CLS - VIII

832 29 1
                                    

Patungo kami sa isang business meeting ni Dylan ngayon. At habang naghihintay nung kameeting nito, nilantakan ko ang isang pirasong Chocnut.

Simula nung bigyan ako ni Dylan ng Chocnut sa office lagi na akong nakakakain nun. Super saya ko nung araw na iyon dahil naalala pala nito na paborito ko yung Chocnut. Bata pa lang kami, kapag masama ang loob ko, iyon ang binibigay nitong peace offering sa akin. Chocnut. Kapag nakikita na nitong bored ako iyon ang binibigay ni Dylan sa akin para may pagkaabalahan ako. Chocnut. Pati nung grumaduate ako nung elementary at pag birthdays ko, laging may kasamang isang pack ng Chocnut mga regalo nito sa akin. Natigil lang pagkain ko ng Chocnut nung mawasak friendship namin. Nawalan na rin ako ng gana noon na kumain pa ng Chocnut. But now, all I want is Chocnut! Hehehe

“Miki, baka naman hindi ka na niyan makakakain mamaya?” worried na tanong ni Dylan sa akin. “Pangatlong pack mo na yan ng Chocnut mula kaninang umaga ah.”

“Hindi iyan…. Ako pa….” sagot ko at sumubo ulit ng isa pa.

Biglang may dumating na isang nakabusiness suit na lalaki. Ito na siguro iyong kameeting ni Dylan. Agad kong nilunok yung Chocnut at nagready na for the meeting. Nasa isang private room kami sa isang exclusive restaurant. Kaya kaming tatlo lang laman nun.

Medyo nainis ako sa bagong dating na kameeting ni Dylan. Feeling paimportante. Ito pa ang late, eh ito ang makikipagdeal sa amin. Kung hindi kaya umoo si Dylan sa business proposal nito? Hmmmp!

“Sorry I’m late.” Paumanhin nito kay Dylan, pagkatapos ay nagshake hands ang dalawa. Ako naman ay ngumiti lang dito. This is business, and as a secretary kailangan kong makipagplastican. Nang makaupo ang dalawa tumayo ako para isara yung pintuan. Mygawd! Hindi man lang sinara ng paimportanteng taong ito.

“And she is?” narinig kong tanong nito kay Dylan patungkol sa akin.

I’m the secretary! Duh!

“She’s my girlfriend…” narinig kong sagot ni Dylan.

Nagulat ako sa narinig. What? Bakit ganoon pakilala sa akin ni Dylan. Sa mga nakalipas na meeting laging secretary ang pakilala nito. When we are in business, we are not girlfriend – boyfriend but boss – secretary. Isa iyon sa rule ni Dylan.

Nagtatakang bumalik ako sa upuan ko.

“Wow! You have a beautiful girlfriend…..” puri sa akin nung kabusiness meeting namin. “- and a sexy one too…” at may malisya nitong tinignan ako. Manyakis pa yata isang ito eh!

Nagdilim mukha ni Dylan sa narinig.

“Let’s go straight with business.” Sabi lang nito.

And all through out the meeting walang ginawa si Dylan kundi magkomento sa lahat ng sinasabi nung kabusiness meeting nito. And resulta? Syempre rejected ang business proposal ng kameeting nito.

Habang pauwi kami at nakasakay kami sa kotse tahimik pa rin si Dylan. Hindi ito umiimik.  Hindi ako makatiis sa katahimikan kaya…

“What’s wrong with you?”

Tumingin sa akin si Dylan at hindi pa rin sumagot.

“Hello??????? Am I talking to myself???” naiinis kong sabi.

“Next time don’t wear short skirts like that.” Galit nitong turo sa suot kong skirt.

“Are you joking Dylan?” natatawang tanong ko dito. Galit ito dahil sa skirt na suot ko?

“I’m not. Muntik ko ng masapak yung kanina dahil sa katitingin sa iyo at sa legs mo. Kaya sa susunod, wag ka ng magsuot ng ganyan.”

Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa sinasabi ni Dylan eh.

“I’m sorry but I don’t think I can do that.”

“Why?” galit na tanong nito sa akin. “Gusto mo bang pinagpyeyestahan ka ng mga lalaki?!”

This time gusto ko na talagang matawa!

“Duh Dylan! I’m wearing the company’s uniform? Can’t you see?”

Dylan just stared at me blankly.

After sometime, maybe after he internalizes what I said he burst out laughing.

And I can’t help but laugh too.

Together we laugh endlessly…. Until our stomach hurts… : )

The Chocnut Love Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon