IHmyName - 20 ( Jake and Paulo's Fault )

1.4K 22 6
                                    

ILY POV: 

"TOFIEEEE?!!!!!!! " 

Kaya ba siya bumalik ng Pilipinas dahil dito? Dahil ikakasal siya sa akin? Bakit naman po ganun.. Naging mabait naman ako ito ba ang parusa ko sa lahat ng mga bagay na hindi maganda na ginawa ko sa buhay ko?

BAKIT?

" Sorry Anak pero kelangan natin gawin 'to. " sabi ni Mama.

" Bakit po Mama? " mangiyak-ngiyak kung sabi.

" Sorry Ily " sabi ni Ian.

" ALAM MO NA MANGYAYARE TO LAHAT?! " sigaw ko kay Ian.

"  Kanina ko lang din nalaman. " sabi niya.

" Pa please wag niyo naman po gawin ito sa akin. Naging mabait naman po akong anak sa inyo ehh " iyak pa rin ako ng iyak.

" Sorry anak. " sabi ni Papa.

" SORRRY?!  ANONG MAGAGWA NG SORRY NIYO! " sigaw ko.

' ILY! " sigaw ni mama.

" Ikaw Tofie?! Bumalik ka ba dito para lang sa langyang KASALAN NA TO? " tanong ko sa kanya. 

" Napilitan lang ako " sabi niya.

" Tofiee please.. Pakiusapan mo sila tita na wag niyo naituloy to. " ewan ko ba bigla na lang ako nagmamakaawa sa kanya. 

" Sorry MayMay... Pinilit lang nila din ako " 

Napatahimik ako. Bakit parang hindi ako pinaglalaban ni Paulo?

" Paulo wala ka bang gagawin? " tanong ko.

" S-Sorry Ily. Wala rin akong magagawa. "  parang pinatay ako ng paunti unti sa sinabi niya.

" S-So Ganun ganun lang yun? " 

Hindi siya umimik. Tiningnan ko sila pero umiwas sila sa akin.

" PAGKATAPOS KITANG MAHALIN HINDI MO AKO IPAGLALABAN? MAHAL NA MAHAL KITA PAULO! TAPOS ANO?! HINDI MO AKO IPAGLALABAN? TAMA NGA SILA PARE-PAREHAS KAYONG MGA LALAKI MANLOLOKO! " sigaw ko sa kanya.

" Ily anak.. " sabi ni Mma

Tapos biglang may pumapalakpak?! 

SINO NAMAN YUN?! MAY GANA PANG PUMALAKPAK!

Pagtingin ko sa pintuan may dalawang mag-asawa na nakatingin sa akin.

ANO TO?! TELESERYE?

" Tama nga ang pagpili sayo ng anak ko! " sigaw nung babae.

ANAK? Excuse me. Hindi ito yung mother ni Tofie eh.

" P-Pardon? " sabi ko.

" Ang sabi ko tama lang ang pagpili sa'yo ni Paulo ang aking anak. " sabi niya.

HUH?! Naguguluhan ako. Ano? Hindi ko maintindihan.

ANONG NANGYAYARE NGAYON?!

Sino siya? Sino Sila?

" Hindi ko m-maintindihan " sabi ko.

" Duh! We are the parents of Paulo " sabi niya.

" A-Anong pong ginagawa niyo? and... AHHH! ANO BANG NANGYAYARE?! " sigaw ko.

Sumasakit ulo ko sa kakaisip.

Biglang pumasok sila Nicole, Chelsea at Jake. Pumapalakpak?!

" PWEDE BA TIGILAN NIYO YAN! ANONG MERON!?" sigaw ko. Inis na ako. Kung kanina umiiyak ako ngayon naiinis na ako.

I Hate my Name! ( Completed )Where stories live. Discover now