Chapter 14: Lean On Me

18 0 0
                                    

Lean On Me

10 pm, Kakauwi lang ni Sam sa bahay niya. Nakaabang sa loob ng pinto ang untie niya. Pagpasok niya sa house, nagkatikim siya agad ng sampal at sabunot sa buhok. Kawawa si Sam. Umiiyak na siya…

Jane: Ang kulit mo talaga noh?!

Sam: (crying) Untie? Kailangan ko po talagang matapos ang project. Nakakahiya sa partner ko if siya lang ang gagawa.

Jane: Wala akong pakialam if ano ang project na yan.

Sam: Pero untie baka bumaba ang grades ko nito.

Jane: Haha! Ano ngayon if bumaba ang grades mo? Wala akong pakialam sa iyo! Naiintindihan mo bay un? (slaps Sam)

Sam: (crying, holding her right cheek) Opo.

Habang nangyayari iyon, awang-awa naman si Yaya Gretta kay Sam dahil wala siyang magawa para tulungan si Sam.

Jane: Maglinis ka ng buong bahay! Dalian mo! Linisin mo ang sahig! Dapat wala akong makitang dusts sa mga furnitures! Dalian mo!

Y. Gretta: Ma’am Jane, Gabi na po. May pasok pa po yung bata bukas.

Jane: Wala akong pakialam! (tinulak si Sam sa floor)

Nilinis ni Sam ang buong bahay nila. Wala siyang tulog. Puyat na puyat, pagod at bugbog ang katawan. Pumasok pa rin siya sa school kahit ganoon ang kalagayan niya.

Pagpasok pa lang niya sa lobby, nadapa siya. Tinignan lang siya ng mga tao. Ang trap na ito ay kagagawan nila Janina, Mika & Miya. Natatawa ang tatlo pero hindi sila pinansin ni Sam, kahit na alam niyang sila ang may gawa nito.

Pumasok na si Sam sa classroom niya. Nakita ng lahat na dumudugo ang tuhod nito..

Ash: OMG! Sam! Anong nangyari sa iyo?

Sam: (walang gana) Wala ito.

Ash: Anong wala? Dumudugo yang tuhod mo. Dadalhin na kita sa clinic.

Pumunta ang dalawa sa clinic at nilinis na ang sugat ni Sam. Nilagyan ito ng bandage. Bumalik na ang dalawa sa room…

Ash: Ayos ka na ba? Kwento mo sa akin kung anong nangyari sa iyo.

Sam: Nadapa lang ako kanina sa may lobby, di ko naman alam na may lubid pala dun.

Ash: Lubid? Saan galling yun?

Sam: Di ko alam, basta sa tingin ko may kinalaman sila Janina at ang twins ditto.

Ash: yung mga yun talaga! Walang magawa sa buhay nila! Bakit hindi ka gumanti?

Sam: Hayaan na natin…

Ash: Hayaan? Sam? Ikaw ba yan? Ang Sam na know ko ay gumaganti.

Sam:Wala akong gana ngayon. Nextime na lang.

Nag-ring na ang bell para sa Gym Class nila…

Habang nagsasayaw sila Ash & Liam..

Ash: Wala ka bang napapansin kay Sam?

Liam: Wala naman.

Ash: I mean..Bakit lagi siyang tahimik ngayon? Walang gana.

Tumingin ang dalawa kay Sam na kasayaw ni Mao..

Mao: Ayos ka lang ba?

Sam: Uhhmmm…oo naman.

Hinawakan ni Mao ang baywang ni Sam…

Sam: Aray!

Mao: Oh bakit?

Sam: Wala naman.

Doon nalaman ni Mao na may bugbog si Sam. Alam na nitong pagod ito..

Sam: Mao, pwedeng umakbay muna?

Mao: Sige. Matulog ka muna.

Natutulog si Sam habang sumasayaw sila. Inaalalayan siya ni Mao para hindi sila mahuli ni Sir V. Nakatingin naman sila Ash & Liam sa kanila parang selos ang dalawa. Nanonood din ang mga nasa section B. Ang klase nila Janina & Twins. Inis na inis si Mika kay Sam kaya gumawa na naman ang tatlo ng trap.

Habang tapos na ang gym class,  natapos na rin ang recess. Pagpasok ni Sam sa classroom, nabuhusan siya ng tubig sa may pinto. Nagulat ang mga classmates’ niya. Akala ng lahat, si Liam na naman ang may gawa nito dahil nga dati ay ginawa ni Sam sa kanya ito. Tumakbo si Sam sa labas ng room. Wala siyang mapuntahan until napadpad siya sa soccer field. Umiiyak si Sam. Hindi niya alam na nandun din pala si Mao…

Mao: Anong nangyari sa iyo? Bakit basang-basa ka?

Umiiyak si Sam. Niyakap siya ni Mao saktong-sakto na dumating si Ashley sa likod nila. Umalis agad ito dahil sa inis..

Mao: Sabihin mo sa akin, may bumubugbog ba sa iyo sa bahay?

Sam: (crying) Paano mo nalaman?

Mao: Kanina sa gym class. Umaray ka kasi nahawakan ko ang pasa mo.

Sam: Yung Untie ko. Everytime na umuuwi akong late, pinaparusahan niya ako.

Mao: Bakit hindi mo isumbong sa parents mo?

Sam: Lagot daw ako kapag ginawa ko yun…Mao, please don’t tell this to anyone kahit kay Ashley. Ayokong maging pabigat sa kanya.

Mao: Sige, promise hindi ko pagsasabi.

Sa section B…

Jan: Haha! Nakakaawa ang itsura niya kanina!

Mika: Oo nga!

Miya: Para siyang basang sisiw!

Jan: We need to celebrate!

Miya: Sige! Eat tayo sa labas after classes.

Mika: Kain tayo sa new resto naming Janina..

Jan: Sure!

Uwian na nga, weekends na bukas. Lahat ng nasa section A ay abalang-abala sa paggawa ng project nila. Lahat ay nasa bahay ng mga lab partners nila para tapusin ito.

Sa bahay ni Liam…

Liam: Ayos ka lang ba, Sam?

Sam: Oo.

Liam: Hindi ako yung naglagay ng water sa may door ah..

Sam: Alam ko yun.

Kinabahan si Sam, naisip na naman niya na papagalitan na naman siya ng untie niya pag-uwi.

Sam: Liam, pwede bang maaga akong umuwi ngayon?

Liam: Bakit? Kailangan natin magpuyat para matapos ang project. Friday na ngayon.

Hindi nakapagsalita si Sam. Ginagawa na nga nila ang project at biglang dumating na naman si Janina sa bahay. Umalis na naman si Liam para kausapin ito.Ginawa ni Sam ang project kahit wala pa si Liam dahil baka maubos ang time nila. Nag-research din siya para ituloy na lang ni Liam ito. Nakatulog si Sam, nagising siya ng 12 am na. Nagmadali siyang umalis sa house ni Liam at umuwi na sa kanila.

Kumatok si Sam sa house niya at ang Untie nito ang nagbukas. Hindi siya pinapasok nito kaya natulog si Sam sa labas ng pinto. Malamig sa labas at malamok. Pagkabukas ni Yaya Gretta ng pinto, nakita niya si Sam na natutulog sa sahig. Naisip nito na baka hindi pinapasok ng amo. Ginising nito si Sam…

Y. Gretta: Iha, gumising ka na. Pumasok na tayo sa loob.

Hinawakan niya ang kamay nito. Sobrang init ni Sam. Nilalagnat na ito. Tinawag niya ang driver para buhatin si Sam papunta sa room nito. Kawawa si Sam.

Tinatawagan ni Liam ang phone ni Sam kaso hindi niya ito sinasagot…

Liam: Nakakainis talaga yung babaeng yun! Dapat tatapusin na naming ngayon yung project!

Paggising ni Sam, tinignan niya ang phone niya. Puro missed calls & text messeges from Liam. Binasa niya ito:

  “Sam? Di ba gagawa tayo ng project ngayon? Tatapusin na natin. Pumunta ka na dito sa bahay ko. Ngayon na. Kapag hindi ka pumunta, sasabihin ko kay Mr.K na hindi ka tumulong sa paggawa nito. Wala kang grade nyan…”

Hindi na ito nireplyan ni Sam dahil alam niyang papagalitan lang siya ng tita niya at hinang-hina pa siya.

Galit na galit naman si Liam dahil hindi dumating si Sam. Natapos na nito ang project nila.

Something UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon