Andrew De lara Side story

64 2 13
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

Ano oras na?

Andrew De lara Side story

**

Clarisa POV (sister ni Andrew)

Nang makarating na ako sa lugar nya ay binaba ko ang binili kong Bulaklak at inilagay sa tabi ng kanyang lapida, umupo ako para alisin ang mga tuyong dahon na naka palibot  sa may lapida.

"kamusta ka na kapatid ko? ayos ka lang ba dyan?" tanong ko habang nag aalis ng mga tuyong dahon "sigurado ako na ayos ka na dyan at wala ka ng sakit pang nararamdaman...andrew alam mo ba medyo nag tampo ako sayo, dahil iniwan mo na ako agad, hindi mo manlang hinintay ang pag dating nila mama at papa...iyak sila ng iyak ng di ka na naabutan pang buhay" tumulo na naman ang mga luha ko dahil na aalala ko na naman yung araw na umuwi ang magulang kaso hindi na nila pa naabutan si andrew na buhay. 

na pa pikit ako at na alala ang lahat ng nang yari sa buhay ng kapatid ko bago sya pumanaw...

***

Flash back

"ayiee ang kapatid ko binata na" kinikilig na asar ko kay andrew dahil naabutan ko syang nag susulat ng tula para sakanyang minamahal na babae.

"ate naman!"

"asus wag ka na mahiya sa ate mo, ikaw ah sino naman ang maswerteng babaeng yan na minamahal ng kapatid ko?" tanong ko at umupo sa kama sa tabi nya.

"a-ano hmm..." pag aalinlangan nya.

"sige na bro! sino sya ah-ah?" pa ngungulit ko.

"schoolmate ko sya at ka year level... si Nadia" sagot nya at tumungo, ayiee na mumula ang kapatid ko.

"wah! ikaw ah..alam nya bang gusto mo sya?"

"hindi" sagot nya at tumingin saakin "hindi nya alam...ang totoo secret admirer nya ako, alam mo ba ate sa tuwing nakikita ko syang binabasa yung mga sinusulat ko para sakanya ang saya ko kasi kita sa mukha nya ang saya din na maka tanggap ng ganung sulat"

"bakit di mo pa aminin na ikaw ang secret admirer nya? torpe ka ba bro?"

"h-hindi ate... hindi ako torpe"

"eh kung ganun bakit ayaw mo pa umamin baka mamaya nyan may karibal ka na sakanya mahirap yun sige ka"

pag ka sabi ko nun ay biglang lumungkot ang itsura ng mukha nya tumingin ulit sya saakin at hinawakan ang kamay ko bago ulit sya mag salita.

"ate... alam mo naman ang kondisyon ko diba?" na bigla ako sa sinabi ng kapatid ko, at alam ko kung ano ang tinutukoy nya "kung liligawan ko ba sya at saka kung sagutin man nya ako magiging masaya ba kami? ang sagot hindi...kasi ate kung may mangyari saakin, masasaktan lang sya kung mawala ako sa tabi nya ng maaga, iiyak lagi sya *snift* ate mas pinili ko na maging secret admirer nya dahil kahit papaano nakikita at nararamdaman ko na gusto nya ang bawat binibigay ko sakanya" hindi na napigilan pang lumuha ng kapatid ko.

Gusto ko ako nalang ang sumalo ng sakit na nararamdaman ng kaptatid ko, may cancer kasi sya at sinabi ng doctor saamin na bilang na ang buhay nya, nung una talaga hindi ko matanggap na ganun ang naging resulta, pero sinabi ng kapatid ko na wag ako mag alala dahil mag papatatag daw sya at lalaban, ang magulang namin ay parehong nasa ibang bansa dahil doon sila ng t-trabaho at kami lang ang mag kasama sa bahay.

"shss... tahan na bro, sige na mag pa hinga ka na gabi na din at may pasok pa tayo bukas" sabi ko at tumungo sya, nasa 1st year college na ang kapatid ko at ako naman ay graduating na at nag p-partime job ako sa Mcdo malapit saamin.

(COMPLETED) Anong oras na?Where stories live. Discover now