Within 5 Days

3.2K 162 88
                                    

dedicated to: forbiDDen30, loveSHM and missyzelie

a/n: This one shot story is edited, so there are a lot of changes here, and also, please read on white background, thank you. 😘

"Star! Tara na sa cafeteria!" sigaw ni Jinx sa akin habang kumakaway sa may pintuan ng classroom namin, nag-aayos pa kasi ako ng gamit ko dahil kakatapos lang naman ng klase namin, pero itong si Jinx, naayos na n'ya gamit n'ya bago pa magpa-dismis...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Star! Tara na sa cafeteria!" sigaw ni Jinx sa akin habang kumakaway sa may pintuan ng classroom namin, nag-aayos pa kasi ako ng gamit ko dahil kakatapos lang naman ng klase namin, pero itong si Jinx, naayos na n'ya gamit n'ya bago pa magpa-dismiss yung professor. Talk about excitement.

"Oo, Sandali lang!" tugon ko sa kanya at pagkatapos ay isinakbit ko na yung bag ko sa balikat ko  at tumakbo na palabas ako palabas ng classroom.

But I stopped on my tracks when he passed by me, hindi ko napigilan ang hindi mapasimagot ng makita ko s'ya. Tumigil kasi ito sa harapan ko at tiningnan ako.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko sa pang-aasar na gagawin n'ya, pero nagulat ako ng inalis n'ya ang tingin n'ya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napakurap lang ako habang sinusundan ko s'ya ng tingin, hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako o hindi, nakakapagtaka kasi.

"Oh, Star, bakit dinedma ka nun?" Nagtatakang tanong ni Jinx.

See, kahit si Jinx naguluhan din. Daily habit kasi ng lalaki na yun ang asarin ako simula ng magtransfer ako sa school na 'to. At hindi naman yun lingid sa kaalaman ng mga kaklase namin. Halos lahat sila ay alam ang pang-aasar n'ya sa akin kaya naman nakakapanibago na bigla n'ya akong dinedma.

Nagkatinginan lang kami ni Jinx at nagkibit-balikat lang ako sa kanya, kahit kasi ako ay walang ideya kung bakit bigla n'ya na lamang akong hindi pinansin.

"Mukhang nagdesisyon na s'yang tigilan ako, mabuti naman." Sabi ko kay Jinx at nakita ko ang pag-ikot ng mata nito, "Ang mabuti pa ay magpunta na tayo sa cafeteria, baka kanina pa tayo hinihintay nina Ina." Pagiiba ko ng topic at tinulak na si Jinx para magsimula na itong maglakad.

Dumating kami sa cafeteria at kita namin ang dami ng tao dito, mabuti na lamang at nauna sina Ina dito sa amin kaya naman may muupuan kami ni Jinx ngayon.

"Jinx!" Tawag ni Ina kay Jinx dahilan para mapalingon kaming dalawa sa kanya at nakita s'yang kumakaway sa amin.

Naglakad naman kami palapit sa kanila at nakita namin na mukhang patapos na sila sa pagkain, medyo natagalan kasi yung professor namin ngayon sa pagdidismiss sa'min kaya hindi na nakakapagtaka na nauna na silang kumain.

Hindi pa man ako nakaka-upo sa upuan ay sinimulan na agad nila ang pang-iinterogate sa akin dahil sa pambabalita ni Jinx sa kanila ng nangyari.

"Dinedma s'ya, akalain n'yo yun?" Sabi ni Jinx sa kanila. "And hindi lang yan, sa klase din, hindi n'ya pinapansin si Star, surprising, isn't it."

Within 5 Days [OS-Edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon