Enemy

305 11 0
                                    

[Part 4:]

Enemy.

Sa buhay natin, hindi natin maiiwasan ang mainggit, magselos at makaramdam ng galit sa ibang tao, lalong lalo na kung sobra kang nasaktan nito. Pero paano ba natin sila haharapin kung sa simula palang iba na ang naging tingin nila sayo. Magagawa mo pa kaya silang patawarin o mananatili nalang ang galit mo dahil sinaktan ka nila Physically and emotionally.

Naglalakad ako sa hallway nang mag-isa. Isang lingo na akong lutang sa mga nangyayare sa buhay ko. Unang una ang pagdating sa buhay ko ng first love ko na pilit kong kinakalimutan hanggang ngayon. Pangalawa ay ang muntik ko nang pag-amin sa Crush ko na gusto ko siya pero yun naman pala may Girlfriend na. pangatlo ay ang pilit na panliligaw saakin ng taong minahal ko noon at pangapat ang paghihiwalay ng Crush ko at ang Girlfriend niya. WAAAHHH! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tapos dumadagdag pa yung tanong ng mga kaibigan ko na “Sino ba ang mas matimbang si Crush ba o si First Love?”

*Blag*

“Aray ko po.” sabi ko habang hinimas himas ang noo ko na nabangga sa isang tao?.

“Sorry. Hindi ko sinasadya!” sabi nung lalaking pamilyar na pamilyar saakin. Unti unti kong tiningnan ang lalaking iyon at gayun na lamang ang paninigas ko nung masuri kong sino ito. Si Crush My loves…

“W-Wala yun!” utal utal na ani ko habang nakatitig sakanya.

“Teka. Natatandaan kita.” Sabi niya habang pilit na iniisip kong saan niya nga ba  ako nakita. “Ah alam ko na! Ikaw yung babae na humarang saakin nung mga nakaraang weeks.” Nakangiti niyang sambit saakin.

Hindi ko alam kung paano ba ko ba siya pakikisamahan kasi kinikilig ako na ewan. Kinikilig ako kasi nakangiti siya saakin at nanginginig naman ako kasi O LORD. Nasa harap ko ang lalaking pinagpapantasyahan ko.

“Ako nga yun. Hehe!” parang tangang ani ko. Wahhhh! Im so kinikilig talaga. Hehe!

Ngumiti siya ng malapad saakin at inilahad niya nalang bigla ang kamay niya. “Hi I’m Blake” pakilala niya saakin. Totoo ba to? Yung yung Crush ko nagpapakilala saakin. Pakisampal nga ako, baka nananaginip lang ako eh. Hehe!

“I-I-I-I’m Quem quem…”kinakabahan na sabi ko. O my God! YUNG CRUSH KO. NAGPAPAKILALA SAAKIN. Ibig bang sabihin nito ay magkaibigan na kami? O di kaya mag-ON na kami! Oh! Huwag masyadong exaggerated Quem Quem, nagpakilala lang ang tao sayo. Hehe! Pero kinikilig talaga ako To the highest level. Hehehe.

“Ang cute naman ng Name mo Quem-quem. Oh sige Quem I have to go na. maguumpisa na kasi yung klase ko” sabi niya habang nakangiti. Ngumiti nalang din ako at tumango. Next thing I know nawawala na siya sa paningin ko samantalang ako naman ay patuloy parin sa pagkaway habang nakangiti. Success na! Sa wakas napansin na din ako ng crush ko… KYAAHAHHHHHH!!!

***

Spell kinikilig? Ako yun! Wahhh. After nung nagpakilala saakin ni Crush, palagi na niya akong pinapansin. At to the highest level talaga ang saya ko nung mga araw na yun, kaso kung gaano naman ako kasaya ganun naman kalungkot ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ang problema nila pero parang kakaiba kasi sila eh. Madalang ko na din Makita si Deiter, hindi na siya katulad ng dati na bigla bigla nalang susulpot sa tabi ko at pasisiyahin ako pero ngayon ni anino niya hindi ko na Makita :(. Pero teka, bakit ba ako nalulungkot sa hindi pagpapakita saakin ni Deiter?.

Crush or First Love?? [Short Story]Where stories live. Discover now