Fifth Chase

243 4 2
                                    

DL's Note: His Secret Agent Pretend Wife Book FOR THE WIN!

* * * * * * * *

Arkhin’s POV

“Okay Alpha 1st, hindi pa alam kung sino’ng unang magpe-present pero malamang pagkatapos ng mga officer start na.” sigaw ng platoon leader namin na si Bryan.

Fancy drill namin ngayon at isa ito sa mga araw na pinaka pinaghahandaan naming mga CAT. Ilang linggo o buwan din naming itong inensayo para maitanghal namin ng maayos. Mula formations, march, at ang mga stunts. Kailangang maayos.

“Uy Arkhin, okay ka lang ba?” tanong sakin ng isa sa mga kasama ko.

“O-Oo. Medyo nahihirapan lang huminga pero kaya naman!” alangan pero pilit kong pinasisigla ang tono ng boses ko.

Sa totoo lang, hindi ako pwedeng mapagod ng sobra dahil may asthma ako pero sana lang makisama ang katawan ko dahil ayokong magmukhang mahina sa harap nila... sa harap ni Kylie.

Napansin ko kasing kanina pa siya pasulyap-sulyap sa akin na para bang chine-check kung okay lang ako. Tatango lang ako at magta-thumbs up bilang sagot sa kanya.

Pero liban kay Kylie, may isang tao pa ang alam kong tinitingnan at inoobserbahan din ako. Nandoon siya sa may bleachers, nanonood kasama ang mga kaklase ko. Tuwing napapadako ang tingin ko sa gawi niya, nakikita ko ang pag aalala sa mga mata niya. Alam niya din kasi ang kalagayan ko. Paminsan minsan nakikia ko siyang bumubulong sa mga kaklase ko lalong lalo na kina Jean at Steph. Tapos sila naman yung mapapatingin sa gawi ko at kababakasan ng pag aalala sa mukha na parang nagsasabing, ‘Okay ka lang?’ tinatanguan ko lang din sila bilang sagot.

‘Di parin nawawala sa kanya ang pagiging maalalahanin sa iba... lalo na sa ‘kin.’ Napapangiti nalang ako sa naiisip ko.

“Let us now all witness each troops presentation!” announce nung emcee na nasa stage. Nagsimula na naman akong kabahan pati mga kasama ko.

“Alpha 1st, this is it!” kabado pero puno ng excitement na sigaw ng platoon leader namin.

“Pare, kaya pa?” nag aalalang usisa sa'kin ng isa sa mga kasama ko sa grupo. Ganoon na ba kahalata yung iniinda ko at maya’t maya nila akong tinatanong?

“Kakayanin!” sagot ko naman.

’Please lang ‘wag kang umatake ngayon!’ paki usap ko sa sakit ko.

Nagkaroon muna ng maigsing parade sa loob ng campus tapos balik covered court ulit kami. Shey! Naarawan pa o!

“Our first troop to present is...” saglit na nagpa-suspence yung emcee bago itinuloy ang pagtawag sa unang grupo. “Alpha 1st!” pagtutuloy niya.

“Bryan paki lakasan yung command ah!”

“Oy ayusin niyo formation ah!”

“Ano nga ulit yung gagawin sa...” at kung ano-ano pang salita mula sa mga kasama ko. Mga halatang kinakabahan at excited.

Ako? Pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nabilad na kami sa initan kanina tapos napagod pa sa pag iikot sa campus. Kapag hinayaan kong kainin ako ng kaba ko, hindi malayong atakihin ako ng asthma ko.

Lumakad kami patungo sa dulong bahagi ng court kung saan ang starting point.

Nang nag umpisa nang magbigay ng command si Bryan, kanya kanyang diskarte na kami para magkasabay sabay sa mga steps. May nagka-counting, may bahagyang nakayuko para makita kung nakakasabay ba sa iba, at meron ding kinain na talaga ng kaba at nakalimutan na ang mga steps.

Three Sides of a Triangle [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon