Chapter Twenty Eight

6.9K 117 4
                                    

 Chapter Twenty-Eight.


Josh’s Part


Ang sarap talaga nang feeling na sinagot ka na ng taong mahal mo. Diba? Para bang daig mo pa ang pinaka-masayang tao sa buong daigdig. Lalo na sa tuwing nakakasama mo siya, tumatalon na ang puso mo sa saya! Sana nga lagi na lang kami ganito… walang sagabal, walang aangal at higit sa lahat palaging nag-mamahalan.

“Ano nanaman bang problema mo, ha Josh? Kanina ka pa nakatitig diyan”

“Ah ako? Wala naman. Masama bang tingnan ka? I’m just enjoying our time together”

“Alam mo bang halos 24 hours na tayong magkasama? Grabe ka talaga!”

Pero paminsan talaga na-weweirduhan ako kay Ella. Minsan ayaw niya akong kasama. Minsan naman gusto niya akong kasama. Weird. Parang ngayon, ayaw niyang tinitingnan ko siya. Baka naman siya ang may problema sa aming dalawa? I’m just straring at her because that’s the time I feel at peace. Lalo na pag ngumingiti siya.

“Uy joke lang. Wag ka magagalit!”

“Hindi ako galit. Basta ba wag ka din magagalit sa akin” Tinawanan lang niya ako nun.

“Ang hilig mo talaga ibato sa akin yung mga sinasabi ko noh? And… I like it”

Ay, siguro nag-tataka kayo kung anoman ang binigay ko sa kanya nung pumunta kami ng subic. Actually simple lang yun. Picture na may background na heart. At ano naman yung picture? Ang aming official first kiss. Nung sinagot niya ako? That’s it. Chloe took a picture for me. Nandoon lang pala sila all the time at narinig daw nila lahat ng pinag-sasabi ko. Naiyak pa nga daw sila eh. My message is so touching but at the same time sobrang mahaba ang message ko sa kanya. I just said what’s on my mind. Aamin ako tapos ang message ko sobrang ikli lang? I wanted to tell her everything. Pero siyempre todo-iyak na siya kaya ang ginawa ko sinummarize ko na lang. But at least she felt special which is true. SHE IS SPECIAL, IN A GOOD WAY.

“Teka, mag-isa ka lang talaga dito sa kwarto mo?”

“Oo naman. Ano ako duwag?”

“Oo kaya duwag ka!” Siguro naman may idea na kayo kung nasaan man kami ngayon. Asa bahay namin si Ella. Gusto daw siya kausapin ni Ate Hannah.

“ATE HANNAH!”

“ELLA!” Nagyakapan sila sa harap ko. Para lang silang magkapatid. Sabagay, ang tagal na nung huli sila nagkita.

“Josh, hiramin ko muna si Ella ah” – Ate Hannah

“No way”

“WAY. It’s a girl talk. Ano gusto mo sumama ka? Don’t tell me you want to be accused as a gay” – Ate Hannah

“Pero—“

“Tsaka she’s here because I asked you to. Kaya ako ang may kasalanan, not you. Para ka lang driver noh. Kaya tigil-tigilan mo ako” Tumango na lang ako at ayoko nang masermonan pa ng magaling kong kapatid. Isa pa, panigurado wala naman silang gagawin kundi pag-tripan ako. Pangalawa, aabutin sila ng isang araw bago pa matapos sa kakausap. Mga babae talaga.

Never Mess Up With A Gangster (w/ Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon