Just one date

8.5K 164 15
                                    

Nina

"You cheater!" Hiyaw ni Tanya na ikinataas ng kilay ko. Iritableng nilagay ko yung kamay ko sa tenga ko. Nakita kong binato niya ng mga pinagbalatan ng butong pakwan si Rico.

"Hindi na ba kayo uuwi?" Bulong ko sa thesis ko. Pero mukang hindi naman nila ako narinig. Nakakainis lang halos araw-araw silang nandito. Ano to? Yung totoo? Ginagawang love nest yung condo ko? Frustrated na tinitigan ko lang yung mga papel sa harapan ko habang naghaharutan yung dalawa. What happened? Really?

Were they already okay? Had they sorted it all out?

Umiling ako habang tinitignan silang dalawang naglalaro ng scrabbles. If not every day Rico seemed to be here—with Tanya of course—every other day. Or thrice a week tops. Lalo na't wala siyang practice o game. He made it a point to make time for her. I sighed heavily. Minsan namimiss ko din yung precious peace ko. They were either yelling at one another or... yes, like this. Nakakainis lang kasi para silang aso at pusa. Okay lang naman sana, pero kasi naman. Hello? They were doing it here! In my condo. E nasa kabila lang naman yung condo ni Rico diba? Ano to, ginagawa akong audience? Pampainggit ganon. Ni hindi na ako nagtatanong. It was futile anyway.



"Nina, juice!"

I rolled my eyes ceilingward. Tumayo ako at nagdala ng juice kay Tanya. Pareho silang nakasalampak sa carpet. They put away the flower vase on my center table. At dun nila nilagay yung scrabbles. Nakita kong nagkalat yung balat ng butong pakwan sa carpet ko. I just sighed. Rico was so big. Naka-stretch yung mga binti niya. At hindi ko alam kung napapansin ni Tanya yun. But she was leaning against Rico's outstretched right leg.



"Thanks sweetie." Rico smiled sheepishly at me. "Sumali ka na samin."

Ngumiti ako. Magsasalita pa sana ako nung paglingon ko kay Tanya ay bigla akong inirapan. "May gagawin ka pa diba Nina?"



"Oh?" Parang hindi ko alam yun a... Ngumisi si Rico sa akin.



Magsasalita pa sana si Rico nung biglang tinampal ni Tanya yung bibig nito. Napupuna kong every time na magsasalita si Rico lagi na lang itong tinatampal ni Tanya sa bibig. I remembered one time,

"Ano yan?" Turo ko dun sa maliit na dugo sa upper lip ni Rico. Iritableng hinipo niya iyon. Napapamura siya sa inis at umupo sa couch ko. "Teka, bat namamaga yang labi mo?"

"Kung hindi ko lang mahal yang kaibigan mo."

"What? Tanya did... that?" Bulong ko. Oh-kay. Napangisi ako bigla. He scowled at me. "Kanina pa tampal ng tampal sa bibig ko. Wala naman akong ginagawa. Tapos ba naman, nilalapirot ng maigi yung bibig ko. Di pa nakuntento kinukurot pa. E tangina ang sakit kaya."

"Sus, puro ka reklamo punta ka naman ng punta."

"Ang lala kaya ng topak. Siya pa nagagalit siya na nga nakakapanakit. Inaawat ko aba, wag na daw akong magpapakita."

Bigla akong humagalpak ng tawa. Inis na umiling lang si Rico. Napapangiwi ito pag hinahawakan yung bibig. Halata talaga yung pagkamaga nito. Rico frowned at me. Binato niya ako ng unan na yakap-yakap niya kanina. "Makatawa ka wagas a. Buti kung sana kung namaga ito kasi—"

"The baby will probably get your lips."

Semi's, baby!Where stories live. Discover now