Ang Prinsesang may Tete :P ... Charot! XD

480 10 35
                                    

Author's note ko na iba ang version dahil ayaw kong ipaalam kung sino ako: Hello sa mga readers ko d'yan sa mansion ko and hello rin sa hindi ko readers. Itong story na ito ay para sa aking... should I say friend? Sige na nga friend na lang. Ito ay para sa kaibigan kong lalaki na palagi kong sinusuntok! XD Mabait siya kahit amoy siyang suka pag pinagpapawisan. Ngayong bakasyon narealize ko na sobrang bait pala niya sa isang tulad kong sobrang gago :> Bad kasi ako, palagi ko siyang sinusuntok and binubugbog ko pa siya pero di niya ako ginagantihan kahit ganon. Matatawag mo siyang gentleman kahit may dede siya. Taba-taba kase :P

..........

Blow's POV

Hello sa lahat. Ako si Victor, yes that's my real name pero ibang tao na ako ngayon. My name now is Victoria Josephine Fuentebella. Ako ay isang dating lalaki. Lalaki pa rin naman 'til now but iba na. Babae na ang anyo ko ngayon, isang babaeng maganda. Nag-iba na ang lahat sa akin maliban sa tete ko dahil kay fairy Zachiarie... ang dyosang sirenang lupa. Kakaibang nilalang noh? One time kasi umiiyak ako. Nalaman ko kasi na may iba na palang mahal ang bestfriend kong guy. Yup bestfriends kami and he is so kind kaya na-fall ako sa kanya. His name is Rolando Kenny Corpuz. Ken ang tawag ko sa kanya. Pilay siya kaya madalas ko siyang kasama noong mga time na mag-isa lang ako. I fell inlove with him secretly. Pero may iba na siyang mahal... ang malanding epokritang sosyalerang si Sarahnji Jessie Jiminish. Baket ba siya nagkagusto doon eh hindi naman siya pinapansin non? Tsk ang hirap talaga kapag tanga ang isang tao sa pag-ibig.

Balik tayo sa dyosang sirenang lupa na si Zachiarie. Nung umiiyak ako dahil nalaman kong may iba na palang mahal si Ken bigla nagpakita si Zachiarie and tinanong niya kung bakit akong umiiyak. Binato ko siya ng sapatos nung time na yon then sinabi ko pa "Tse! Tsimosa!" ... Tapos nagalit siya sa akin "Itong lalaking may suso na 'to! Landi-lande! Paramihin ko suso mo d'yan eh! Gawin kong 14 para lalo kang maging baboy. Taba-taba mo na nga taray mo pa!" 

Nung mga time na yon di ko pa alam na fairy siya. Nag-anyong tao kasi siya and napakaganda niya kaya naiinis ako sa kanya dahil nakaka-insecure. "Eh bakit ba kasi nagtatanong ka pa?! Kita mo na ngang umiiyak ako dito eh!" sabi ko then na napahagulgol ako na may pasigok-sigok pa.

"Malamang umiiyak ka nga boba! Kaya ko nga tinatanong kung bakit di ba?"

Di ko siya sinagot. Then nagsalita pa ulit siya... Daldal ng pucha. Sungangain ko na lang kaya. Leche eh >.>

"Alam mo boobsie naaawa ako sayo," sabi niya sa akin. Aba at boobsie pa talagang itinawag sa akin ng echoserang tsismosa?! Sabagay, lalaki pa naman ako noon and mataba ako kaya ako may dede. Yoon ang dahilan kung bakit ako tinutukso ng mga tao noon, dahil sa aking katabaan at dede. "Tutulungan kita."

"Tse! Tutulungan mo ang isang tulad ko?! Alam mo ba problema ko?! Lumayo ka! Di ko kailangan ang isang tulad mo!" malandi kong sabi. Yes sobrang landi ko nung time na yon. Very emotional lang kaya sobrang drama ko :>

"Manahimik ka baboy! Tutulungan kita..." then nagpalit siya ng anyo. Naging isa siyang dyosang sirena... dyosang sirenang lupa... bakit? Gago ba eh wala namang dagat doon sa place na iniiyakan ko. Duh nasa sementeryo kaya ako noon. Tapos doon siya malanding-malanding umeechos sa lupa. Feeling mermaid... sa lupa? "Dahil birthday ko ngayon bibigyan kita ng isang wish. Gusto mo bang maging isang magandang babae?"

Ako naman ay shock. Biglang nagtransform eh. Di ba ganon sa movies nasashock pag may lumilitaw na fairy or something kalurky? Ginaya ko na lang.

"Hoy baklang baboy! Tinatanong kita!" sigaw sa akin ng magandang si Zachiarie. 

"Sorry ah! Nagmomoment pa ako eh! Oo gusto kong maging babae! Kaya mo ba akong gawing babae?"

"Well kaya ko ngang paramihin dede mo eh, yan pa kayang pagtatransform sayo bilang babae. Chicken lang yan." nakangiting sabi niya.

"Wow galing mo namang sirena, marunong ka non? Weh di nga?! Hahaha."

"Gaga ka fairy ako!"

"Okay whatever! Gawin mo na akong girl fairy na sirenang lupa!"

"Wait lang kase demanding teh?!"

"Sige na kase kung kaya mo bilisan mo na! Malungkot ako ngayon kaya ayoko na ng maraming arte! Lakihan mo dede ko ah."

"Laki na nga ng dede mo ngayong lalaki ka hanggang sa pagiging babae gusto mo pa rin non di ka pa ba nagsasawa? Landing baboy mo naman, sige na gagawin na kitang babae, get ready." Sinimulan na niya ang pagbanggit ng magic words. "Tukmol bebang sarabusab lubak ebak sandok palay lumot kumot sinigang bataw patani!" sigaw ni fairy sirena. Magic words pala yon?... Biglang nagdilim ang langit at bumuhos ang malalaking patak ng ulan sabay ang mga kulog at kidlat na nakakabingi. Nilamig ako sa malakas na hangin at sa mga patak na rin ng mga ulan na tumtama sa akin. Tinangay ako ng isang malakas na ipo-ipo! Then nawalan ako ng malay.

 Nagising ako at ang unang bumungad sa mga mata ko ay dalawang payat na hita. Hita na pambabae. Bigla akong napatayo and kinapa ko agad ang katawan ko. May boobs ako (dati naman na), mahaba ang hair, maputi pa ang balat ko. Kinapa ko pa ang ibang parte ng mga katawan ko then doon ko narealize... GIRL NA AKO!!!

Hinanap ko yung sirenang lupa pero wala na siya. May sulat lang na naiwan.

Sabi sa sulat:

"Hi baboy! Nakalimutan ko nga palang magpakilala sayo ako si Zachiarie. Dyosa fairy ng Kang Kong, kapatid ng Hong Kong yon. Dahil isa ka ng babae maraming magbabago sayo. Tsk dami mong magiging problema! Di ka na makikilala ng pamilya mo! Sayang di ko agad nasabi yon. Tapos wala ka ring pwedeng pagsabihan ng dating pagkatao mo kasi mamamatay ka! Basta babae ka na pero di pa completely. Yang tete mo kase di kinaya ng powers kong baguhin! Basta find your true love! Kapag may nagmahal sayo ng tunay magiging kumpleto ka ng babae!"

Yaan ang nangyari noon. Mahirap sa umpisa kasi walang nakakakilala sa akin and I can't even go to my family because they don't know me. Nagpalaboy-laboy ako sa kalye na parang isang baboy. Hanggang sa may mga kumuha sa aking mga lalaki. Dinala nila ako sa matandang lalaking nagngangalang Don Bernardo Fuentebella. Ang matandang mayaman na negosyante sa bayan namin. Pinagkamalan niya na ako ang kanyang namatay na apo na si Leah Mariz Fuentebella. Medyo kahawig ko kasi, pero wala akong nunal sa ilalim ng mata tulad ng apo niya. Patay na ang apo niya dahil sa isang car accident kasama ang mga magulang nito noon and dahil mahal na mahal siya ng lolo niya pinagpipilitan pa rin nitong ako ang apo niya. Inampon niya ako. Kaya now I have my new identity, ako na si Victoria Josephine Fuentebella. Nagtatanong kayo kung bakit iba name ko sa apo niya? Haler patay na kaya yung apo niya alangan naman na kapangalan ko pa duh!

Well suportahan niyo na lang ang aking adventures para mahanap ang aking true love. Mahahanap ko ang true love ko! ... sana

..........

Author's note ko na iba ang version dahil ayaw kong ipaalam kung sino ako: Oh ayan para may story naman ako dito! Gawan niyong cover! XD

Ang Prinsesang may Tete :P ... Charot! XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon