Hi Jie. :>

11 0 0
                                    

Hi Jieee :) Anong oras na? Hindi ka pa natutulog? Ikaw talagaaaaa. Kamusta ka na? Balita ko okay na okay ka na ha? Waw. Naks naman. Nakamove on din siya. Tagal nun 'te ah. Ang arte mo kase eh. XD Tanga-tanga mo eh. XD By the way, balita ko, bumalik ka na sa dati ahh? Actually, hindi ka lang bumalik sa dati, naging better ka :) YIIE. Dapat lang. Sa hinaba-haba at hirap nga naman ng naranasan mo.. Dapat talaga ngayon iba ka na. :)

Salamat ha? Salamat kase nagpakatatag ka. Salamat kase naging malakas ka. Salamat kasi pinili mo ng harapin yung katotohanan. Lunukin ang katotohanan at hindi mo na ito muling isinuka. Tigilan ang pagkain ng HOPE at lumaklak ng katotohanan. Salamat at minahal mo na ulit sarili mo. Salamat sa pagtake ng time.. para hanapin ulit yung sarili mo. Para buuin ulit yung sarili mo. :)

Wag mong kalilimutan ha? Na kilalanin mong maigi. MAIGING-MAIGI yung totoong lalaking para sa 'yo. Jie, wag mong kalilimutan kung paano ka nawala. Kung paano ka sumugal. Kung paano ka nasaktan. Kung paano ka gumaling. Kung paano ka nakabangon. Kung paano ka muling nabuo. Eto lang naman yun eh, wag mong kalilimutang mahalin yung sarili mo.

Wag kang uto-uto. May mga lalake talaga na nadadala lang ng hormones nila. Nadadala lang ng kilig. Nadadala lang kasi ang saya mo kasama. Nadadala lang kasi ikaw lang naman yung nandiyan. Minsan rebound ka lang, minsan trip lang kasi walang magawa, minsan hindi mo alam marami pala kayo, inaantay niya lang kung sino yung unang kakagat. Nakakasar 'di ba? Hindi naman mawawala yung mga lalake na yun eh. Hindi mawawalan ng manloloko. Pero kayang maubos ang naloloko.

Take time. Oo, nakakakilig naman talaga eh. Pero paano naman kapag ikaw yung problema? Ikaw yung kumalas sa lalake kasi hindi ka pa pala sa nararamdaman mo gumora ka na. Edi pinaasa mo lang siya. Nako. Suyat, ayusin mo buhay mo. Magmodel ka ng pag-ibig. Pag-ibig sa pamilya, sa kapwa, at sa kaibigan.

Ayusin mo buhay mo sa college, ha? Nako, mas maraming gwapo dun. Kaya hinay-hinay lang. Hindi ka mauubusan kasi planado na 'yan lahat. Reserved ka na 'te. Wag tanga, ha? Wag magbulag-bulagan. Mag-aral ka munang mabuti. Marami kang pangarap sa buhay 'di ba? Patunayan mo na iba ka sa kanilang lahat. Na ikaw yung tipo ng babaeng may pangarap sa buhay.

Mag-aral kang mabuti. Wag kang maging salot. Wag ka ng dumagdag sa problema ng Pilipinas, ha? (NAKS XD) Seryoso. Umayos ka. Wag kang mag-aasawa ng maaga. Mga 30+ ka na mag-asawa. HOY BABAE, kailangan mong maging dean's lister, ha? DREAMS, Jie. DREAMS. Gawin mong makatotohanan lahat yun. Wag lang manatiling isang pangarap.

Ganda mo. :> HAHAHAHA XD #Buhatsarilingbangko. Sigi na. Enjoy your vacation! Dahil literal na magsusunog ka ng kilay sa kolehiyo! -_- XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi Jie. :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon