka pagsisihan mo yan pag pinakawalan mo siya. Di ka na makakakita ng katulad niya.”

Kasi nag-iisa lang siya. Kasi naiiba siya sa lahat ng lalaking nakilala ko.  Kaya masasabi kong tanga ka talaga kung pakakawalan mo siya. Kahit bestfriend kita, babatukan kita kung di mo siya sasagutin.

Napatawa ako bigla sa iniisip ko.

“Sheila, pwede ba kita maka-usap?” tanong ni Joshua kay Sheila nung napalapit na siya sa’min.

Syempre, di niya ako nakikita. Invisible na ako sa paningin niya simula noong araw na yun. Simula noong iniwan ko siya para sa bestfriend ko.

“B-but…” pabalik-balik siya ng tingin sa akin at kay Joshua.

“Sus! Ano ka ba! Dali na! Sabihin mo na sa kanya.” tulak ko sa kanya palapit kay Joshua.

“Si-sige…”

“Wag mo siyang paiyakin ha!” pabiro kong sinuntok si Joshua.

Syempre, di na naman niya ako pinansin. Stranger na nga ako sa buhay niya, di ba?

“Alagaan mo siya para sa’kin ha?” pabulong kong sabi kay Sheila.

Then I turned my back on them. Sa pagtalikod ko, bumuhos non-stop ang luha ko. Hahaha.

Ang tanga kong tingnan.

Di pa rin ako nakaka-move on sa kanya. Pero eto siya ngayon, kasama ang bestfriend ko.

//END

Epal Author: Wahaha. Na-isip ko lang bigla. On the spot lang ginawa then *poof* it became KOKO CRUNCH! =___=' Korne. Maraming 'flaws' itong storyang to. Bwahahaha. Kung ako kaya magkaganun, ano kaya gagawin ko? HAHAHAHA. 

Eh kung ikaw? Magpaparaya ka para sa bestfriend o ilalaban mo ang pagmamahal mo?

I wish [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon