BFF (edited)

158 1 0
                                    

Falling in love with your bestfriend...

Clique ba? Eh sa anong magagawa ng ilan sa atin? Kasalanan bang umibig tayo sa bestfriend natin?

Siguro nga tanga lang ang puso natin dahil sa maling tao tayo nagmahal. Buti sana kung lahat ng story eh parang sa pocketbook or any love novels. 

Dun? May happy ending. Ang mag bestfriend, nagkakatuluyan. 

Sa totoong buhay? That's bullshit.

Kung sana lang eh parang wattpad story lang ang love life ng tao, eh di lahat tayo may sari-sariling happy ending hindi ba?

Maybe ang ilan sa atin may happy ending, well some do not have. 

Ganun talaga ang buhay, hindi lahat ng tao, gifted at pinagpala.

Pero malay mo rin naman no, may plano pala sayo si God? Malay lang ah. Malay mo rin plano niyang gawin kang old maid. Oh eh di ba masaya?

Mag-isa ka. Walang epal. Walang makulit. Walang magseselos nang magseselos. Walang magdedemand ng time. Hindi ka mapapagastos. Wala kang problema at iwas stress pa di ba?

Saan ka? Sa may love life o wala?

Kung ako ang tatanungin, hindi ko kayang mabuhay ng walang boyfriend at kaya ko ring mabuhay ng wala. Magulo ba? Pasensya na, magulo lang talaga ako.

I was once a victim of 'falling in love with your bestfriend' syndrome.

And this is my story and how my love story ends.

                                                         ************♥♥♥**************

"Carly-babes, anong oras matatapos ang last class mo?" tanong sakin ng aking uber cute bestfriend.

"5pm. Bakit?" sagot ko.

Ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako. Kasalukuyan kaming nagrereview sa library for our upcoming midterm exam. 

Kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti dahil ako ay isang deans lister. Sayang ang libreng tuition kapag bumaba ng 1.75 ang GWA ko.

Hindi ko na masosolo ang pinapadala ni Papa pag nagkataon. Nasa Saudi kasi ang Papa ko at yes, wala siyang binabayaran na tuition dahil ako ay may 100% scholarship dito sa school na pinapasukan ko. So ang siste eh ang pinapadala niya na pera ay pambaon, pangkain at pambayad sa bills sa bahay such as kuryente at tubig. Mag-isa akong naninirahan sa bahay namin dahil matagal ng patay ang mama ko at wala naman akong kapatid. Only child ba. Kaya lang hindi ako naging spoiled kahit kailan. Matalino ako eh. Connect? Dahil nga matalino ako, hindi ako nagiging demanding at bratinella dahil lang nasusunod lahat ng gusto ko.

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon