Chapter One

167 5 10
  • Dedicated to Carzi Cañete
                                    

Isang malaking tagumpay para kay Ashley ang makasakay sa isang cruise ship. Hindi bilang pasahero kundi bilang isang crew. Ashley Bernardo was a BSHRM (Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management) Magna Com Laude graduate sa UP - Diliman.  

Her main goal for applying as an apprentice crew sa SOLAS (Safety of Life and Sea) ay ang ihaon ang pamilya niya sa hirap ng buhay. Ngayong graduate na siya, it's high time that she'll take over the responsibility of sending her younger siblings to school. Ngunit alam niyang higit pa roon ang nais niya. Mula pagkabata ay ninais na niyang sumakay ng barko and to travel the world for free. Sa kasamaang palad, her parents can't afford to enroll her on a Nautical or Marine Engineering course. Kaya pinili niya ang HRM dahil may sea-based job opportunities at ito na ngayon ang tinatamasa niya. 

Napabuntong-hininga si Ash nang lingunin niya ang kaniyang maiiwan na pamilya. Animo'y may karera ang kanyang mga kapatid at ina sa pag-iyak habang ang kanyang ama naman ay nakamasid lamang. 

"Hindi mo naman kailangan umalis para sa amin, Anak." Tugon ng Ama niya. 

"'Tay, para saan pa ang pinag-aralan ko kung hindi ako magta-trabaho at 'di ba, napag-usapan na natin 'to?" 

"Mag-iingat ka doon, 'Nak ha? Umuwi ka kaagad." Singit ng kanyang ina sa pagitan ng mga luha. 

"Ate, 'wag mong kalimutang tumawag ha?" Umiiyak na sabi ni Lenlie, ang bunso niyang kapatid at ang pinakamalapit niya sa lahat. 

"Ate, kahit wala na kaming pasalubong, basta umuwi ka lang." Tugon naman ni Jenefa. 

"Ate, mamimiss kita." Payakap na sabi ni Jenife, kambal ni Jenefa. 

"Oo, tatawag at uuwi ako agad. 'Wag niyong pabayaan sina Tatay at Nanay ha?" Niyakap na niya ang kaniyang pamilya sabay nang kanyang panandaliang pamamaalam. Agad na lumulan na siya ng barko para hindi na siya maka-iyak pa.

"Say, Ohlala!" Sigaw ni Carissa sa railings ng barko. 

"Welcome onboard!" Sigaw naman ni Shanelle. 

"Hello, Philippines!" Sigaw ni Keizl. 

"Hello, World!" Dugtong naman niya. 

"Uy, grabe ka ha? Akala ko hindi ka na pakakawalan ng pamilya mo e." Tugon ni Carissa na ang tinutukoy ang kaninang eksena sa pier. 

"Grabe ka naman. Siyempre, madrama 'yun kasi ngayon lang ako mahihiwalay sa kanila ng matagal." Paliwanag niya. 

"Oo nga naman, Carssi! Palibhasa ka kasi'y malayo ang loob mo sa pamilya mo." Saway ni Shanelle. 

"Haay, naku! Magsaya na nga lang tayo sa experience na 'to!" Sabi ni Keizl. 

"Tama!" Sabay na sagot nilang tatlo at naghalakhakan na sila. 

Sina Carissa, Shanelle, at Keizl ang mga BFF niya. As in, Best Friends Forever. Magkaklase sila sa college at sabay na nag-graduate. Si Carissa ang happy-go-lucky. Si Shanelle ang serious, at si Keizl ang chef-wanna-be nila. Pareho silang nakapasok sa apprenticeship na iyon kaya magkasama sila ngayon sa paglalayag na iyon. 

On that day, pareho na silang may kanya-kanyang job assignments at area. Kumpleto ang amenities ng barko at talagang bumubuga iyon ng karangyaan.  

Naninibago at namamangha pa siya sa buong lugar at hindi niya maarok sa kanyang isip ang kaligayahan na nadarama niya sa kanyang narating ngayon. Sana pangmatagalan na ito. Hiling na lamang niya sabay ang pagbitaw ng isang malaking buntong-hininga. 

She was on her way to her assigned area nang may nabangga siyang isang tao. Agad na humingi siya ng tawad. 

"Sorry po, Sir." Bahagya pa niyang idinuko ang kanyang ulo ng ilang ulit to emphasize her sincerity. 

"Okay lang 'yun, Miss." 

"Naku! Salamato po, Sir." Nag-angat na siya ng tingin upang makita ang lalaki. 

The guy was handsome; he was smiling and it captured her heart. He looked so rich at his age. May kung anong sumunggab sa kanyang puso. 

"Miss? Okay ka lang ba?" Pukaw sa kanya ng lalaki. 

Doon niya nalaman na matagal na pala siyang nakatanga sa harap ng lalaki. Agad namang bumalik ang huwisyo ng kanyang isip. 

"Ay, pasensya na po kayo, Sir. Hindi ko po talaga sinasadya. Sorry po." Paumanhin ulit niya. 

"You're forgiven already at no big deal 'yun." Nakangiting sabi nito. 

Gosh! What a mind-boggling smile! Grabe naman. Siya na ba, Papa God? Hindi siya makapaniwala sa nakikitang nilalang na kaharap niya ngayon. That was the prettiest pair of eyes and sexiest smile she had ever seen in her twenty years of existence. 

Nagsalita uli ang lalaki at inabot ang kanyang kamay. "I'm Yexel, by the way. And, you are?" 

"I'm Ashley. Apprentice Crew ako dito." Inabot niya ang kamay ng lalaki at agad na binawi iyon. Mukhang napaso siya sa pagkakahawak nila ng kamay kahit saglit lamang iyon at kakaiba ang dulot niyon sa kanyang disoriented na na puso. 

"Nice name." 

"Thank you, Sir. Have a good day." 

"Yeah, ikaw din. See you around, Ash." 

Ash? Was it so nice to hear? Lumakad na siya palayo sa lalaki na halatang nakatitig pa rin sa kanya. Diretso-diretso na siyang ngatungo sa locker room at nagpalit nga uniporme nang dinaluhan siya ng mga BFF niya.  

"Uy, Ash. Saan ka bang department naka-assign?" Tanong ni Shanelle. 

"Sa Dining Hall e. Ikaw, saan?" 

"Sa Housekeeping. Kayo, Carissa at Keizl?" 

"Front Office ako, Shan." Sagot ni Carssi. 

"Sa Kitchen ako." Anang Keizl, at agad silang lumingon dito. 

"Wow! Bongga naman ng lola natin o. Congrats, Kei." Niyakap niya si Keizl. 

"Uy, goodluck sayo!" Yakap na rin ni Shanelle. 

"Grabe! Kudos, Chef!" Bati at yakap ni Carissa. 

"Salamat, girls! Kinakabahan ako e." Nag-aalalang sabi ni Keizl. 

"'Kuuu! Bakit naman? Ikaw kaya ang pinakamagaling at pinakasarap magluto na Chef na nakilala namin, 'di ba?" Baling ni Carissa sa kanila ni Shanelle. 

"Oo naman! Basta, gawin mo lang ang best mo doon." Alo ni Shanelle dito.  

"Salamat!" Yakap ni Keizl sa kanilang tatlo. 

"Galingan na lang nating lahat!" 

"Ajaaa!" Sabay nilang sambit at humalakhak. 

This is what she loved about her friends. Walang insecurities at laging nagdadamayan. Ni wala nga silang matandaan na away nilang magkakaibigan. They really set the best definition and example to the words 'friendship' and 'friends'.

*itutuloy

Love OnboardWhere stories live. Discover now