"When Love Finds Its Own Way" Chapter 1 (Continuation)

81 1 1
                                    

 Readers, continuation lang po to ng chapter 1. 

<Ched’s POV>

**Kriiiiiiiiiiing! (bell)

Hay salamat at time na rin! Wala talaga ko sa mood ngayon. Badtrip kasi si Jane eh! Bigla bigla na lang makikipag break! Akalain mong pinagpalit lang ako sa isang varsity player? Aish! Ano naman kung varsity  siya? mas magaling pa kong mag basketball dun eh. Mga babae nga naman talaga oh! Naku papalapit nanaman si Max, paniguradong alam na rin niya. May pakpak talaga ang balita!

“Oi Ched, balita ko wala na daw kayo ni Jane?”

“Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagtatanong?” tss. Sabi ko na eh.

“Eh malay ko namang totoo pala. Daig niyo pa yung asukal sa sobrang tamis nung isang linggo tapos ngayon, break na kayo? Ano bang nangyari?”

Sabi ko na eh, uulanan nanaman ako ng tanong nitong si Max. Dapat dito, naging babae eh!

“Ayon! Nakahanap lang ng bagong lalaki, nakipaghiwalay na!”

“Oh? Dahil lang dun? Eh sino ba yung lalaki?”

“Varsity eh. Sus, eh hindi nga ata maka puntos pag may laban ang school!”

“Haha! Mukhang bitter ka Ched ah?”

“Bitter mo muka mo Max! Takte, maka-alis na nga! Magka-cutting na lang ako. Sige.”

Buhay nga naman oh! Sa lahat ng naging girlfriend ko, si Jane lang ang sineryoso ko. Hindi naman sa naging bad boy ako sa iba kaso si Jane lang talaga yung minahal ko ng totoo. Eto ba yung tinatawag na karma? Letse! Ayokong maniwala dun!

“Ched!”

Aish! Ayaw patigil ng isang to!

“Oh ano?”

“Bakit hindi mo na lang pagselosin si Jane?” ngumingisi pa ang loko.

“At para saan pa?”

“Malay mo lang naman, mag girlfriend ka ulit. Ipakita mo dun kay Jane na hindi ka apektado ng break up niyo! Tsaka sa tingin ko naman, kahit papano may gusto parin sayo yun. Tandaan mo lalaki ka pa rin pre! Para kang bakla dyan! Tsk!  Babaelang yan.Haha!”

Pagselosin si Jane??? (O.o)

“Sa tingin mo uubra ba yan Max?”

“Wala namang mawawala pre! Malay mo pag nakita ka niyang may girlfriend eh makipagbalikan sayo yun!”

Sabagay, wala namang mawawala.Tsaka kilala ko si Jane, napaka selosa niyang babae. Pati nga mga regalo galing sa mga nagkakagusto sakin dito sa campus, pinagseselosan pa! Kaso sino naman ang gagamitin ko para pagselosin si Jane?

“Tsaka pre, sa dami ang babaeng nagkakagusto sayo dyan, hindi ka na mahihirapan! Tignan mo si Ken oh! May hawak nanamang cake, paniguradong galing sa classmate niya yan. Haha! grabe Ched, ang tinik mo rin talaga sa mga chicks noh?”

Tama si Max, hindi ako mahihirapan sa paghahanap ng magiging bagong gf. Kaso sino naman ang pipiliin ko?? grabe ang hirap maging gwapo! Oi hindi ako mayabang!! maraming talagang nagsasabing gwapo ako at mukhang koreano kahit hindi naman. Actually yung bestfriend ko, may lahing koreano pero mamaya ko na siya iku-kwento sa inyo.

“Pre, ang hirap mamili! Sino naman ang gagawin kong gf sa kanila?”

“Mas effective kapag yung kakaiba pre!Haha.oh sige mauna na ko! susunduin ko pa si Leah eh.”

Kakaiba??

“Ge, salamat!”

“Basta ikaw Ched! Balitaan mo ko pag may napili ka na! (sabay tapik sa balikat)”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

&quot;When Love Finds Its Own Way&quot;Where stories live. Discover now