Chapter One

2.9K 31 2
                                    

Chapter One:

        Pinapakinggan ni Pepper bawat detalye sa nangyaring krimen sa isang condominium unit sa Makati kung saan naka-assign ang grupo niya sa imbestigasyon. Ngunit inaamin niya, medyo hindi siya maka-concentrate dahil may gumagambala sa isipan niya. 

"As I said may suspek na tayo sa krimen. His name si Vamp Santibanez.. Well, ang nakalap kung mga imporamsyon at detalye tungkol sa taong ito, is his the only son of the owner of the Santibanez Shipping Lines. He is the last person na nakasama ni Jimreen sa unit niya according sa guard at manager ng condominium. At ngayon, nagtatago na siya, pero sabi ng kanyang ama, si Vamp ay nag-out of the country... but I don't trust the guy. Nag-utos ako ng isang tauhan ko upang i-surveillance siya... and bingo.... huli siya.... according to my source, he is somewhere in CAR region. Specifically, in Benguet and Baguio," mahabang paliwanag ni Michael, head ng grupong kinabibilangan ni Pepper.

        May pagkamasungit ang itsura ni Michael, hindi lang dahil sa mababa at husky nitong boses, pati na rin sa lagi itong nakasimangot at dikit ang kilay nito pag kausap. Akala mo tuloy isa kang mamamatay tao dahil sa tingin nito sa'yo. Bumuntong-hininga si Pepper ng sa wakas ay tinapos ni Michael ang diskusyon nila. Agad siyang tumayo at lumabas ng opisina.

        Malapit sa opisina nila, tumambay sa parke si Pepper kasama ang kaibigan at katrabahong si Zyrene. Habang nakaupo sa isa sa mga benches, katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa kahit maingay ang lugar. Hindi alam ni Pepper kung paano papatayin ang katahimikan na iyon, ngunit gusto niyang itanong ang isang bagay na kanina pa gumagambala sa kanya.

"Zy... ku-kumusta na si Jimreen?" naiilang na tanong ni Pepper. Si Jimreen ang nakakabatang kapatid ni Zyrene. Sigurado siya pag binanggit niya ang pangalan ng kapatid nito... sa labas, ay maiirita at maba-bad trip ito.

"Mabuti... ay hindi pala, comatose pa rin siya," sagot ni Zyrene na mukhang pilit. Halata na ayaw nitong pag-usap ang kapatid nito sa labas. 

        Kaagad na bumuntong-hininga si Pepper. Alam niya ang pinagdararaanan ng kaibigan. Kasama niya rin ito sa grupong nag-i-imbestiga sa krimen. Ang biktima sa krimen na inaasikaso nila ay ang kapatid ni Zyrene, si Jimreen. Halos siraan ni Zyrene ang mesa ng opisina ng malaman na kasama siya sa pag-i-imbestiga. Ayaw niya iyong gawin, pero tawag iyon ng tungkulin. Ayaw na ayaw ni Zyrene kay Jimreen. Hindi  alam ni Pepper kung bakit may sama ito ng loob sa kapatid kahit pag tinatanong niya ito kung bakit. Ang isasagot lamang nito ay 'Kumukulo ang dugo ko sa kanya... yun lang iyon... okay!' Pero alam niya may mas malalim na dahilan doon.

"Tayo daw ang pupunta sa Benguet, doon natin hahanapin si Vam... ano uli iyon... Vap?" binago ni Zyrene ang usapan.

"Vamp! ugak! " sigaw ni Pepper sabay suntok sa braso ni Zyrene, "Oi yung Benguet na ba iyon is... yung may strawberry... basta yung may Panagbenga festival thing," tanong pabalik ni Pepper na halatang walang kaalam-alam sa lugar.

"Yung strawberry, Oo sa Benguet yun... Yung festival sa Baguio yun...." pagtatama ni Zyrene. Ilang beses na niya kasi nabisita ang lugar at doon niya lamang nalaman na iba pala ang Benguet sa Baguio.

"Okay...okay.... Pwede bang tama na iyang pag-e-explain, minsan lang kita nilait.... I... I mean kinorek ganyan ka na ahhh..."

        Napangiti lang si Zyrene sa sinabi ng kaibigan. Biglang tumayo si Pepper at hinati sa dalawa ang kanyang mahabang buhok para ayusin. Nakatingala lamang sa kanya si Zyrene.

"Tara lets! Impake na tayo ng gamit. Bukas na tayo susunduin ng helicopter papuntang Benguet," yaya ni Pepper sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

"Sige," sangayon kaagad ni Zyrene na hindi pa rin maalis ang ngiti.

        Sa isang bahay malapit sa Strawberry Farm sa Benguet, nag-iisip ng malalim ang isang binatilyo habang nakaupo sa isang metal na upuan. Halatang problemado at parang mamamatay kung hindi niya kaagad susolusyunan. Nakatayo lamang sa tabi niya ang kaibigan niya, hinahayaan niyang halos sabunutan na ng kaibigan ang sarili sa lalim ng iniisip. Nasa may bakuran sila ng bahay at may nakasaradong berdeng gate na tinatago sila sa loob ng bakuran na iyon.

"Vamp... you know that you can't hide forever... kailangan mo ng sumuko," biglang sambit ng kaibigan niyang si Killan ng hindi matagalan ang katahimikan.

"Kilan, I'm innocent and you know that. At saka I have 2 witnesses," sagot ni Vamp habang nag-iisip at nakatingin sa kaibigan, inuusisa ang mukha nito.

"Yung dalawang nasa ospital at comatose? Vamp, we keep them safe, balang araw isa sa kanila ang gigising sa higaan at sasabihin ang katotohanan," pinipilit ni Killan na pakalmahin ang kaibigan at makuha ang buong tiwala nito.

"Pero kailan pa?! Pag ilang dekada na akong nakakulong. You know that I never mean to stab Jimreen in the chest. Hindi ako ang gustong pumatay sa kanya," sumasabog ang boses ni Vamp habang sinasabi ang saloobin.

"Pare," sabay tapik ni Kilan sa balikat ng kaibigan "Magigising ang isa sa kanila... they'll save you... but still I'm just giving you the option, to surrender or to be hunted."

        Mapaklang tumingin si Vamp kay Kilan. Mukhang seryoso ang mukha ng kaibigan. Hindi niya makuha ang gusto nitong iparating sa huli nitong sinabi.

"What do you mean?" tanong ni Vamp ng maramdaman niya ang lamig ng aura ng kaibigan.

Linabas ni Kilan ang isang packete ng sigarilyo sa back pocket ng jeans niya at kumuha ng isang stick bago nagsalita.

"Na-inform ako na may pupunta dito na dalawang NBI agent galing Maynila.... darating sila bukas," sabay labas ng lighter at tinira ang isang stick ng cigarette sa bunganga nito.

        Hindi umimik si Vamp. Sa anyo niya di mo mapapansin na naguguluhan siya. Iyon ang special talent niya, kayang-kaya niyang itago ang feelings niya. Bumuga ng usok si Kilan sabay masid sa kaibigan. Pulis siya pero hindi niya hinuhuli ang kaibigan niya, sapagkat naniniwala siya dito na inosente ito. Magkababata sila at wala silang sikreto sa isa't isa. Bumuga uli siya ng usok galing sa sigarilyo bago nagsalita.

"I need to go Vamp... hahanapin ako nang katrabaho ko," paalam ni Killan sabay labas ng gate. Hindi niya na hinantay ang sagot nito. Malamig na tao si Vamp kaya inaasahan niya na hindi na siya nito kakausapin pag paalis na siya.

Naiwan si Vamp na naka-upo mag-isa sa bakuran. Hindi niya mailabas ang emosyon na dumadagundong sa dibdib niya. Tahimik na lang siyang bumalik sa loob ng bahay.

___________________________________________________

Don't forget to vote... and leave comments kung meron man kayong gustong sabihin...

I Love a Criminal (Closed)Where stories live. Discover now