You and I Collide (6) - He likes me

104 0 0
                                    

I dedicate this chapter to my very beautiful friend (at umaasang magcocosplay siya minsan chos) Iza (nagiiza here on wattpad) :D  *sabog confetti* Excited na ako kasi gagawa daw siya ng story dito. And to celebrate ang pagbabalik niya dito sa wattpad, I dedicate this chapter to her. Labyoooo Iza :* 

The ever loving Mamu Regina :"> 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

<Nat’s POV>

“Paolo i-ikaw? A-..”

Di ko na naituloy ang mga sinabi ko. Nakakagulat kaya. Ano naman kasi ang ginagawa ni Paolo dito? Sa tingin ko naman di siya yung tipong pumupunta sa mga lugar na ganito. Mukha kasi siyang mayaman. Situated kasi ang lugar namin sa squatters area kaya madaming basag ulo, gulo, ingay at kung ano –ano pa ang  pwedeng makita sa isang magulong environment. Kaya naman bakit nandito ang isang ubod-ng-gwapong lalaking katulad ni Paolo sa lugar na ito? Di kaya dahil sa akin :O

Chos ang feeler ko naman siguro. Baka naman napadaan lang siya diba? -___-

“Hi Nat..” at ngumiti siya.

Taenang ngiting yan. Maglulupasay ako ng hindi oras. Syeet ang gwapo talaga niya :”””””>

“Paolo..Anong ginagawa mo dito?”

“Ummm---“

“SUGOD MGA SISTERS!!!!!!!!!!”

Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng malakas na boses. At nakita naming ang 3 taong paparating sa amin. Si Mamu,at ang mga friendship niyang si Tita Precy (aka Precilio) at si Tita Mandy (aka Armando). Mga kasama yan ni Mamu sa trabaho.

Matou-touch na sana ako kaso mas nauna ang feeling ng natatawa, eh pano naman kasi feeling powerpuff girls sila Mamu. Si Mamu naka red na may dalang blower, si Tita Precy naka blue na may dalang curling iron ata yan, at si Tita Mandy may dalang dalawang malalaking basyo ng baby powder.

“MGA SISTERS!! WINDANGIN NATIN YUNG CHUMAKA SA PAMANGKIN KO!!! GORAA!!” sigaw ni Mamu.

“Right Sister!!!” sabay na saad ni Tita Precy at Tita Mandy”.

Una akong nilapitan ni Mamu.

“Nat… Okay ka lang ba iha? Buti nalang nagchi-chismisan yung mga nasa parlor at na knowing ko ang happenings dito. Si Led? Si Yuri? Where na yung chumaka sa inyoo at ng makulot natin siya ng di oras.. Ang KAPAL NG FEZ NIYA PARA SAKTAN ANG MGA PAMANGKIN KO!!!!!” galit na ang expression ni Mamu.

“Mamu..” sabay na sambit nung kambal.

Niyakap sila ni Mamu ng mahigpit.

“Shh..tahan na bulilits. Keribels na ng Mamu niyo ‘to.. Tahan na..” habang pina-pat ang dalawang kambal.

“Sister!!! Finding Nemo na namin yung bakulaw!!! Gora na deni teh!!” Sigaw ni Tita Precy.

Kumalas si Mamu sa pagkakayakap sa kambal at pinuntahan yung bakulaw sa aming likuran.

Natatawa talaga ako kung paano nila pinagpatuloy yung laban ni Paolo. Kung si Paolo parang action star, sila Mamu naman parang naglalaro lang.

Ganito kasi ang ginawa nila. Si Tita Mandy na nasa may ulo ng bakulaw, ay tinadtad ng pulbo ang mukha. Nagmukha tuloy espasol si manong. Si Tita Precy naman pinalo-palo ng curling iron ang paa ni Manong. At si Mamu, pinalo-palo ang blower sa tiyan si Manong habang sabay silang sumisigaw..

“TAKE THIS BAKULAW!!!! POWER UP NA MGA MARE!! TODO FORCE NA!!!!”

Kung kanina, napatumba lang ni Paolo yung bakulaw,ngayon na K.O. nila Mamu and friends yung bakulaw. Pagkatapos ng show na iyon, kinuha na ng mga tanod yung bakulaw at ako, yung kambal at si Mamu ay inihatid ni Paolo sa mumunti naming tahanan.

You and I Collide (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon