Chapter 7

4.1K 59 1
                                    

Jasmine’s Pov..

“haaaayy hindi niya parin sinasagot ang mga tawag ko..” sabay subsob ko ng mukha ko sa table. Nasa canteen kasi kami ni Monica ngayon at kakatapos lang naming mag lunch.

“baka naman nagpalipas lang ng oras kasama ang mga barkada niya..” sagot ni monica habang umiinom ng juice

“kahit na.. iba parin kasi ang kutob ko e..” si Ryan ang pinag uusapan namin.. after kasi siyang sampalin ni Tita kagabi bigla nalang siyang nawala.. hindi parin siya umuuwi ang sabi naman ni Tita e uuwin din siya.. hindi na daw iba yun kay Tita dahil madalas naman daw niya yun gawin.. hindi man lang siya nag aalala sa anak niya..

“hindi ba kaibigan yun ni Ryan??” sabay turo ni Monica.. sinundan ko naman ng tingin yung tinuro niya.. “si Dex!!” nasigaw ko nalang bigla yung pangalan niya..

“kilala mo??” nag tatakang tanong ni Monica.. kahit kasi mag bestfriend kami ni Ryan e hindi naman niya ako pinapakilala sa mga kibigan niya kaya ang alam nitong si Monica.. hindi ko talaga sila kilala kaya gulat siya ngayon at kilala ko yung itinuro niya..

“oo.. teka lang ah.. lapitan ko lang saglit..”

“sige..”

Tumayo ako saka ko nilapitan si Dex..

“Dex!!” tawag ko sakanya..

“uy!! Ikaw.. bestfriend ni Ryan..”

“Jasmine nalang..”

“kamusta?? Kamusta yang sugat mo Jasmine??” sabay tingin sa braso ko..

“medyo ok na..” saka ako ngumiti.. hindi alam ni Monica na may sugat ako dahil sa longsleeves ang uniform namin. Kaya naman nakatago ‘to. Ayoko naring mag kwento sakanya dahil kukulitin lang niya ako sigurado.

“anong maipaglilingkod ko sayo??” saka siya ngumiti..

Ang cute naman nitong Dex nato pag naka smile.. lalo na pala sa malapitan.. kahit kasama siya sa fraternity ni Ryan alam kong mabait din siya lalo na sa ginawa niya sakin kahapon..

“nakita mo na ba si Ryan?? Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko e..”

“hindi e.. saka hindi talaga niya masasagot ang mga tawag mo dahil wala na siyang phone..”

“huh??”

“hindi mo ba naalala?? Ibinato niya yung phone niya sa ulo ni Marny dahil sa inis niya.. nung hinahalikan ka ni Marny sa leeg..”

Bigla nalang tuloy nag flash back sa utak ko ang eksenang yon.. kaya pala napabitaw si Manry sakin at napahawak siya sa ulo niya.. yun pala yon..

“wala ka bang idea kung saan siya makikita??”

“baka nasa bar siya.. akin na ang no. mo.. tatawagan nalang kita kapag nakita ko siya..”

“sige..”

Inabot niya ang phone niya saka ko sinave ang no ko don..

“bakit mo naman pala siya hinahanap??” bigla niyang natanong

Teka?? Bakit nga ba?? Gusto ko siyang makita sa di malamang dahilan??

“may sasabihin lang ako..” eehh?? Ano naman ang sasabihin ko?? “heto na” sabay abot ko na phone niya.

“sige Jasmine tatawagan nalang kita.. ang swerte ng kaibigan ko sayo..” saka niya ginulo ang buhok ko..

Ano bang ibig sabihin nun?? Maswerte si Ryan sakin??

Nung itatanong ko kung ano ang ibig niyang sabihin.. whhaa!! Ang bilis niyang nakalayo..

Kaya naman bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina kung saan ko iniwan si Monica..

My Bestfriend and I (the Bad boy and the Good Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon