Chapter 16.

13.4K 281 14
                                    

DEIRDRE'S POV

Ilang weeks, oo tama, weeks nang hindi nagpaparamdam si Myungsoo. Babalik na kami sa makalawa sa Pilipinas. Nagtataka nga ako kasi bigla na lang siyang hindi nagparamdam. Hindi man lang siya nagpaalam or something. Syempre hindi naman sa nageexpect ako, pero kasi si Shae, diba. (A/n: Weh DL? Weh? Si Shae nga lang ba talaga?) Tumahimik ka Ms. Author! /sigh

Lagi na rin akong kinukulit ni Shae na puntahan si Myungsoo, di ko lang magawa kasi ewan. May feeling akong hindi maganda. Pero ngayon, eto at nakagayak na kami ni Shae, pupunta kami sa dorm nila. Ang kulit na rin kasi ni Shae, namimiss na nami-- nya si Myungsoo.

So ayun, pahirapan pa ako sa pag-alam kung saang lupalop yung dorm nila, di naman kasi nakwento sakin ni Myungsoo kung saan, tapos wala akong contact sa mga kagrupo niya. 

"Mommy, come on. Make it fast! I want to see Daddy already!" Hinila niya ako papalabas.

"Alright baby, wait wait I have to lock the door." Tumakbo na siya sa may hallway tapos syempre nilock ko yung pinto at sinundan siya.

We were on our way out of the hotel nang may tumawag sakin. "Deir!"

Sino pa ang ibang tumatawag sakin nun? Si Kris lang naman, so yeah. I must admit, he looks very hot. Sa height niya, sa makakapal na eyebrows, pouty lips, pointed nose, what more? Medyo napatulala ako kaya parang winagayway niya na mga kamay niya sa harap ko.

"Hello earth to Deir!" Natauhan naman ako. -.-

"Tito Tof!" Sabay lapit ni Shae sa kanya. Tapos binuhat siya ni Kris, at kiniss siya ni Shae. Yep, Tof tawag niya kay Kris. Well, si Kris nagpakilala ng Tof na nickname sa kanya. Si Shae lang daw pwede tumawag sa kanya nun. Unfair, ako Kris lang..so common pati mga babae niya Kris din tawag sa kanya. Wait, am I jealous? Yes, I guess I am. -.-

"You missed me Drae?"

"No, I miss Daddy" Sabay pout ni Shae at nagsalubong naman kilay ni Kris.

"He's busy baby, may work siya."

"But he doesn't call."

"He will baby, just wait. Anyways, Deir san ba punta niyo?"

"Uhh, somewhe--" "To dad's dorm Tito!"

"W-what?" Yep, hindi pa alam ni Kris na nagkita na kami ng tunay na tatay ni Shae. Well, haven't told him since.. I don't know. Di ko lang makwento. Sa pagsagot sagot niya kay Shae sa mga rants niya about sa Dad niya akala ni Kris normal lang yun kasi mula nung magkaisip si Shae halos lagi niya nang hinahanap Daddy niya.

"We met already. He's a kpop idol Kris. Kaso.. biglang hindi siya nagparamdam since last last week? Ewan, basta medyo matagal na rin. Kaya eto, puntahan namin. Namimilit kasi si Shae" Napansin kong naging worried yung itsura niya. 

"S-samahan ko kayo?" It was the first time I heard him stutter. "Ehe-ehem. Samahan ko kayo, pero kain muna tayo, hindi pa kasi ako kumakain."

"Sige, kakain muna rin pala kami. Hindi pala nakakain ng maayos si Shae"

"Where you do you wanna eat Drae?" Tanong ni Kris kay Shae.

"Anywhere Tito. I really want to see Dad already, let's eat fast okay?"

Napabuntong hininga na lang ako, habang si Kris tumango na lang at nagsmile kay Shae. At ayun nga, pumunta kami sa nearest resto para kumain, si Kris na lang umorder para samin. Sinusubuan niya si Drae na lagi niyang ginagawa. Well, halos siya na talaga tumayong tatay ni Shae. Kaso syempre, ayoko namang matatak sa isip niya na si Kris talaga ang tatay niya na hndi naman, kaya sinabi ko sa kanya na bestfriend ko lang si Kris at hindi niya Daddy si Kris. Ayoko kasing paglaki niya at malaman niyang hindi niya tatay si Kris e magalit siya sakin.

Minsan nga, naisip ko sana si Kris na lang yung tatay. Sana.. edi sana hindi komplikado. Pero hindi naman ako magiging masaya. Kasi mapipilitan lang si Kris sa akin, napipilitan na nga lang siyang maging fiance ko e, paano pa kaya kung nabuntis niya pa ko? Atleast kung ipinagkasundo lang kami, pwedeng pwedeng ibalewala yun. Eh kung siya yung tatay ni Shae? Hindi, hindi niya ako mahal. Ayoko pumasok sa relasyong walang patutunguhan. Oo nga't mahal ko si Kris, kaso iba pa rin kung mahal niya ako, ayokong matali siya sakin. Paano kung kasal na kami tapos biglang makahanap siya ng babaeng mamahalin niya? Edi wasak ako non? Tapos siya, hindi rin siya magiging masaya.

"Deir, dalian mo na dyan, natutulala ka na naman. Kumain ka, nangangayayat ka na o"

Napatingin ako sa kinakain ko.. Wala pang bawas. 

"Magusap tayo mamaya. Tayong dalawa lang." Napatango na lang ako, wala naman na kong dapat sabihin, ngayon.

End of POV

MYUNGSOO's POV

Napagdesisyunan kong puntahan sila Deirdre, oo Deirdre. Hindi na Lei, ayoko nang tawagin siyang Lei. Matapos kong malamang hindi ko nga anak si Shae, hindi ako nagpakita sa kanila. Hindi rin ako nagparamdam kahit text man lang. Nainis ako, nagagalit ako. Bakit kailangan niya pang sabihing ako yung tatay? Attention seeker? Sasaeng din talaga ata yun e. Gusto kong magalit sa kanya, hindi ko lang magawa. Oo nagagalit ako, pero hindi sa kanya, sa ginawa niya. 

Matatanggap ko pa sana kung wala siyang fiance at walang tatay ang anak niya. Matatanggap ko. Kasi nga mahal ko siya, pero bakit kailangan niya pang magsinungaling? Bakit kailangan niya pang sabihin na akin yung bata? Tapos, ikakasal pa siya! Paguwi ko nun sa dorm, nagwala ako. Oo, seryoso nagwala ako. Halos masira lahat ng gamit namin sa kwarto namin nila Gyeol. 

Tinatanong nila ako kung anong problema, pero wala akong sinagot sa kanila. Mukhang alam na ata nila, baka sinabi ni Manager or baka nabasa nila yung resulta. Ewan. Basta pagkatapos nun hindi na nila nabanggit sakin ang tungkol sa resulta at ang pangalan ni Deirdre at Shae.

At eto na nga, malapit na ko sa entrance ng hotel nang mahagip ng mata ko ang isang scene na nakapagpahinto sa mundo ko. Magkakasama si Deirdre, Shae at yung Kris.

Binuhat ni Kris si Shae at hinalikan siya nung bata. Bakit? Nung una, akala ko ako talaga yung tatay kasi may hawig kami. Pero mas hawig pala niya si Kris. Si Kris nga talaga yung tatay. Si Deirdre, tuwang tuwa pa. Para talaga silang isang masayang pamilya, scratch that.. Isa talaga silang masayang pamilya, by the expressions on their faces and kung paano sila magharutan. No wonder, hindi nila ako napansin. Masyadong pre-occupied si Deirdre kela Kris. Or must I say kay Kris.

Unti-unti, parang dinudurog ang puso ko. Unti-unti parang nanghihina ako, parang matutumba ako. Nagjelly bigla ang mga binti ko. It's a miracle na hindi ako natumba doon, at nakaabot pa ko hanggang sa kotse. Mahal na mahal ko na nga siya. Cliche, corny, pero yun talaga.

Putahamnida, mahal na mahal ko siya, at ang sakit na. Handang handa na sana akong isuko ang pagiging L ng Infinite para sa kanila. Handang handa na sana akong maging Myungsoo na Daddy ni Shae at Myungsoo na magiging asawa ni Lei.. Lei, are you worth it? Are you worthy of my tears and my heart? I want to stop. Help me stop. 

---

Napaupdate ako ng wala sa oras, nagtext si insan kasi daw ang tagal ko magupdate. O eto na, dedicate ko sayo, nahihiya kasi ako. Ang tagal tagal ko magupdate. Hahahaha. Joke :* 

Pasensya, halos puro kadramahan POV ni Myung. <3 Di kasi bagay sa kanya yung jolly. HAHA Dejk. Ganyan talaga, hayanyo babawi siya sa susunod na mga chap. 

Sana magustuhan niyo. Thanks sa mga sumusuporta sa story na to. Votes and comments ha <3 God bless.

Mommy, where's my Daddy?Where stories live. Discover now