Ang init, ang ingay ng karsada, at nakakabugnot talaga. Araw araw kong nararanasan yan pag papauwi na ko galing eskwela. Buti pa kasi pag umaga, maaliwalas ang panahon, marami pang tulog kung tutuusin at konti pa ang mga sasakyan, in short wala pang masyadong polusyon sa kapaligiran lalo lalong lalo na ang mga maiitim na usok! Pinagtitiisan ko nalang laruin tong Temple Run sa cellphone kong walang load. Pero nalowbat pa. Tsk. Buti nalang malapit na ko sa bahay. *sigh*

"Ma andito na po ako" sabay mano.

"Oh buti naman at nakauwi ka na, kala namin gagabihin ka nanaman" pag-aalalang sabi ni Mama.

"Kala ko nga rin po eh, buti nalang po di masyadong ma-traffic."

"Siya nga pala tumawag si Josh kanina tinatanong kung nakauwi ka na." Bestfriend ko si Josh, uhmmm, simula pa yata grade 1 hanggang ngayon na 1st year college na ko. TAGAL NA noh?  

"Eh ano po sabi nyo?"

"Obvious ba edi sinabi kong di pa?! Ano kaya yun!" mahilig talagang mangbasag ang mama ko.

"Grabe ma ha! Parang tinatanong lang po eh!" pasigaw na kaming nag-uusap pero normal na samin yun, para lang pati kaming magkabarkada ni Mama, madalas mudrakels tawag ko sa kanya pero pag normal akong tao at nasa matinong wisyo edi Mama.

"Eh kasi naman anak, common sense! HAHAHA" Oh edi ba? May pinagmanahan kasi ako eh.

"Sabi ko nga po. Sige bibihis na po ako sa taas." 

Sa wakas nasa kwarto na rin ako, makakapag-relax na rin ang katawan ko at syempre ang utak kong gusto ng mag-give up kanina pa. Chinarge ko na rin yung cellphone ko. Sabay nagbihis na rin ako. Pagbukas ko sa cellphone ko may isang nagtext, si Josh lang pala.

From Josh: Dre, nasan ka na? Wag kang magpapagabi ha. Ingat! naks naging maalalanin ang lokong bestfriend ko. HAHAHA. Di ko na replyan, ala naman akong load. Letsugas. XD

Dahil sa sobrang pagod ko, nakaiglip ako ng isang oras. mga 7:30 narin ako nagising at sakto na nun. Makababa na nga at kakain na ko.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JOSH POV:

Kanina pa ko nakaharap sa computer kakalaro ng tetris. Hinihintay ko si Carla mag-online kasi 5pm na nun eh ganun siya kadalasan umuuwi. Tumawag ako sa bahay nila para tanungin kung nakauwi na siya pero sabi ni Tita wala pa rin siya. Nag-aalala na ko pag ganun eh. Madami na kasing masasamang loob ngayon. Tsk! Nako naman oh. Anong oras na ba? mag6-6pm na hindi pa rin umuuwi ng bahay si Carla may babes!! tinext ko na siya tinanong ko kung nasan na siya pero hindi nagreply. Tumawag ulit ako sa bahay nila ng 7pm at sabi ng Mama niya na nakauwi na nga at natutulog sa sobrang pagod. Hay buti nalang.

"Joshie baby, kain naaaa!" ayan nanaman si mama!

"MA! Wag nyo na po akong tawagin ng ganun, matanda na po ako." (-___-)

"Haha, pagbigyan mo na si mommy baby! Kain na tayo! ^_^" hay nako. 

Nag-iisang anak kasi ako, kaya simula pagkabata spoiled ako. Mayaman ang side ng Daddy ko, pero wala na ang Daddy ko, nagkaroon siya ng Lung Cancer nung bata pa ko, mga grade 3 pa ko nun. Kaya itinuon lahat ng mommy ko at mga lola't lolo ko ang pag-aalaga sakin. Alam ko sa sarili kong spoiled ako pero wala kong hilig sa masyadong gadgets. Okay na sakin ang computer at cellphone for communication purposes. Mataas rin ang mga grades ko at kasalukuyan akong nag-aaral ng Fine Arts sa UST. Nagdodorm ako pag may pasok at bumabalik sa bahay pag walang pasok. Irregular classes kasi ang pasok ko ngayong semester. Kaya nahihirapan akong humanap ng time para makita ko si Carla, kaya kahit once a week lagi ko siyang niyaya o kaya pinupuntahan sa bahay nila. Ilang years na kaya kaming mag-bestfriend. Ilang years na rin akong in-love sa kanya. Yun nga lang syempre ayokong igive-up ang friendship namin baka kasi wala siyang gusto sakin at hindi mag-work out. Haaaay. Yain ko nalang siyang mag-date bukas este, mag-gala bukas tutal sabado naman bukas.

Hi. I am in love with you. Ok.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon