April Fools

1.3K 7 1
                                    

Oy Lemon, bakit ka na naman nakasimangot ha? tanong ni Yellow sa kaibigan.

Wala naman, bakit ba? balik tanong ni Lemon sa kaibigan.

Ah okay. So ganyan lang talaga ang mukha mo, walang dahilan. Oo nga naman pinanganak ka kasing ganyan, biro ni Yellow.

Binatukan tuloy sya ni lemon.

Aray, to naman. Hindi ka na mabiro. Sus...kung hindi ko pa alam na-basted ka lang nong crush mo, kasi naman next time ipapaalam mo muna na syota mo sya bago mo ilagay sa slum book di ba... ani Yellow. 

Eto kasing si Lemon, mahilig mag-crush crush eh torpe naman. Tapos pag magsusulat sa slum book ng mga kaeskwela at barkada nila -eh nilalagay pangalan ng crush na syota daw nya. Eh nong nalaman nong taong crush nya- ayon break na sila agad hindi pa nga siya nakaka-porma. Natatawang alala ni Yellow sa nangyari dito sa kaibigan. 

Guwapo naman ito kaso torpe nga lang. Ewan ba nito, lagi na lang syang katabi ng kaibigan. Nang kaibigang palihim nya na palang minamahal.

Puro ka naman biro dyan. Alam mo namang gusto ko talaga si Ana di ba? sabi pa nito sa kanya.

OO naman ...kaya nga alam ko naman kung bakit ka ganyan. Eh puede mo pa naman syang hangaan- may facebook naman, instagram, twitter- dun humanga ka na lang ng palihim. Gaya ko... nadulas na sabi ni Yellow.

Napangiti naman si Lemon at nanunudyo ang tingin sa kanya.

Oy ikaw...sino ang crush mo...may lihim ka palang gusto ..hindi mo sinasabi sa akin ha? 

Ay....wala wala.....biro lang...pinapasayalang kita. Happy April Fools! tudyo ni Yellow.

Oo nga naman April Fools nga pala ngayon. Ikaw ha..naisahan mo na naman ako. Lika na nga. Punta tayo starbucks makapag-kape lang, yaya ni Lemon sa kanya.

Call! basta ba libre mo ha! sabi ni Yellow, whew muntik na sya. Buti na lang timing na April Fool's ngayon kundi lagot sya. Baka mabubuking na ang 5 years niyang nililihim sa kaibigan. Ang katotohanang palihim nyang pinagpapantasyahan ang 16 year old na kaibigan.

Hay kung bakit ba naman kasi, sa dinami dami nang lalake dito pa lumagpak ang puso nya sa torpe at manhid nyang kaibigan. 

Alam nya namang hindi sya nag-iisa sa ganitong situwasyon. Andyan yong movieng My Best Friend's Wedding... at kahit sa totoong buhay madaming magkakaibigan ang nadedevelop sa isa't isa. Ang iba successful, ang iba naman hindi. Sa huli na yata ang grupo nya. Yong hindi successful.

Napakagat labi si Yellow. 

Hay.....kupido. Sana naman panain mo na uli ang puso ko. Para naman umibig ako sa iba...hindi dito sa manhid na kaibigan ko! sa isip ni Yellow.

Maganda naman si Yellow. Yon nga lang, may pag-ka-nerd ang get up nya. Ayaw nya namang mag-ayos masyado kasi kontentado na sya ng ganito. Oo nga may braces sya at nakasalamin pa sya- total get up ng nerd, pero babae pa rin naman sya. Minsan nga, siguro naman magkakalakas sya ng loob mag-make-over sa sarili. Pero hindi pa sya handa. Baka pag college na sila puede. Eh ngayon last year na nila sa high school , kailangan nya munang gumradweyt. At least ngayon kontento na syang kaibigan siya ng kanyang lihim na superman- si Lemon.

Magkababata sina Lemon at Yellow. Lumaki sa isang subdivision. Magkaklase magmula elementary hanggang highschool. Lahat ng sekreto share lagi sila. Pero hindi ang sekreto ni Yellow, siempre kasi tungkol ito sa kaibigan.At hindi nya kakayanin pag nalaman nito. Siguradong pagtatawanan sya nito or worse, mawala ang kanilang pagkakaibigan.

Oo, tama na sa kanya na nasa tabi lang sya ni Lemon. Kahit na patuloy na nadudurog ang puso nya pag nakikitang nasasaktan ang kaibigan pag heartbroken ito, parang nabigo na rin sya. 


Hay Lemon, sana sabihin mo rin sa akin na mahal mo ako..kahit na ba biro lang. April Fools naman di ba? 
sabi ni Yellow sa likod ng kaibigan na naglalakad sa unahan nya.

Bigla naman itong lumingon, Bilisan mo nga maglakad, kahit kailan ang kupad mo talaga...i singhal nito sa kanya.

Nangunguso namang sumunod at naglakad si Yellow, para makasabay sa paglalakad nito.

April FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon