His POV

8.2K 252 37
                                    

>>>♥<<<

His POV

Hi. I’m Reggie Navarro. 20 years old. And believe it or not, in my 20 years of existence, I never had any girlfriend yet. I’m now a 4th year Nursing student in FEU.

Maybe you’re wondering why I’m an NGSB guy. NGSB stands for No Girlfriend Since Birth. Alright, well… let me share to you my story…

I was still in Grade 6 back then, and it was February 14.  Yeah, it was a Valentine’s Day. Kasama ko noon ang parents ko papuntang SM Ayala. We live in Quezon City, so the only way that we could get fast there is to ride the MRT.

Yeah. Back then, we don’t have a car yet. Nakakatawa nga kasi car dealer ang Dad ko, pero wala kaming car. Haha.

And para naman hindi na kayo magtanong pa, yes, I’m an only child. It was supposed to be their Valentine’s Date, pero dahil sa naawa sa akin ang Mommy ko, sinama na nila ako. Nakakatawa pa nga, kasi parang feeling ni Mommy, 8 years old pa lang ako, eh tuli na nga ako nung time na yun. Haha.

Ayaw ko pa nga sana sumama kaso, wala naman ako kasama sa bahay, kasi yung katulong namin humingi ng day-off para daw makapag-date naman sila nung asawa nya. Sounds funny right? Pero ganun siguro talaga pag love, walang matanda, walang bata.

So there, sumakay na nga kami ng MRT. Paghinto ng MRT sa next station, biglang may sumakay na babaeng sa tingin ko ay kasing edad ko lang. May kasama siyang middle-aged man na sa tingin ko ay Daddy niya.

Ewan ko, pero parang nastar-struck ako sa kanya. I could not get my eyes off her. Maputi sya na kulot ang buhok, yung parang kay Goldilocks. Nakapony-tail yung buhok nya nun. Matangos yung ilong nya na binagayan naman ng mahaba nyang pilik-mata. Tapos mapula yung lips nya. Basta! Para syang Barbie doll.

Simula nun hindi ko na nakalimutan yung mukha nya. Sa sobrang pagka-star struck ko nga sa kanya, dinrawing ko agad yung mukha nya pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay. Yeah, I’m a painter.

Naisip ko nun, blessing in disguise na rin pala na sumama ako sa date ng parents ko. At blessing in disguise na rin na wala pa kaming sasakyan nung mga panahon na yun, kasi kung hindi, hindi ko sya makikita, diba?

Hanggang sa gumraduate na ako ng elementary.

Nagdaan ang buong summer na walang araw na hindi ko tinitigan yung mukha nya na iginuhit ko. Haha. Mukha na ba akong baliw? Nah! Hindi naman siguro.

Pagdating ng enrollment sa high school, ayaw ko sanang sumama kay Mommy pero nagpumilit siya. Napaka-walang kwenta ko raw na estudyante. Hanggang sa wala na rin akong nagawa. Sumama na lang ako.

Nung nasa Registrar’s Office na kami ni Mommy, nanlaki yung mga mata ko nung marealize ko kung sino yung babaeng sinusundan namin sa pila.

Biglang nabuhay yung dugo ko at napuno ako ng excitement.

Hindi ako makapaniwala! Magiging schoolmate ko yung babaeng tinititigan ko ang mukha sa araw-araw na ginawa ng Diyos, since February 14, 2002. Sana maging kaklase ko siya.

Pasimple akong sumilip nung sinusulat na niya yung name nya sa list na nakapatong sa table ng Registrar.

Shane Aquino

Yun pala ang name nya. Ang cute naman.

Hindi na ako makapag-antay na dumating yung pasukan. I’m more than excited. Kaya naman nung first day na ng klase, hindi na ako kinailangan pang gisingin ni Mommy o nung katulong namin, kasi alas kwatro pa lang, gising na ako. Haha… Excited lang masyado.

I'm Yours (A T-shirt Love Story)  --- One ShotWhere stories live. Discover now