COMFORT ROOM [YSS] PART 2

59 11 4
                                    

title: COMFORT ROOM YSS

author: TAIMUKIPA

description: continuation [ comfort room part II ]

"His mine!!" paulit ulit na sabi ng babaeng papalapit sa kanya. Hindi niya mamukhaan dahil nakatakip ang mahabang buhok neto sa mukha.

"P-please.. ma-maawa ka sa-sakin! parang awa m-muna!" nakahandusay na siya sa sahig.

"tapos ano?! tatawag ka ng pulis?! ganun?!" at hinablot nito ang buhok niya..

Iyak siya ng iyak at sigaw ng sigaw.

"Walang kwenta yang sigaw mo! alam mo ba?! huh?!" marahas na inilapit nito ang mukha niya dun sa babae.

Nanlilisik ang mga mata na para bang gusto na siyang patayin.

"dahil walang tao dito!" at matinis na tumawa ito na parang baliw.

Hinila siya gamit ang buhok niya na parang isang bagay lamang. Hindi na ako nakalaban dahil sa sakit ng katawan ko..

Namamanhid na rin ang mga paa niya at wala na siyang lakas para lumaban. Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak at magmakaawa.

"Tulong! t-tulongan niyo ak-ko!! parang awa ni-niyo na!! tu-tulongan niyo akoo.."

Binuksan nito ang isang pinto at marahas na ipinasok siya dun pero hawak hawak pa rin nito ang buhok niya..

Nasa loob na pala sila sa CR.

"Alam mo?" at binitiwan nito ang buhok niya.

Dumampi ang pisnge niya sa malamig na tiles ng CR. Humarap ang babae sa harap ng salamin at inayos ang buhok at naghugas ng kamay.

"Madali lang naman akong kausap eh.. sana nakinig ka nalang nung una kitang binalaan na iwasan mo na si Joshua diba? pero ano ang ginawa mo?? hindi ka nakinig!" lumuhod ito sa harapan niya at hinawakan ang baba upang iangat ang ulo niya.

"lapit ka ng lapit sa kanya! kung hindi kita mapapaalis sa santong dasalan ay mas mainam na gawin ko nalang sa santong paspasan!!" at itinulak nito ang ulo niya at malakas na nauntog sa nakatiles na dingding.

Bumagsak ang ulo niya sa sahig at napapikit sa sakit.

Panginoon tulongan niyo po ako!

tahimik nitong dasal. Pagmulat niya ay may nakita siyang isang ballpen na nasa ilalim ng labatory. Sinikap niyang makalapit para kunin iyon..

Hindi siya napansin ng babae dahil abala ito sa pagtanggal ng mantsa ng dugo sa kamay nito at maging sa mga braso na rin..

Nang maabot na niya ang ballpen ay napansin naman siya ng babae at sinapa siya sa may tiyan.

Napasigaw siya sa sakit..

"Ano?! tatakasan mo ako?!" at tumawa ito ng nakakaloko. "like if you can!" at sinapa ulit siya pero hindi na sa tiyan kundi sa mukha.

Iyon na ang hudyat para isaksak niya ang ballpen sa paa ng babae.

"AHHH! bitch!" napaiyak ito sa sakit at napaupo sa sahig.

Sinaksak niya ulit ito sa binti at sa may hita nito. Napapalhaw ang babae sa sakit at bumagsak sa sahig sapo sapo ang duguang hita.

Ito na ang pagkakataon niyang makatakas. Sinikap niyang makatayo kahit sabi ng katawan niya ay hindi na nito kaya. Pa gewang gewang siyang nakalapit sa pinto pero naglaho ang pag asa niya nang may humablit sa buhok niya at marahas na hinila papalayo ng pinto.

oh God no!

Sumampa siya sa sahig. Nilapitan siya ng babae at walang humpay na binugbog sa pamamagitan ng pagsipa sa kahit saang parte ng katawan.

Yamamoto's Short StoriesWhere stories live. Discover now