Just Say Yes :) [AshRald One Shot Fanfic]

3.4K 44 8
                                    

I woke up with the alarm of my Blackberry phone. Ang haba ng tulog ko. Kaninang 3 P.M. ako nagsimulang nagpahinga. Hinanap ko ang phone ko sa bedside table ko. I saw the note that alarmed me.

Baby Girl's Sarah G. Live. :)

Natawa ako. Sya ang nag-save nito kahapon dahil nakalimutan kong nanood sa sobrang pagod sa pagbabasketball. At sa tasks nya talaga sinave yun. Hahaha. After reading it, kinonfirm ko at nakita ko ang wallpaper ko. She was so beautiful. Para syang nakatingin sa akin. She really makes me smile. :)

I immediately open the TV. Sumakto yon sa opening prod nya. Ang sexy ni Baby Girl! Hay. Ang cute nya mag-ala Nicki Mnaj. Mukha syang Barbie. She's really pretty. Mas lalong nakakainlove. ♥

After ng Sarah G. Live, I decided to visit her sa bahay nila. Aalis kasi ako bukas for a game. And my schedule will be very busy throughout the month. So bago ako pumunta sa bahay nila, I bought a boquet of pink flowers and vanilla cupcakes. Alam nyo na, bawal kay baby girl ang chocolates. Popstar princess ang love ko e.

While driving, I have my giant grin. Haaay. Alam ko kasing mapupuntahan ko na naman sya. When I got there, I saw Gab sitting infront of their gate, inaabangan ata yung sasakyan nila Sa. Nakita nya ako.

"Kuya Ge! What's up?"

"Pwede ko bang dalawin ang ate mo?"

"Wow. Consistent!"

"Syempre, aalis ako e."

"Sige, go!"

We laughed. Then pumasok na ako sa bahay nila. I sat at the sofa. Tinabihan ako ni Gab at binuksan nya ang TV. Naging tahimik kami, until humarap sya sa akin. Bigla akong kinabahan. Mukhang may itatanong sya.

"Kuya Ge, seryoso ka ba kay Ate Sars?"

Akala ko mahirap yung tanong nya. WOOH! "Syempre naman! Mahal na mahal ko sya. Tinatanong pa ba yan?," Then I smiled. From the heart yan! :)

Nagulat ako. Tumawa sya bigla. Hala. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Grabe kayong dalawa!," he said while laughing infront of my face. "Ang corny mo Kuya Ge! Ganyan ba talaga kapag inlove? Haay... Ashrald. Tsk Tsk."

Teka, sabi nya, " Ganyan ba talaga kapag inlove? Haay... Ashrald." ? Woooooow. Inlove? So, inlove na rin si Baby Girl? Sana sa akin! :'> Kinikilig na naman ako.

"A! Pero, joke lang yun!" Tapos tumawa sya ng pabiro. "Hindi ka talaga mabiro..." Kinabahan sya. Nakita nya siguro yung kinikilig kong mukha. WAAAAAAAA.

Bumusina na ang sasakyan nila Sasa. Gab went out to open the gate for them. Napangiti ako. Nakakaexcite kasi makita si Sarah. Lalo now na alam kong tuwang-tuwa sya dahil sa show nya kanina.

As Gab left the door open, I stared at it, waiting for her to enter. Hawak ko yung cupcakes at yung boquet ng flowers. Para akong mime na naghihintay na mahulugan ng piso para gumalaw. Well, I breathe hardly, until I saw Tita Divine entered the front door, bringing her Nicki Mnaj costume at yung mga gown at dress nya kanina.

I smiled at her. "Good evening po, tita."

She turned her head on me. "Good evening din, Ge. Anong meron?" She smiled.

"Bibisitahin ko lang po sya. Aalis na naman po kasi ako bukas e."

"Ganun ba? O sige. Nandyan na sya."

I nodded. Gusto ko sanang tanungin kung bat ang tagal nya pumasok. Sa bagay, ngayon ko lang naman sya naabangan sa bahay nila after ng show nya. Kasi ang usual na ginagawa ko, hinahatid ko lang sya o kaya binabantayan ko yung pag-uwi nya. :)

Just Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon