Chapter 50

317K 15K 8.5K
                                    

AN/ Maraming salamat sa mga nakaabot sa digmaan. Lol. Paalala lang po na ang lahat ng nakasulat dito ay hindi nakabase sa kahit anong nabasa o napanuod niyong kwentong bampira o lobo. I have my own vampire world, laws, legend and beliefs. PLEASE DON'T COMPARE. Thank you. Happy reading!  


Chapter 50


What is the loneliest day of my life? It might be today, watching my whole world fall apart and all I can do is just to stare blankly.

Wala akong tigil sa paghagulhol habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Ilang katawan pa ang babagsak para sa akin? Gaano pa karaming dugo ang aagos? Ilang buhay pa ang magsasakripisyo? Ilang pamamaalam pa ang aking maririnig?

Ang sakit na ng dibdib ko, ang sakit sakit sakit na. Pinilit kong lumaban, pinilit kong magpakatatag pero bakit laging nauuwi sa kamatayan? Bakit kailangang laging may mawala? Bakit kailangang may nagbubuwis ng buhay?

Dalawang prinsipe ang nakalugmok na walang buhay sa akin. Naghahalo na ang dugo sa aking katawan, ang sarili kong dugo at maging ang dugo ng dalawang prinsipeng pinili ang kamatayan para lamang sa akin. Gusto ko silang hawakan, gusto ko silang yakapin, gusto kong ibulong sa kanila ang pasasalamat at walang katapusang paghingi ng tawad.


"Why? Why? Bakit?!" sigaw ko. Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko, hinang hina na ako.


Walang makalapit sa akin, maging ang mga kapatid ko dahil lahat sila ay abala para maprotektahan hindi lamang ako kundi ang buong Parsua na nanganganib nang lusubin ng apat na imperyong pinili nilang labanan para lamang mailigtas ako at pagmamahalan namin ni Adam. Tama ba ang naging desisyon nila? Tama ba na isakripisyo ang buong Parsua para lamang sa aming dalawa?

Magkakaroon ba ng ganitong digmaan kung sakaling hindi ako nagmakaawa sa kapatid kong gusto ko pang mabuhay? Makakarinig ba ako ng mga katapusang patayan kung tinanggap ko na lang kung ano ang dapat kong sapitin? Sa halip na buhay ko lang ang mawala naging kapalit nito ay daang buhay ng mga inosenteng bampira.

Sa kabila nang walang tigil kong paghagulhol ay ang hindi matapos na ingay ng karahasan at kamatayan. Paglapat ng mga espada, pagyanig ng lupa, mararahas na unggol ng mga kabayo, pagputok ng mga kanyon, ungol ng naglalakihang ibon, mga nagliliparang mga pana, kulog at kidlat at taghoy ng bawat nilalang pagkatapos marahas hugutin ang espada sa kanilang mga katawan.

Muli akong nakaramdam ng matinding pag iinit ng aking dibdib hanggang sa magbuga na naman ako ng aking sariling dugo. Naagapan ng dugo ni Rosh ang lason kanina pero muli akong nasaksak ng panibagong punyal na may lason na siyang unti unting pumapatay sa aking katawan. Nahihirapan nang manatiling nakamulat ang aking mga mata.


"Lily!" pakinig ko ang boses ng isa sa mga kapatid ko. Nang pilit kong hinanap ang pinanggalingan nito ay nakita ko si Finn. Kasalukuyan na siyang nakikipaglaban sa tatlong malalakas ng bampira.


"Lumaban ka Lily, huwag na huwag mong ipipikit ang mga mata mo. Utang na loob, huwag Lily. Huwag, tandaan mo nandito pa kami. Nandito pa kaming mga kapatid mo." Malakas na sigaw nito na halos pumiga sa puso. Anong ibig niyang sabihin?

Gustong gusto ko pang lumaban pero bumibigay na ang katawan ko, hindi na lumalaban ang puso ko at ang maging ang lalaking tanging pinagkukunan ko ng lakas ay hindi ko na magawang maramdaman pa ang presensiya.


"Lily, huwag mo kaming iiwan. Tama na ang isang beses Lily, tama na. Lily, makinig ka sa amin." Sumigaw din si Caleb mula sa malayo. Maging si Casper at Harper ay nakikita ko nang lumalaban.

His Howling Voice (Gazellian Series #1)Where stories live. Discover now