Si Yellow sa Mata ni Lemon

204 4 3
                                    

"O dahan dahan naman nyan..baka makapasok ka sa cup nyan..." sabi ni Lemon sa kaibigan na dire-diretso ang pag-inom ng latte.

Pinanlakihan ni Yellow ng  mata ang kaibigan.

Napangiti naman si Lemon sa ginawa ng kaibigan. 

Ikaw talaga kahit kelan, para kang bata. Kaya naman... pero hindi itinuloy ni Lemon ang sasabihin.

O ituloy mo...lalaitin mo na naman ba ako? Sige lang, pag ako nag-make over, mabibigla ka na lang. Talbog lahat ng mga crush mo noh! yabang ni Yellow.

Haha...sige nga makita nga yan. Hmmmm sabay hawak sa mukha nya at sinipat .....wala naman eh...akala ko nakatago lang yong ganda mo, pero hindi ko naman nakikita. Ewan ko na lang kung madala ng makeover ha, tukso pa nito.

Ah ewan, you don't know what real beauty is! Makikita mo.....sa isip ni Yellow. Talagang magpapa-make over nga sya. 

Tahimik at nakangiti lang si Lemon at hindi na nakipagtalo pa. Hahaba lang ang usapan kaya hindi na lang sya umimik.

Sa totoo lang alam naman nyang maganda ang kaibigan, nakatago lang sa eyeglasses ang maganda nitong mga mata at hindi masyadong inaayos ang sarili. Alam naman nyang kapag nag-umpisa itong mag-ayos eh maganda nga ito. 

O syanga pala, may sasabihin ka sa akin di ba... tanong ni Yellow.

Napangiti si Lemon, oo nga pala, may sasabihin nga pala sya sa kaibigan nya. 

Ah oo...tamang tama. Sabi mo magpapa-make over ka di ba, tama yan dahil may ideya ako.

Ano naman yan? 

Halika ibubulong ko sayo,  sabi ni Lemon at inilapit ang upuan nya sa upuan ni Yellow. Inilapit nya ang mukha palapit sa tenga ng dalagita.

Sanay na si Yellow na malapit sa kaibigan, pero iba ngayon. Langhap nya ang pabango ng kaibigan, at ang mabangong hininga nito habang ibinubulong sa kanya ang gusto daw nitong sabihin sa kanya. Malakas ang tibok ng puso nya, nanlalamig ang mga palad nya. Hayyyyy Yellow, wala ka talaga. Relax ka lang at baka mahalata ka, nakakahiya! 

Pero mas lalo syang nagulat, at parang nalaglag yata ang puso nya sa ibinulong sa kanya ng kaibigan. 

Bigla bigla ibinaling nya ang mukha sa kaibigan, at sinabi

ANO?????

at tamang tama naman- swak na swak na dumampi ang nakaawang nyang labi sa nakangiting labi nito.

FIRST KISS!

FIRST KISS NGAYONG APRIL FOOL'S DAY!

AT KAY LEMON PA!

Hindi nya alam kung matutuwa o matutunaw sa kahihiyan.

Nagulat din si Lemon pero mabilis itong nakagawi.

Ang bilis mo naman Yellow! Yan ba ang pang-April Fools mo sa akin! Hindi ko alam na mag pagnanasa ka pala sa mga labi ko ha!

Natatawang sabi ni Lemon sa kaibigan, idinaan nya sa tawa at pang-aalaska ang biglaang pagkaba ng kanyang dibdib.

Napahawak si Yellow sa mga labi.

WAHHHHH sigaw ng utak ni Yellow. Hindi na virgin ang mga labi ko! Pero....in fairness, at least kay Lemon. 

April FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon