Zombie 42

7.2K 250 46
                                    

Zombie 42: Bad News and Good news

Megan's POV

"Hoy tinatanong kita--abat! tinatalikuran mo na ako ngayon!!" rinig kong sigaw ni kuya. Napa irap ako at hinarap sya.

"What?" bored kong sabi sa kanya. Naka pamewang syang lumapit sa akin.

"Tinatanong kita kung bakit ngayon kalang umuwi? Saan ka ba pumunta kagabi huh?" tanong nya at naka taas pa yung kanang kilay nya.

"Seriously? pang ilang tanong mo na yan kuya?" bagot kong tanong sa kanya. Napa isip naman sya doon.

"Pang sampu?"

"Exactly, kuya. Sinagot ko na yung tanong mo pero inuulit mo lang din yung tanong mong yan" malamig kong sabi at tinalikuran sya. Akmang pipigilan ako ni kuya ng biglang dumating si Arnold.

"Megan we need to talk" seryoso nyang sabi at dumiretso sa living room. Nag katitigan muna kami ni kuya bago sumunod kay Arnold sa living room. Sa ekspresyon palang ni Arnold ay mukhang seryoso ang pag uusapan.

Nang maka upo na kami ni kuya sa harapan ni Arnold ay tumikhim sya bago mag salita.

"Megan i have a bad news and good news for you" panimula ni Arnold.

"Ang bad news ay lalong lumalakas ang virus na kumakalat sa paligid. According to my scientific method ay lalong lumala ang virus. Kapag hindi natin to naagapan sa madaling panahon ay baka kusang ma-infect tayo ng virus gamit ang maduming hangin na may kasamang virus" seryoso nyang paliwanag.

"May solusyon ba tayo para mapigilan yung sinasabi mo?" tanong ni kuya na naka kunot ang noo. Ngumiti si Arnold at tumango.

"Yes. May solusyon tayo para dyan. May nagawa akong vaccine na pwedeng ikaligtas nating lahat. Ang vaccine ay hindi gawa sa likido kundi gawa ito sa gaas. Kaya kapag binasag mo yung lalagyan ng vaccine ay madali nalang itong humalo sa hangin. At hindi lang yun, wala pang 24 hours ay kalat na agad ito sa buong mundo" nakangiti nyang sabi. Nanlaki yung mga mata namin ni kuya. Ganun kabilis?

"Ang bilis naman yatang kumalat non?" gulat na tanong ni kuya.

"Ganun talaga kabilis, Colbie. Pero may isa tayong problema"

"Ano yun?" ako naman ang nag tanong. Gagawin ko ang lahat para lang maligtas yung mga taong nabubuhay dito. Gagawin ko ang lahat kahit buhay ko na ang kapalit.

"Kulang tayo sa formula kaya hindi tayo makakagawa ng vaccine. Yung kailangan nating formula ay dugo ng isang tao. Pero hindi ibig sabihin nun ay kukuha ka nalang tayo ng basta basta sa dugo ng mga tao. Tanging iisang tao lang ang mayroong dugo na pwedeng i-compatible sa vaccine. Pero hindi ko alam kung sinong taong yun" saad nya. Natahimik ako at hindi nag salita. Kung iisa lang yung tinutukoy nya eh sino?

"Kung ganun dapat lahat ng taong naninirahan dito ay kailangan nating kuhaan ng dugo para malaman natin kung sino yung tinutukoy mo, Arnold" sambit ni kuya. Si Arnold naman ay tumango lang bilang pag sangayon.

* * *

Nina's POV

Nang matapos yung jogging namin ay nag lakad-lakad muna kaming pito papuntang bayan. Bibili pa kasi kami ng panghanda para sa pasko.

Kaming pito lang ang mag kakasama ngayon dahil pag gising namin ay wala na si Eren sa kwarto. Hindi namin alam kung saan yun pumunta.

Habang nag lalakad kami ay nakita namin si Megan na nag jo-jogging.

"What the?" gulat kong sabi. Napahinto kami sa pag lalakad at tulalang nakatingin kay Megan. Naka sports bra at naka leggings na kulay itim si Megan. Lantad na lantad yung kagandahan nya habang tumatakbo sya. Bawat taong madadaanan nya ay napapahinto at tulalang napapatingin kay Megan.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now