Chapter Three

1K 12 2
                                    

Chapter Three:

        Isang simpleng two storey house ang bumungad sa kanila. Bumukas ang malaking berdeng gate at nakapag park ang sasakyan nila sa maluwang na bakuran. Ang daming punong nakapalibot dito. Lumabas sila sa sasakyan ni Killan na Toyota Hilux at nagpatuloy na humakbang papunta sa main door ng bahay. Sa loob ng bahay, sumilip sa may bintana si Vamp. 

        Nandito na sila... bulong niya sa sarili niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at hinanda ang sarili harapin ang mga bisita.

        Sa labas, dumadaloy sa likuran ni Killan ang malamig na pawis na para bang ikakamatay niya ang araw na iyon. Pinagbuksan niya ng pinto ang dalawa. Napamangha ang dalawang dalaga ng umapak sila sa loob ng bahay. Kahoy halos lahat ng nakapaloob dito. Mula sa kisame hanggang sa sahig, sa upuan, mesa at mga eskulptura na meron. Para bang ang bahay na iyon ay nasa napakalamig na lugar kaya puro kahoy ang ginamit. Agad umupo si Pepper sa sofa ngunit nahulog sa pagkaka-upo ng may makita siyang matandang lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Napasigaw siya ng malakas.

"Anong nangyayari?" tanong ni Killan, sumugod papunta sa sala. Kasunod niya lamang si Zyrene na halatang nag-aalala.

"Ma-may matanda... a-akala ko mag-isa ka la-lang nakatira dito..." paputol-putol na sabi ni Pepper habang tinutulungan siya ni Killan tumayo. Nakapako pa rin ang mga mata niya sa matandang lalaki sa likuran ng sofa.

"Ahh... pagpasensiyahan niyo na... di ko na sabi na may kasambahay ako dito. Ito pala si Manong Ando," pakilala ni Killan habang nakangiti. Hindi mo ba alam kong totoo yun o hindi.

        Pinagmasdan siya ni Zyrene. Tinignan mula paa at ulo ang matanda. Bigla nakaramdam ng kaba si Vamp, nagbihis matanda kasi siya. Gamit niya ang prostetics na nakatago sa mahiwagang baul ni Killan na ginagamit nito tuwing may Clearing Operation ang unit nito. Pinaliwanag sa kanya ni Killan kanina ang nangyayari at pinilit gawin ang di niya kayang tanggapin gawin.

"May kamukha ah..." usisa ni Zyrene, habang sinisiyayat ang mukha ng matanda.

        Biglang kinabahan si Vamp. Pati si Killan biglang dinalaw ng malakas na kaba. Tinignan rin ni Pepper si Vamp. Nag-iisip na tumakbo palayo si Vamp ng biglang magsalita uli si Zyrene.

"Kahawig niya si Richard Gomez," komplimento ni Zyrene.

        Parang tinulak sa bangin ang dalawa dahil sa di inaasahang nangyari. Nawalan rin sila ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi ng dalaga. Gusto nilang tumawa na hindi. Agad naman sumang-ayon si Pepper. Para sa ngayon wala silang pakialam kung anong sabihin ng dalawang dalaga, basta nailigtas sila sa sitwasyon na mas malalim pa doon.

        "Ilang taon ka na dito?" narinig ni Vamp ang tanong ni Zyrene mula sa likuran niya.

        Mag-isang nakaupo si Vamp sa may bakuran. Hinihintay ang paglubog ng araw. Gusto niya rin kasing samsamin ang lamig ng hangin. Muntik niya ng kalimutan na nakasuot pa rin siya ng prostetics ng makarmadam siya ng kati sa mukha.

"Matagal na, dalawang taon..." pinipilit niyang gawing matanda ang boses niya.

        Ang ginamit ni Vamp na prostetics ay may kasamang makapal na balbas na nagsasanhi ng kati sa mukha niya. Pilit niyang itinatago ang inis dahil sa kati ng pekeng balbas.

"Wala ka bang pamilya?" tanong muli ni Zyrene sabay upo sa tabi nito.

"Meron," sambit ni Vamp, "Ngunit di ko sila mabisita sa kadahilan may trabaho ako dito."

I Love a Criminal (Closed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon