Chapter Four (.5) - Intramural PART 2

73 5 0
                                    

Saktong sakto pag pasok namin sa court magsisimula na sila pero mukhang nagpapanic ang team namin. Napatingin sa gawi ko yung isa sa mga players at biglang sumigaw,

"SIR AYUN NA PO SI KRYSTAL!"  sabi niya sa coach. Bakit ko narinig eh malayo pa naman siya saakin kasi akala niya malayo yung coach namin kaya sumigaw pero nasa tabi na niya ang coach. Kaya ngayon napagalitan siya. I bet hindi yan makakalaro nang first 6. Sayang magaling pa naman yan. Lumapit saakin ang coach nang volleyball. Hindi naman ako nito papagalitan eh ka-close ko kaya to.

"Oh Krystal! Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap, Tara na nga kailangan niyo pang magwarm-up." sabi ni Sir Jamie (James Camaya ang totoong pangalan niyan) na malumanay or should I say na ma'am. May pagkabakla kasi ang coach namin sa vball or should i say bakla talaga and his proud of it. Kaya gusto ko siya. Kasi totoo siyang tao. Hindi yung alam na sa mga kilos na bakla sila hindi pa aamin.

"Krystal dun muna ako sa bleachers ha?" Angelia pointed at the bleacher kung saan nanonood yung mga ordinary na students, yung walang special treatment "Dun kita panunuorin." dungtong pa niya.

"Sure ka? Ayaw mo sa bleacher nang mga players?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa mga bleachers pero andun yung tatlong baboy nakaupo lang sila dun at nag uusap.

"Dun nalang sa tabi ng students. Unfair naman kasi sa ibang mga students diba? Hindi naman ako part ng vball team para maki-upo sa mga kateammates mo e." sabi ni Angelia. Ito ang gusto ko sakanya, she's equal.

"Ikaw bahala. Pero wait ka lang diyan may paaalisin lang ako." iniwan ko  si Angelia at pumunta nang mga beechers para palayasin  ang tatlong baboy. Nasa harapan ko na sila ngayon at nakataas pa ang kilay ko. Napatingin sila saakin mula paa hanggang ulo at mukhang nagulat sila nang nakita na nila ang ulo ko. Tinaasan ko pa ulit yung nakataas na kilay ko. At sila natameme at nagmadaling umalis.

"Angelia halika na dito!"  sigaw ko kay Angelia. At umupo narin siya sa upuan kung saan nakaupo dun kanina ang tatlong baboy. Maganda kasi ang veiw sa part na yun kaya dun ko siya pinaupo.

"Sige na Krystal magwarm-up ka na. Thank u nga pala. Ipag-checheer kita ha!" ^_^ sabi niya na malawak ang smile pagkatapos. Sinuklian ko na rin siya nang malaking smile. At umalis na ako.

Habang nagwawarm-up ako nakita ko si Andrei dun sa dulo ng bleachers. Ay! Oo nga pala diba pupunta daw dito si tita eh ba't wa si tita? Matanung nga. Peste kasi yung tatlong baboy, nakakabwiset hindi ko tuloy nakita ang reaction ni Andrei.

"Boy! Hoy ikaw!" Tawag ko dun sa lalaki na hindi ko kilala pero I think classmate ko yan. Wala talaga akong pake sa paligid ko eh. Medyo namumukaan ko siya. Medyo malayo siya saakin pero siya lang ang nakikita kong medyo matino sa paligid.

WOW. Ang tanga naman niya alam naman niya na siya ang tinatawag ituturo pa ang sarili na nakanganga. May natutunan ako; hindi lahat na matinong tiganan ay matino, matino nga sila pero tanga naman.

"Ikaw nga, oo yung naka blue na t-shirt." sinabi ko na kung ano ang kulay nang t-shirt niya. Di parin naniniwala. Ano? Nainip na ako at tinignan siya ng masama. Tang*n* kasi ba't ang slow nang mga tao ngayon. Ilang segundo pa bago siya tumayo at lumapit saakin.

"Ako po ba ang tinatawag niyo? " tanong niya saakin at halata din sa mukha niya na natatakot siya.

"Tanga ka ba? O sadyang bobo lang ha?" sabi ko sa kanya ng galit.

"So, ako po talaga ang tinatawag niyo?" ay ang tanga!

"Hindi ka lang tanga, bobo ka pa, bingi at bulag. Ang slow slow pa ng utak mo! May sira ka ba sa ulo o sadyang tanga ka lang? Diba ikaw yung top 2 sa over all nang grade 9 akala ko ba matalino ka?" sabi ko sakanya ng pasigaw galit na talaga ko nakakainit ng ulo ang mga tanga. Sinong nagsasabing hindi? Try niyong kausapin ang sira ulo parang ganun yun. Namukhaan kong siya yung top 2 eh. Larry yata pangalan.

Bad Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon