Her POV

14.7K 360 91
                                    

>>>♥<<<

I'M YOURS (A T-SHIRT LOVE STORY)

written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta

Copyright ©

All Rights Reserved 2012

>>>♥<<<

Her POV

Hi. I'm Shane Aquino. 20 years old. Never been kissed, never been touched. A 4th year Mass Communication student.

Oh well... It's February 13 today and it's clear na Independence Day bukas, este Valentine's Day pala. Haha.

Kanya-kanya ng trip ang bawat class sa school namin. Yung block namin, napag-usapan na kelangan lahat kami magsusuot ng statement shirt bukas. Any statement shirt about sa love.

Actually, may nakita na ako sa Penshoppe na isusuot bukas. Simple lang siyang white T-shirt na may nakasulat sa harapan na 'I'm Yours'. Nung February 10 ko pa iyon nakita.

Ewan ko ba. Basta, unang pagkakita ko pa lang sa T-shirt na iyon, gustong-gusto ko na talaga siya. Hindi ko nga lang agad nabili kasi medyo mahal. 600 pesos. Eh 250 pesos per day lang naman ang baon ko.

So ang ginawa ko, pamasahe lang ang ginastos ko for the last 3 days. Sinigurado ko lang na kumakain ako ng heavy breakfast sa bahay at bumabawi ulit sa dinner pag-uwi galing school.

At ngayon, nandito na nga ulit ako sa Penshoppe para bilhin yung T-shirt.

Kinuha ko na yung T-shirt mula sa pagkaka-hanger at akmang pupunta na sa fitting room para isukat yung damit, ng biglang...

"Miss excuse me... Nabayaran ko na kasi to eh..." sabi ng isang lalaki sabay hawak sa T-shirt na kasalukuyan ko ring hawak.

Anak ng...

Nag-angat ako ng mukha para makilala kung sino 'yung epal na lalaki.

Bigla akong natulala nung ma-realize ko kung sino.

Sino pa ba naman ang lalaking nakakapag-patulala sa akin ng ganito?

Sino pa eh 'di si Reggie Navarro. Ang secret love ko since 1st year high school. Yes, seriously. Almost 8 years ko na siyang minamahal pero until now, parang hangin pa rin ako sa kanya na hindi nakikita.

Eh sino ba naman kasi ako, diba? I'm a just a normal high school student back then. Samantalang siya, siya lang naman ang sikat na lead vocalist ng banda ng school namin noon.

Pagka-graduate nga namin ng high school, I thought hindi ko na siya makikita ulit. Kaya naman nung malaman ko na dun din siya mag-aaral ng College sa school na papasukan ko, sobra akong natuwa. Ok lang kahit hindi niya ako kilala. What important is, patuloy ko pa ring makikita ang gwapo niyang mukha. Haha.

Same as nung high school, siya din ang lead vocalist ng banda ng school namin ngayon. He's now a 4th year Nursing student.

Hindi pa rin ako makapaniwala na kinakausap ako ngayon ni Reggie Navarro.

Nabalik lamang ang huwisyo ko nung mag-snap siya sa harapan ko.

Shit Shane! Masyado ka ng obvious!

"Miss, pasensya na ah? Pinareserve ko na kasi talaga 'to eh. Saka binayaran ko na. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi pa binabalot nung saleslady."

Wala sa sariling umu-o na lang ako.

Kanino kaya niya 'yun ibibigay? Ang swerte naman nung pagbibigyan n'ya na 'yun kung sino man s'ya.

Unfortunately, wala na silang stock ng ganung T-shirt. Sayang naman. Pinag-ipunan ko pa naman iyon.

Anyway, wala na rin naman akong magagawa. Naglakad-lakad na lang ako sa mall para maghanap ng maisusuot bukas.

Kinabukasan, nagulat ako nung makita kong may gift na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Binasa ko yung card na nakadikit sa gift.

Shane,

Wanna know me? Be there at the concert of FEU Band later tonight. I'm wearing a floral polo.

Happy Valentine's Day

:)

Akmang bubuksan ko na 'yung gift, ng biglang tinawag ako nung Class President namin. Isa kasi ako sa in-charge sa Marriage Booth ng department namin. Pinagpaliban ko na lang muna 'yung pagbubukas ng gift at inilagay iyon sa bag pack ko, pagkatapos ay lumabas na ng room.

Natapos ang buong araw na wala namang espesyal na nangyari sa akin. Nag-bantay lang ako ng Marriage Booth kasama 'yung close friend kong si Ara.

Pagkatapos namin itabi yung mga ginamit sa booth, inaya niya akong pumunta sa quadrangle para manood ng concert ng FEU Band.

Oo nga pala. May concert ngayon sina Reggie. Of course, hindi pwedeng hindi ako present! Haha.

Habang naglalakad papunta malapit sa stage ng quadrange, bigla akong may naalala. 

Tama!!! Yung nagbigay ng gift!!!

Sakto namang nagtilian yung mga tao. Awtomatikong napatingin ako sa stage.

Kaya naman pala. Nasa stage na kasi ngayon sina Reggie.  

Pero wait!!!

Si Reggie! Naka-floral polo s'ya!

OMG!!! Posible kayang sa kanya galing 'yung regalo? Pero hindi, hindi...! Imposible! Hindi naman niya ako kilala eh.

Saka ko lang naisip na kunin 'yung gift sa bag ko at buksan ito. 

Nanlaki 'yung mata ko nung ma-realize ko kung anong laman nung regalo.

'Yun lang namang T-shirt sa Penshoppe na gustong-gusto ko, pero hindi ko naman nabili.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagka-gulat ng biglang mag-salita si Reggie sa microphone.

"Good evening everyone. Now... I would like to dedicate this song sa babaeng lihim kong minamahal for the last 8 years. She is the reason kung bakit dito ako sa school na 'to nag-aral. If not because of her, siguro... wala ako sa harapan ninyong lahat ngayon. Shane Aquino of MC 4-A, you are my inspiration for singing. If you're here right now, this song is for you..."

>>>♥<<<

I'm Yours (A T-shirt Love Story)  --- One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon