Wattpad Poet - By risingservant

543 49 52
                                    

Maria Clara

By risingservant

Oh Maria Clara kay ganda mong dalaga

Halos lahat sayo'y nahahalina

Sa hubog ng iyong figura

Mamahalin kang talaga

Totoo ngang konserbatibo kang dalaga

Pagdating sa pananamit mo'y rerespetuhin kang talaga

Pati na rin sa kilos mo

Sadyang kaaaliwan ng kahit sino

Sa pagbungisngis mong kay hinhin

Ito'y sadyang aming iibigin

Ngunit ngayon ay nasaan ka na

Tila natalbugan ka na ni Avah Maldita

Halos lahat ng sayo ay naangkin niya na

Ngayon ay pinabayaan mo na, na siya ang magreyna

Tila namimiss ko na ang kinagigiliwan kong Maria Clara

Marahil sawa na ako sa pagpapantasya

Ang damit mong kay haba hanggang baba

Ngayo'y mistulang nagkulang pa sa tela ang haba

Ang konserbatibong ikaw

Naging Pilipinang hilaw

Naging wagas ka na rin kung makatawa

Tila ba walang mapaglagyan ang iyong tuwa sa tuwina

Sana'y maibalik ko pa ang tunay na ikaw

Para maging masaya na ulit tayo habang nakasakay sa kalabaw

Wattpad Poet 2014 Round 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon