Chapter 26: One night stand

2.7K 27 4
                                    

Masasabi ko ? Hahahaha Enjoy ! di ko na patatagalin pa toh .. Wooosshh feel ko mag dedicate ng random ..

Random dedication .. :)

READ.ENJOY,VOTE.COMMENT.

FEEDBACKS PLEASE ..

Michie’s POV

Hayy salamat !! At gising na din ang donyaaaaa .. Sarap ng tulog ko !!

A: Natikman mo ?

Bwiset ! Ang saya ng gising ko babadtripin mo ko ! Leche makabangon na ngaaaa ! Good Vibes come here paalisin ang demonyong otor nitoo !! HAHAHA !!

Joke lang pag pinaalis mo yan lagot ako !!

Yan GV na ulit ako masayaaa na koo .. Naligo na ako at kung anu-anong seremonyas ang ginawa ko pa sa banyo and inayos ko na ang kwarto ko .. Sipag noh ?!

Masaya ko eh bakit ba ?! Bakit nga ba ko masaya ? Hmm ?

Ewan ko bat ko ba tinatanong sarili ko baliww .. Lumabas na ko ng kwarto at hinanap ko ang mganda kong bff at kapatid ..

“CHICHI!!! Almusal ko nakahanda na ba ?!!” o diba donyaa ako.. DONYAAAA !!

“Opo ate nilagyan ko na din ng lason ng matigok ka na !!” sabay tawa naman nung isa sa kusina ..

Kung pagsisipain ko kaya palabas ng bahay to ?.. Pagtripan daw ba k okay aga aga .. Pagpasok ko ng kusina

*Pook*

Batuhin daw ba ng mansanas ulo ko sapul pa sa noo .. Masyadong sharpshooter ..

“Namumuro ka nang batang babae ka ah!!” sabay kuha ko ng mansanas at akmang babato ko sa kanya .. Nung ibabato ko na sana yung mansanas ..

“Baket ako ba ?! Ako ba ?! Ako ba nagbato ?! Bato ko sayo tong kutsilyo eh makasise !!”

 Ganyan kami magmahalan hahahaha .. Caring for each other choss !!

Lakas maka English !! HAHAHA !!..

Ang good mood ko talaga sa sobrang good mood ko ibabato ko tong mansanas sa bestfriend ko .. Binato ko na den yun sapul tumatawa pa siya eh ..

Shoot sa bunganga niya mansanan kulang na lang stik pwede na siyang isabit .. Choss ..

Nagtimpla muna ko ng kape .. Yan nilagyan ko siya ng Nescafe .. Choss endorsement lang ?! HAHAHA ..

Word for the day Choss !! HAHAHA .. baliw .. Lalabas sana ko magpahangin nasa harap na ko ng pinto ng bigla tong bumukas ..

Expect ko nga lumabas si Tuffer at Noki eh pero ang lumabas yung bwisit na ano basta yun na yon ..

I can’t remember eh yung kasula sulasok na may utang na loob daw ako ..

Nung lumabas siya umiinom pa naman ako kaya nabuga ko sa mukha niya yung iniinom kong kape and pagkamalas malas niya ang init pa naman non ..

“Anong ginagawa mo dito ?! Paano mo nalaman bahay ko ?! Sabi na nga ba stalker kita eh !! Sinusundan mo siguro ako palagi tapos nakakuha ka lang ng tiyempo kaya nagkaron ako ng utang na loob sayo ginamit mo yon para makuh---------------“ tinakpan niya lang naman yung bibig ko ..

Bastusan lang ?! Nakakabadtrip tuloy .. Kyaaaaaaaahhh !!

“Pwede bang mamaya ka na dumaldal pamunas muna kadiri yung laway mo nasa mukha ko pa ..” oo nga noh di papala niya napupunasan ..

~ ROYAL RUMBLE ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon